@Sunny
Isang Malungkot na balita ang dumating sa aming pamilya ngayon lamang umaga. Isang malaking dagok ito sa pamilya Pamintuan at balot ng lungkot ang bawat isa sa amin. Na diagnose kasi na may Terminal Cancer ang LOLO TOP at may taning na daw ang kanyang buhay. Bagay na ikinabigla ng lahat kabilang na ang dalawang bff nyang sina LOLO GD AT LOLO TERRY.
(Naka wheel chair na din sa kasalukuyan ang Lolo Terry)"Halos dalawang taon na din palang di nagpapa check up ang Daddy Top kaya walang naka alam sa kalagayan nya.
Ang sabi ng Doctor nya ay biglaan at mabilis daw na kumalat ang cancer sa katawan nya na naging dahilan ng kanyang agarang panghihina.Ni hindi ko manlang napansin yun bilang ako ang palagi nyang kausap tungkol sa mga negosyo.__Lolo Gucci"Wag mong sisihin ang sarili mo lang Chi, Parehas lang tayo na may kasalanan at pagkukulang din. Dahil sa sobrang pagtutok natin sa mga negosyo,hindi natin napapansin na tumatanda na ang ating mga magulang. Na mas kailangan nila ng atensyon at pagkalinga mula sa ating mga anak nila. Masakit sa akin bilang panganay na anak na hindi ko sya masyadong nakasama ng matagal dahil na din sa mas pinili kong mamalagi nuon sa Madrid kaysa pasyalan at dalawin sila ni Mommy Dess.__Lolo Skyler
"Dad wag ka pong mag isip ng ganyan. Walang may gusto na mangyari yun. Hindi natin lahat ginusto na may magkakasakit sa kahit sino sa atin. Pero dumarating talaga ang lahat sa ganung pagsubok. Ang kailangan nating lahat ay maging matatag para na din sa kanila. Ngayon nila tayo mas kailangan. Kaya wag nating ipakita sa kanila na mahina tayo.__Daddy Cloud.
"Tama si Cloud Lolo Tito Sky, Popshie Chi. Mas kailangan natin ngayong maging malakas at mas maging matatag. Hindi tayo dapat magpakita ng kahinaan lalo pa at hindi natin alam kung hanggang saan at kung kelan na lang tatagal ang buhay ng Lolo Top. Ayun po sa nakausap kong espesyalista sa sakit nya, Kung mababantayan maige at kakayanin ng pasyente ang lahat ng mga pagdaraan nyang treatment, Mas mapapahaba pa ang buhay nya. Kaya po nakasalalay sa ating lahat ang kanyang paglakas. Kapag nakikita nya pong masaya tayo at masigla, Mas gagaan po ang kanyang pakiramdam.__Momshie Saint.
Bilang bunso at paboritong Apo ng Lolo Top ay talagang sobra akong apektado sa mga nangyari. Halos maghapon akong wala sa sarili ko at hindi makausap. Nakatingin lang sa akin sina Prince at Regie habang nakatulala ako sa isang sulok. Kundi lang ako tinapik ni Regie at ayaing uuwi na daw kami ay hindi ko talaga mapapansing nakalipas na pala ang buong maghapon ko na wala akong ginawa kundi ang tumulala lang.Ni hindi ko na nga napansin kung kumain ba ko o hindi mula pa kaninang umaga.
"Brad san mo ba gustong ihatid ka namin, Sa Condo mo ba o sa mansyon nyo? __Prince
"Hah? Brad parang hindi ko yata kayang umuwi sa bahay namin. Mas lalo lang akong malulungkot duon. Siguradong kapag nakita kong umiiyak ang Mommy at Daddy, Mapapasabay din ako sa pag iyak. Ayokong mangyari yun.
"San ka naman namin dadalhin? Hindi ka naman pwedeng mag isa sa unit mo at baka kung anong gawin mo dun.
Bawal naman tayong uminum dahil may trabaho tayo bukas. Di naman din kita pwedeng isama sa unit ko kasi may asawat anak na ko. Gusto mo, Sa talyer na muna ni Regie ka tumambay?__Prince" Ayos lang sa akin brad, Mas okey yun para malibang ka. Tamang tama dahil may kotse akong gagawin ngayon. Mas okey kung tutulungan mokong mag assemble. Kakaiba din kasi yung style mo pagdating sa pagde design eh. Artistic na may pagka futuristic. Tamang tama dun sa gustong design nung client ko.__Regie
"Aba himala, Wala yata kayong date ng mysterious girl mo ngayon? Don't tell me, May LQ kayo ngayon?__Prince
"Mysterious girl ka dyan. Wala sa bokabularyo ko yang LQ LQ na yan. Para lang yun sa mga relasyong walang TIWALA sa isat isa.Hindi lang muna kami magkikita ngayong gabi dahil may problema sila sa family nya. Ano brad, Sama kana muna sa akin?__Regie
"Sige brad, Dun na muna ako sa Talyer mo. Mas okey na yung may ginagawa ako kaysa kung ano anong malulungkot na bagay ang naiisip ko. Wag kayong mag alala, Hanggang ngayong gabi lang ako ganito. Bukas, Back to work na uli tayo at madami pa tayong kailangang gawin sa opisina.
Baka hindi tayo umabot sa deadline at maunsyami pa ang araw ng grand opening natin next month..."Yun oh! Salamat naman at medyo okey kana brad. Akala namin talaga ni Regs, Mga ilang araw pa bago ka maka recover. May awa ang Diyos Brad, Mas palalakasin at mas pahahabain nya pa ang buhay ng Lolo Top mo kaya tuloy tuloy lang ang pagdarasal. Kasama din sya sa panalangin namin.__Prince
"Salamat mga Brad. Pasensya na din kanina, Halos wala akong naitulong sa trabaho. Babawi ako bukas. Yung mga design na pinagpuyatan ko ng ilang araw, Makikita nyo na.
At yung mga damit na tapos ng tahiin, Dadalhin na din daw bukas sa opisina para maisukat na ng mga modelo natin..." Excited na nga din akong makita yung mga finished product natin eh. Ang sabi nung head ng patahian, Magaganda daw talaga yung mga style at design nung mga damit na pinatahi natin sa kanila. Original daw ang style at kakaiba ang dating. Classy at mukhang elegante daw ang mga style ng mga damit kahit na made in the Philippines.__Regie
"Salamat naman at nagustuhan nila. Siguradong nahirapan silang sundin yung design pattern na pinagawa ko dahil medyo ma detalye at may mga maka bagong design akong ipinadagdag duon. Actually, kahit si Heaven mismo ay nagulat sa mga style ng damit na ipinakita ko sa kanya. Sabi ko kasi na isa sya sa mga modelo na gusto kong magsuot ng mga design na ginawa ko at pumayag naman sya...
"Really, Pumayag si Heaven na maging Model ng mga damit natin? Ayos yun. Malaking tulong yun para sa promotion.
Sa dami ba naman ng mga kabataang umi idolo sa kanya as International Model, siguradong dadagsain ang opening natin nyan! Kailangan ko na talagang umuwi para i check ang email add ko. Baka may mga nag mail na sa akin dun na importanteng mga tao. Alam nyo na, mga magiging VVIP's natin in the future.__Prince"Sige na Brad, Ingats na lang pag da drive ha. Ikamusta mo na lang kami sa mag ina mo. Sa susunod kamo, Sa inyo naman kami tatambay para maka bonding sila...
Mas malapit ang Talyer ni Reggie sa opisina namin kumpara sa inuuwian naming dalawa ni Prince. Kaya naman mas mabilis nakakauwi si Reggie at nakakapag trabaho pa sa talyer nya habang kami ni Prince ay tulog na kaagad pag uuwi ng bahay.Mas gusto ni Reggie ang trabahong pang talyer kaysa mangarera. Kaya ako lang ang madalas na sumasali sa karera sa aming tatlo.Habang si Prince naman ang pinaka wala masyadong interes sa pangangarera.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...