EP.34_ WORLD OF THE RICH AND FAMOUS

43 7 1
                                    

@Ellen

Kung iba siguro ang nasa katayuan ko ngayon ay tyak na magiging masaya ang pakiramdam sa mga oras na ito.Kasi naman ay halos palibutan na ako ng mga sikat at prominenteng tao sa Lipunan habang kumakanta ako sa kanilang harapan. Exclusive event kasi ito para sa pagbubukas ng bagong negosyo ng magkakaibigang sina Sunny V, Prince Velasco at Regie Dela Cuesta.Bukod sa kani kanilang pamilya ay present din duon ang Senate President na si Mr. Oscar Katigbak na bali balitang tatakbong Presidente ng bansa sa susunod na taon.Ang susunod na pinaka importanteng tao sa buong bansa kung papalaring manalo sa eleksyon.

"Napaka ganda talaga ng boses mo iha.Napaiyak moko dun sa bandang last part nung kanta. Damang dama ko ang pag awit mo.Iba talaga ang pakiramdam kapag mayron kang mahal sa buhay na hindi mo sigurado kung hanggang kailan mo pa makakapiling.__Madam Saint. Muli ay nangilid na naman ang kanyang mga luha

"Madam, Ayos lang po ba kayo? Maupo na muna po tayo at kukuhanan ko kayo ng maiinum...

"Ahhhh, Wag mokong alalahanin iha. Ayos lang ako. Ayoko ding makita ako ng pamilya ko na nagkaka ganito ako. Lalo na ng mga anak ko. Hindi nila dapat makita na malungkot ako dahil baka pati sila ay maapektuhan din ng husto. Salamat sa pag aalala iha.__Madam Saint.

"Wag na po kayong masyadong malungkot Madam. Baka po magkasakit pa kayo nyan. Kung ano naman po yang pinagdadaanan nyo ngayon, Im sure malalampasan nyo din  po yan.Wala naman pong ibinibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kakayanin. Kaya nyo po yan Madam. Sige po kayo din,Magkaka wringkles po kayo kapag nag isip kayo ng mga malulungkot na bagay...

"May point ka naman dyan iha. Feeling ko nga nagkaka guhit na yung nuo ko sa kaka iyak at pag simangot. Anyways, Bakit nga ba Madam ka ng Madam sa akin e hindi pa naman ako ganun ka tanda.Tita Saint na lang ang itawag mo sa akin.__Madam Saint

"Naku naman po Madam, Nakakahiya naman po. Kung ayaw nyo po ng Madam e di Ma'm Saint na lang. Nahihiya po talaga akong tawagin kayong Tita eh...

"Hahahahha. Kung ayaw mo ng Tita e di Mommy Saint na lang. Im just kidding guys. Pasensya na sa abala magagandang Binibini pero kailangan na muna nating bumalik dun sa mesa dahil magsisimula na yung program.Mamaya na kayo ulit mag chismisan dyan okey?__Sir.Perth

Sabay sabay kaming bumalik muli sa mesa kung saan kasama kong nakaupo din ang Mommy at Daddy ni Sunny na sina Madam MJ V at ang napaka gwapong Daddy nya na si Sir Cloud. Kapansin pansin din ang lungkot sa mga mata nya gaya ni Madam Saint. Marahil nga ay mayroon silang problema sa pamilya na syang dahilan ng kanilang kalungkutan. At kahit nga si Sunny na nakangiting nag sasalita ngayon sa harapan namin ay mababanaagan din ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Hello Miss Angelic voice. It's nice to see you again.__Prince

"Hello din sayo, Congratulations nga pala sa bagong bukas na Business nyo.Hiling ko na sana ay mas lalo pa kayong maging sucessful sa buhay at negosyo...

"Salamat. Hindi ko alam na close ka pala sa family ni Sunny.
Bukod pala sa pagiging delivery girl ay magaling ka ding kumanta.Ang dami mong alam gawin. Grabe kana.__Prince

"Kaya nga, Ang liit liit ng mundo para sa atin. Halos sa lahat na lang kasi ng lugar na pupuntahan ko, Nandun din kayo.
About naman dun sa pagiging close ko sa mga Villareal, Nagkataon lang siguro na palaging ako yung available para kumanta kaya ako ang madalas nilang maimbita...

