Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Parang nag i echo pa din sa pandinig ko hanggang ngayon ang sinabi kanina ni Madame Martha tungkol sa kanyang APO. Tama ba yung tawag nya sa APO nya na gwapo? May gwapo bang babaeng babae ang itsura at di hamak mas maganda pa sa akin? Haaaist. Pero baka naman namali lang ako sa nadinig ko at gwapa ang ibig nyang sabihin.
"Ellen,Bakit naman di mo sinabi kaagad sa akin na may nag aantay pala sa akin ngayon. Nakakahiya namang pinag antay pa natin sila ng bongga.Halika dun,Samahan mokong kausapin sila. __Mrs.Park
"Hello po Madame Martha,Nandito na po ang amo ko. Si Mrs.Park. Mrs Park, Sya nga po pala si Madame Martha Pamintuan at ang kanyang Apo na si Miss Sunny.__AKO
"Magandang umaga po Madame.Pasensya na po kayo kung napag hintay ko kayo ng matagal.Madami pa kasi akong inaasikaso sa bahay bago umalis.Kamusta naman po?__Mrs.Park
"Hello din sayo,Mabuti naman kami.Kinagagalak kong makilala ka. Wag mo kaming alalahanin,Hindi naman kami nainip sa pag hihintay dahil nag èenjoy kami sa pag uusap nitong aking gwapong apo.Look at her,Papasa bang HALLYU STAR?__Madam Martha
"Ay naku opo naman madame. Pasadong pasado talaga yang apo nyo bilang hallyu star. Napaka ganda naman nya talaga.Sigurado akong madaming OPPA ang magkaka gusto sa kanya.__Mrs.PARK
"Hahahaha. Naku,Hindi mangyayari yun. Dahil hindi naman maganda yang apo ko kundi gwapo talaga. Hindi pa lang sya makapagpagupit dahil nag aaral pa,pero after nyang gruamduate ay lalabas na talaga ang kagwapuhan nya.__Madame Martha
"Ay ganun po ba. Naku pasensya na ha,Hindi ko naman kasi nahalata kaagad. Pero sa totoo lang,Malakas ang dating nya. Akala ko nga artista talaga sya eh.__Mrs. PARK
"Mabalik tayo sa talagang sadya ko Mrs Park. Ipagpapa alam ko sana sayo si Elena na hihiramin ko muna sya sayo ngayon araw. Pupunta kasi kami ngayon ng apo ko sa Hospital. Bibisitahin namin yung mga batang cancer patients at saka survivors bilang ako ang founder ng kanilang foundation.Maghahandog kami ng mga gamot at pagkain at gusto ko din sana silang handugan ni Elena ng kanta.__Madame
"Ganun po ba.Wala pong problema sa akin.Sya na lang po ang tanungin nyo kung okey sa kanya.Tapos na din naman ang oras nya maya maya lang at sa pagdi deliver na sya naka assign.__Mrs.Park
"Salamat po Mrs Park sa pagpayag nyo. Gustong gusto ko po talaga ng mga ganung mga charity works.Masaya po ako na isa ako sa napili nyo Madame.Salamat po.__AKO
"Kung ganun pala ay pwede na ba tayong umalis? Dadaanan pa natin yung mga truck na dadalhin sa hospital at saka mga pagkain. Sunny,Apo. Kayo na ni Miss Elena ang magsama sa kotse at dun na ako sa Van sasakay.Gusto kong makausap yung mga taga admin ng foundation para malaman ko kung ano ano pa ang mga iba nilang pangangailangan.__Madame Martha
"Sigurado ka po bang ayos ka lang dyan Momshie? Pwede kitang samahan.__Miss Sunny. Bakas sa kanya ang pag aalala para sa kanyang Momshie
"Ayos lang ako dito Apo,Wag mo kong alalahanin. Nandito ang secretary ko.At saka madami kaming pag uusapan ng mga taga foundation,Siguradong maiinip ka lang. Ikaw na ang bahala kay Miss Elena ha,Wag mong paiiyakin yan.Malalagot ka sa akin.__Madame Martha
"Hindi ko alam kung anong klase ba ng gayuma ang pinainum mo sa Momshie ko at ganun ka na lang nya ka gustong isama ka. Nilalagyan mo ba ng kakaibang spices yung mga manok na piniprito mo?__Miss Sunny
"Alam mo Miss,Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mo o maiinsulto. At bakit ko naman lalagyan ng gayuma ang inumin ng Momshie mo aber? At para lang sa kaalaman mo,Walang kakaibang spices ang manok na dini deliver ko.Talaga lang masarap sya kaya binabalik balikan.__AKO
"Wow naman.Sana ol binabalik balikan. Anyways, Pwede kang mag praktis ng kakantahin mo habang nasa byahe tayo. Wag nga lang sanang umulan.__Miss Sunny
"Miss SUNNY! Nang aasar ka ba talaga ha? Ano bang problema mo sa akin.Bakit pag may ibang tao kang kaharap,Ambait mo sa akin.Kapag tayo lang ang mag kausap.Parang gusto mo na kong mawala sa paningin mo.__AKO
"Isa pang MISS SUNNY mo at sisipain na kita sa pinto ng kotse ko! __Miss Sunny
"What? Bakit anong problema sa pagtawag ko ng Miss Sunny sayo? Yun naman talaga ang pangalan mo diba? At bakit moko sisipain sa palabas ng kotse,Hindi ba kabilin bilinan ng Momshie mo na wag mokong paiiyakin? Kapag pinalabas moko ng sasakyan,Ikaw ba ang kakanta para sa mga batang may cancer ha?__AKO
"Just call me SUNNY. Period! Wala na tayong dapat pang pag usapan. Ayaw kitang kausap!__SUNNY
"E di SUNNY kung SUNNY. Sus,Yun lang pala dami mo pang sinasabi. Wag mo na din akong tawaging MISS ELENA para quits! Pero pasensya na,Hindi ko pala nadala yung headset ko. Baka naman pwede mo kong pahiramin?__AKO.
"Haaaist! Wag mo ng ibalik sa akin yan ha. Itapon mo na after mong gamitin.__Sunny
"Sayang naman kung itatapon ko e mukha namang mamahalin. Alkoholan mo na lang kung nadidiri ka na ginamit ko. Ibabalik ko din kaagad,Pa praktisin ko lang saglit yung song na kakantahin ko.__AKO
Mayroon naman akong mga naka reserbang mga kanta sa fone ko kaya yun na lang din ang prinaktis ko. Hindi man ako professional singer pero alam ko naman ang basic na gagawin. Nagsimula na muna ako mag vocalize bago ko pa simulang pag aralan ang kanta na napili ko
"Bakit ba gustong gusto nila Momshie ang pagkanta mo gayung wala namang kakaiba sa boses mo.Madami namang magagaling na singer na pwedeng kunin. Haaaist. Ang wierd talaga ng Momshie.__Sunny
"Grabe ka talaga sa akin.Kanina mo pa ko nilalait ah. Porke anak mayaman ka, Ganyan kana mang maliit ng kapwa? Kundi lang dahil sa Momshie mo,Baka iniwan na talaga kita dito. Malapit kana talagang buminggo sa akin...MISS SUNNY! __AKO.
" Heeeey! Hindi nga sabi ako MISS! At hindi kita minamaliit ah. Sadyang maliit ka lang talaga. At ano nga yung sabi mo,porke anak mayaman ako? Come on...Hindi ko kasalanan kung pinanganak akong mayaman okey. Kaya wag mong ipamukha sa akin na dahil lang sa mayaman ako kaya mapanglait ako dahil hindi kita nilalait,Im just telling the truth!__Sunny
"Hindi ba pang iinsulto yung sabihan moko na ginayuma ko ang Momshie mo kaya gusto nya kong kausap? Pati yung manok na tinda ko,Nilalait mo din. At yung sinabi mo nung huli na karaniwan lang naman ang boses ko,Bakit sinabi ko bang KAKAIBA AT PINAKA MAGANDA ang boses ko ha?__AKO
"Alam mo hindi pa tayo tapos pero kailangan na nating bumaba. Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ka nakakatuwa. Yang itsura mo,Yang pananamit mo at yang buong Pagkatao mo...YOU MAKE ME SICK!__SUNNY.
Mabilis syang bumaba ng sasakyan at agad na sinalubong ang Momshie nya sa Van.I make her SICK daw. Grabe talaga sya sa akin. Sobra na kong naiinsulto sa mga sinasabi nya. Kundi lang talaga kami nasa public place,Baka napaiyak na ko talaga.