EP11__ANG BRAINY KONG BROTHER

60 5 0
                                    

                  "MY SUNSHINE SCHOLARSHIP PROGRAM"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                  "MY SUNSHINE SCHOLARSHIP PROGRAM"

Ang pangalan ng foundation kung saan myembro ang dalawa kong kapatid na sina ELMO at ELLIOT. Malaking tulong ang nagagawa sa amin ng pagiging scholar nila dahil hindi na ko nahihirapang maghanap pa ng pambayad ng tuition fee nila.Libre ang bayad sa pag aaral at mayroon pang allowances buwan buwan para sa kanilang pangangailangan.Kaya naman hindi kami masyadong hirap kahit tatlo pa silang nasa kolehiyo ng sabay sabay.

"Elvis ano ba,Mali late na kami dahil sa kabagalan mo eh! Bilisan mo na dyan,At may exam pa itong si bunso.__ELMO. Medyo strict at maypagka masungit sya sa aming magkakapatid.

"Mga anak,Mag iingat kayo ha. Wag masyadong magpapagabi.__Nanay. Nasa bintana sya naka dungaw ng madalas kapag umaga. Habang ako naman ay nagsasampay ng mga damit na nilabhan ko kaninang umaga.

"Kuya Elvis bahala ka nga. Mauuna na ko sa inyo.Hindi ako pwedeng ma late sa exam namin dahil may minus kaagad yung sa grades ko.Bakit ba kasi napaka bagal mo kumilos!__ELLIOT

"Eto na nga,Tapos na ko.Masyado naman kayong atat. Bye Nay,Bye Ate. Seeyou later. Labyu both!__ELVIS. Sya talaga ang pinaka malambing sa kanilang tatlo. Hindi sya aalis ng bahay ng di humahalik muna sa amin ni Nanay.

"Nay,Ayos lang po ba kayo dyan.Hindi ba mainit na dyan sa pwesto nyo? Baka nangangalay na kayo dyan.__AKO. Nasa labas lang ng bintana ang lugar kung saan ako nag sasampay. May maliit na espasyo kami sa harapan nitong bahay namin para makapaglakad lakad.

"Ayos lang ako anak.Wag mo kong alalahanin. Kamusta na nga pala yung kaibigan mo kamong iniwanan ng asawa nya, Hindi na ba talaga sila nagkabalikan?__Nanay. Ang tinutukoy nya ay si LEA na classmate ko nuon sa College. Sabay kasi kami halos na huminto sa pag aaral sa magkaibang dahilan.

"Naku hindi na po sila nagkabalikan pa Nay,May iba na kasing bahay na inuuwian yung dati nyang asawa. Okey naman po sila ngayon ng anak nya,pero may sakit pa din ang nanay nya kaya medyo subsob sya sa paghahanap buhay para kumita.__AKO

"Naku ganun ba,Talaga namang napaka hirap maging single parent.Lalo pa at mayroon syang nanay na ipinagagamot. Sana'y makahanap sya ng taong makakatuwang nya sa buhay na tatanggapin sya at ang anak nya.__Nanay.

"Sana nga po Nay,Bata pa naman si Lea at maganda pa din naman kahit may anak na kaya posible pa syang makatagpo ng totoong magmamahal sa kanya.__AKO

"Speaking of lovelife anak,Ikaw ba...Wala pa bang nagpaparamdam sayo ngayon. Sa trabaho mo o dun sa mga event na pinapasukan mo,Wala ka bang nagugustuhan ngayon?__Nanay

"Hahahahha,Ang Nanay talaga oh! Sabi ko na nga eh,Sa akin din ang bagsak ng kwentuhan. Sorry po Nay,Sadyang di gustuhin itong anak nyo eh. At saka parang wala pa din naman sa isip ko ang magka lovelife sa ngayon.Baka kapag tapos na yung mga kapatid ko pwede na.__AKO

"Ano bang problema dun.Hindi mo naman hawak ang future nila.Sila ang gagawa nun. Sa edad mong iyan,Dapat ini enjoy mo ang kabataan.Dahil baka hindi mo namamalayan,Isang araw pag gising mo na lang...Napaglipasan kana ng panahon.__Nanay

Dati pa sa amin sinasabi ni Nanay na gusto nyang magka roon kaagad ng Apo. Ayaw nya daw kasi na mahina na sya at saka lang nya makakarga yung mga magiging apo nya.Gusto nya din na magkaroon na kami ng mga nobyo at nobya para daw may mga inspirasyon kami sa buhay.Masarap daw kasi ang pakiramdam ng NAGMAMAHAL at MINAMAHAL gaya nila ni TATAY nung nabubuhay pa ito.

"Hayaan nyo nay,Kapag may nagparamdam sa akin at gusto ko din naman sya.Sasagutin ko kaagad para naman magkaroon na ko ng JOWA. hahahahaha.Ang nanay talaga,Excited na magka manugang! __ AKO.

After ko magsampay ng mga damit namin ay naghanda naman ako ng pagkain ni nanay para mamaya nya sa lunch.Ganun palagi ang routine namin dito sa bahay. Dahil kabisado naman ni Nanay ang buong kabahayan,Hindi na sya kailangan pang alalayan sa mga simpleng gawain lang. After kong gumayak ay iniwan ko na syang mag isa at saka ako sumakay na sa motor ko.

"Haaay Elena,Buti dumating kana.Kailangan ko kasing umuwi sandali at nilalagnat daw yung anak ko.Ikaw na muna ang bahala dito sa store ha.__Mrs. PARK. Sya yung may ari nitong Sarang Friend chicken store na pinagdedeliveran ko.

"Sige po Mam,Sana maging okey na kaagad si Minho__AKO

"Miss,pwede po bang mag order ng limang box ng chicken nyo? Paki deliver na din dito sa address na ito. Babayaran ko na agad.__Costumer.

"Walang problema Sir,Limang box ng fried chicken coming up!
Ako pa mismo ang magdedeliver sa inyo,Mainit init pa.__AKO

"Salamat Miss.Basta ipakita mo lang ang id mo sa guard para papasukin ka. Medyo mahigpit kasi ang security sa University namin eh.__Costumer

Matapos mai pack ang limang box ng fried chicken ay kaagad ko na itong isinakay sa motor ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor para mainit init ko pa itong mai deliver sa umorder na estudyante. Base sa nakalagay na address ng university, Pang mayamang eskwelahan ito na exclusive for girls lang.

"Excuse me sir,Saan ko po ba pwedeng dadalhin itong inorder sa aking fried chicken?__AKO

"Ahhh,Faculty of Business Management. Diretso ka lang dyan tapos kakanan ka. Malapit lang yun sa parking lot kaya hindi ka maliligaw.__Security guard.

"Sarang Fried Chicken delivery,Sino po yung umorder!__AKO

"Dito Miss! Kami ang nag order nyan. Pakibilisan nalang dahil gutom na tong Bossing namin.__Girl na may hikaw sa kilay

"Ayos naman pala yung taga deliver eh,Medyo maliit lang pero maitsura ha. Saka sexy. Boss Gio,Ano sa palagay mo.Pwede na ba?__Girl na naka bangs.

"Uhmmm,Pwede na.Tama ka nga,Maganda ang hubog ng katawan.Ang problema lang,Amoy fried chicken sya.hahahha.
__Yung girl na tinatawag nilang Boss

"Excuse me lang po mga Miss,Nagmamadali kasi ako. Paki recieved na lang itong order nyo para maka alis na ko.__AKO

"Teka lang naman,Kinakausap kapa eh.Ganyan ba ang tamang pakikipag usap sa costumer ha? Type ka ng Bossing namin eh,May magagawa kaba? Tara dito sa loob paliliguan ka namin ng pabango para hindi kana mag amoy manok!hahahah._Girl na may hikaw sa kilay.

Hinila nya ang braso ko papasok sa loob ng isa sa mga room duon sa building at saka ako isinalya sa malambot na upuan.Maya maya pa ay tumabi na sa akin yung Boss na tinatawag nila at saka ako bigla na lang inakbayan. Pinalibutan kami sa upuan ng apat nya pang kasama para hindi ako makawala.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon