After ng klase ko ay mabilis akong nagtungo sa penthouse para kunin ang motor ko.Sa mismong event place na din ako magpapalit ng uniporme kong isusuot pangarera.Dun na din kami magkikita ni REGIE since gaya ko ay uuwi pa sya sa bahay nila para kunin ang motor na gagamitin nya.
"Sunny! Long time no see ah.Anong meron at nagbabalik karera ka yata? Bored kana ba ulit?__Supreme.Sya ang binansagang QUEEN of DRAG RACING.
"Hello.Nice to see you too QUEEN.Well,Na miss ko lang ang naman ang pangangarera kaya ako nagbalik ulit. Balita ko,Ikaw ang pinaka sikat na motor racer ngayon ah.Congrats sayo!__AKO
"Hahahaha. Since nagbalik kana,Hindi na ko ang pinaka sikat ngayon.May makaka talo ba sa pagiging famous ng isang SUNNY VILLAREAL.So,Ano bang meron? Imposibleng Single ka?__Supreme.
"Hahahaha.Imposible bang SINGLE ako ngayon? Pero seriously, Wala nga akong ka date today.Baka meron kang mairerecommend sa akin dyan?__AKO.
Maya maya pa ay dumating na si REGIE at ang iba naming katunggali sa karera kaya nagpaalam na muna ako kay Supreme para magbihis na ng damit pangarera.
"Hello Ate.Na inform na po ba kayo management about this. Kami po yung mag o occupy nitong 1st floor.Okey na po ba?__Miss Diane. (Personal secretary ni REGIE)
"Ay opo mam.Ready na po sya.Malinis na malinis at mabango po ang loob nitong VIP shower room.Pwede na po kayong pumasok.
__Janitress. Ngumiti lang ako sa kanya at saka ako pumasok na sa loob ng shower room para magbihis."Sunny,Remind ko lang sayo yung tungkol sa bagong route na pag iikutan natin.Hindi tayo dun sa MAGALLANES dadaan gaya before ha.From here,Sa JULIAN FELIPE tayo iikot.Dun sa right side,Along Manila bay.__REGIE.
"Yes,I will. Thanks for reminding me Pre.Kahit sampung beses mo ng sinabi yan sa akin.hahahahha. Goodluck sa atin mamaya. Sana isa sa atin ang makapag uwi ng trophy.__AKO
"For sure ikaw na naman ang makakapag uwi ng trophy nyan.
Bukod sa kundisyon yang motor mo,Ang relax ng AURA mo ngayon eh.Iba yung kislap ng mga mata mo pagkakita ko sayo kanina pagdating ko. Dahil ba yan sa kausap mo kanina?__REGIE"Kausap ko kanina,Si Supreme ba? Hahahahah. Hindi talo yun pre.Babae din ang hanap nun eh. Akala ko ng nung una,magkakaroon kami ng something.Unang meeting pa lang kasi namin iba na yung dating nya sa akin.Pero after naming magka usap,Saka ko lang nalaman na pareho pala kami ng hanap.__AKO
"Really? Akala ko pa naman may date kayo later after this event.
By the way pre,Mauuna na ko sayo dun sa venue ha. Nakalimutan kong kausapin si Commisioner Rosales.May pinapa submit nga palang document si Daddy na kailangan na this week. Kita na lang tayo sa labas ha.__REGIE.Kung ang pamilya nina PRINCE ang may ari ng pinaka nangungunang supplier ng mga imported na motor dito sa bansa, Pamilya naman ni REGIE ang nangungunang exporter/importer ng mga cargo shipment sa bansa.Basically,sila din ang contact ng daddy ni PRINCE kapag may mga shipment sila from other country.Kaya iisa lang din ang mundong ginagalawan naming tatlong magkakaibigan.Ang mundo ng mga RICH and FAMOUS.
"Miss pasensya na,Hindi kayo pwdeng pumasok dyan sa loob. Dun na lang kayo sa 2nd floor gumamit ng banyo.Hindi talaga ito pinapagamit sa iba.__Babaeng malumanay magsalita.Kundi ako nagkakamali ay sya yung Janitress na kausap namin kanina.
Mula sa labas ng nitong shower room ay dinig na dinig ko ang malakas na usapan ng mga babae mula sa labas.Hindi ko din naman gustong makita nila ako kaya nag decide akong hindi muna kaagad lumabas.
"At sino ka para mag bawal sa aming wag gumamit dito ha? Sayo ba tong CR,Nabili mo ba to? How dare you! Baka hindi mo kami kilala.__Babaeng may malakas na boses.
"Look at my shoes.Nadikitan ng madumi mong basahan.Yuuucck!
Lumayo ka nga sa harapan ko at baka masipa pa kita dyan.__Isa pang babae."Hubadin mo yang uniporme mo at yan ang ipunas mo sa sapatos.Mas bagay pa sayong magsuot nyang basahang hawak mo kaysa mag suot ng uniform eh.Bilis na,punasan mo na at baka masaktan kapang lalo!__Pangatlong babae.
"Excuse me lang naman mga Miss.Wag nyo namang pagtulungan yung tao.Talo tatlo kayong naninigaw sa kanya eh.At saka wag nyo namang sipain.Hindi na kayo naawa.__Girl na mukhang kadarating lang.
"At sino ka naman para makialam dito ha? Hindi mo ba kami kilala,Baka gusto mong madamay.Pabibo ka masyado.Pakialam mo ba kung saktan namin sya.Ano namang magagawa mo?__Babaeng malakas ang boses.
"Pasensya na po talaga mga Miss.Hindi ko naman sinasadyang madikitan ng basahan ko yung sapatos mo Miss.Pupunasan ko na lang.Please lang wag nyo akong isumbong sa manager ko.__Janitress
"Tatanga tanga ka kasi! Hindi mo ba alam kung magkano tong sapatos ko ha,Mas mahal pa to sa buhay mo.At ikaw namang EPAL ka,Umalis kana dito kung ayaw mong madamay!__2nd Bully girl.
"Sige,Hindi kayo titigil? Naka video kayong tatlo.Mula pa kanina hanggang sa pananakit nyo kay Ate,Nakuhanan ko lahat.
Isang click ko lang dito sa fone ko,Instant sikat kayong tatlo sa buong mundo.Palabasin nyo na si Ate bago pa mangalay itong kamay ko kung ayaw nyong mag viral ngayong gabi!__Hero Girl"Bwisit kang babae ka.May araw ka din sa amin. Kuhanan nyo din sya ng video girls para makapag reklamo tayo. Magkikita pa tayo babaeng pakialamera!__3rd bully.
Maya maya pa ay wala ng mga tao sa labas ng shower room kaya agad akong lumabas na din. Mabuti na lang at hindi pa naman ako late sa race bago pa sila matapos sa pag aaway away nila.
"Sunny,Ang tagal mo naman sa loob. Don't tell me,May ginawa ka munang orasyon bago ka bumalik dito? Kundisyon na ba? Parang wala naman akong nakitang kasabay mong lumabas ah!__REGIE.
"Loko,Hindi lang ako agad nakalabas dahil may mga nag aaway dun sa labas ng shower room. Akala ko nga di na ko makaka habol eh.Ayoko namang magpakita,Baka ma isyu pa ko.Buti na lang nagsi alisan din sila kaagad.__AKO
"Seryoso? Buti nga at di ka na muna lumabas. Malaking isyu nga yun kapag nagkataon.Teka,Tawagan ko lang si Miss D. Baka makatulong sya dun sa na bully na Janitress,kawawa naman.__REGIE.
"Moral lesson of the story,Wag na tayong gumamit ng shower room pag may ganitong event.Magdala na lang tayo ng sariling VAN para dun tayo magbihis.__AKO.
"Buti pa nga.Ayaw mo kasing magsama ng driver at assistant eh.
Kita mo yang si Alodja,Limang assistant ang kasama.Bukod pa sa driver at dalawang mekaniko nya.Ayaw mo ba ng ganyang lifestyle,Reynang Reyna diba? Hahahaha.__REGIE.Rich kid...Billionaire heiress...Bratty... BULLIES...
Ilan lang yan sa mga tawag sa aming anak ng mga mamayamang negosyante.At aminado akong ISA ako sa mga pasaway na yun.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...