"Ang sabihin mo, Naka tadhana kana talagang maging parte ng family nila.ahahahha. joke lang! Sige babalik na muna ako sa pwesto ko at may mga friends pa akong need na i entertain. Mag enjoy ka lang dyan ha.__Prince

" Hello Miss Ellena, Naaalala mo pa ba ako? Ako yung pinsan ni Sunny. My name is Zabby by the way. Nakita ko kasi na mag isa ka lang kaya gusto sana kitang yayain dun sa table naming magpipinsan. Come on,join us.__Miss Zabby

"Naku okey lang naman ako dito. Inaantay ko lang sina Madam Saint dahil may kausap pa sila pero magpapa alam na din ako.Hindi din ako magtatagal...

"Mukhang matatagalan pa sina Mom and Dad sa kausap nila eh. Kaya habang nag aantay ka, dun kana muna sa amin. Wag kang mag alala, Hindi naman kami mausisa at chismosa kaya hindi ka namin masyadong tatanungin about sa lovelife mo.hahahaha. __Zabby.

"There you are Miss Angelic Voice. Infairness naman sayo, Mas cutie ka pala sa malapitan. Nice to meet you Miss Ellena Marasigan. My name is Heaven Villareal. At eto namang gwapo sa tabi ko, Si Kuya Zol. My super strict cousin.__Heaven V. Kakambal ni Sunny V.

"Nice to meet you  din Miss Heaven. Sayo din po Miss...
I mean sir Zol. Pasensya na kayo ha, Medyo nalilito kasi ako sa kung ano ang itatawag ko...

"Hahahaha. Wag kang mag alala, Hindi lang ikaw ang una. Halos lahat naman talaga nalilito sa kung anong itatawag sa kanila ni Sunny.Kasi naman, Masyado silang maganda para tawaging mga SIR. Ay syanga pala, Just call me ZABBY na lang ha, mukhang magkakasing age lang naman tayo right?__Zabby.

"Yeah right. Sa akin din naman, You can call me Heaven.
And kung okey lang sayo, Can I have your number na din? In case na gusto kitang kunin para kumanta sa kasal ko. Hahahaha. __Heaven

"Omg Heaven, Wag kang magbiro ng ganyan.Baka madinig ka ng mga parents at grandparents natin nyan. Alam mo namang nagmamadali na ang mga yun na ipakasal na tayo. Sige ka baka mangyari nga yang biro mo.__Zabby

"Sira! Nagbibiro lang naman ako no. Pero malay natin. Baka nga mamaya nyan mauna kapa sa akin eh. Balita ko, May sumthing going on na daw sa inyo nung Tutor mo eh.__Heaven

"Grabe sya oh! Palaging nasa Madrid pero ambilis makasagap ng chismis.hahahaha. Wag ako ang pag usapan natin kundi itong si kuya Zol. Ang balita ko kasi, Mayroon ng nagpapatibok sa puso nya eh.__Zabby

"Guys pwede ba umayos kayo. Wag kayong magkalat ng isyu dyan. Mahiya kayo kay Miss Elena. Baka sabihin nya, ininvite nyo sya dito para lang makipag chismisan about sa mga lovelife nyo.Anyways Miss Elle, Just call me Zol na lang din.__Zolenn

"No worries guys, Okey lang sa akin.Nag i enjoy nga akong makinig sa kwentuhan nyo eh. Hindi ko ini expect na ganyan pala kayo ka cool kausap.Ibang iba sa mga anak mayamang nakikita ko at nakikilala. Sabagay, Hindi na ko magtataka dun dahil kahit na ang mga  magulang at lahat ng kapamilya nyo ay mababait din sa lahat ng mga tao at pati na sa akin...

Totoong kakaiba at nakaka mangha ang pakikisama at pagtrato nila sa lahat ng mga tao sa paligid nila. Mula sa mga kasambahay, driver, empleyado at mga kaibigan ay iisa ang ipinapakita nila. Walang pinipiling antas at estado sa pakikisama.Kaya naman mas lalo pang pinagpapala.

Napalingon ako sa may gawi kung saan naka pwesto si Sunny kasama ang mga kaibigan nya. May mga kausap syang mga bisita kaya naman alam kong abala sya at walang panahon na ako ay pansin at tignan. Pero hindi ko akalain na magtatama ang aming paningin at bakit biglang parang may tumambol sa dibdib ko sa mga sandaling yun.










(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon