EP.48 FAMILY MATTER

57 5 1
                                    

SUNNY POV

    Hindi pa din ako makapaniwala na may nangyari sa aming dalawa ni ELLENA kagabi. At kung babalikan ko ang mga naganap, Hinding hindi ko makakalimutan ang itsura nya habang sabay naming inaabot ang langit. Base kasi sa reaksyon at expression ng kanyang mukha, Iyun ang unang karanasan nya. Walang dudang ako ang kauna unahang tao na naka una sa kanya.

"Shiiiiiit! Ano na naman ang ginawa ko. Bakit ba hindi ako nagpigil. Bakit sinamantala ko ang sitwasyon nya.
Napaka walanghiya ko talaga. Hindi na ko nahiya sa pinag gagagawa ko nandamay pa ako ng isang inosenteng tao...

"Hey Sunny, Okey ka lang ba? Bakit ba kanina kapa walang kibo dyan. May problema kaba?__KUYA ZOL

"Wag mo na lang muna akong intindihin kuya, Wala ako sa mood makipag usap ngayon. Masakit ang ulo ko dahil sa hang over at kulang din sa tulog dahil sa sobrang pag gimmik ko kagabi. Pasensya kana...

" Bakit ba naman kasi nagpaka lasing ka ng sobra. Alam mo namang today ang PAKIKIPAG MEETING natin kila LOLO TOP AT LOLA PRETTY. Ayusin mo nga yang itsura mo at baka isipin nila na magdamag ka na namang may babaeng kasama sa PENTHOUSE mo. Hahahaha. Just kidding cuz!__KUYA ZOL

Hindi na lang ako kumibo at baka kung ano pa ang masabi ko. Kung magsasalita ako ay baka mabuking pa nyang sa PENTHOUSE nga ako nang galing at nag stay kagabi kasama si ELENA. Shiiiit. Speaking of PENTHOUSE, Bakit nga ba sa dami ng pwede puntahan ay sa mismong unit ko pa naisip dalhin si ELENA.

"Good Morning po GrandPop and Pretty Grandma. Kamusta naman po ang BP nyo? Is everything okey?...

"Naku wag mo kaming alalahanin APO. Malakas pa kami sa kalabaw. Kaya lang naman kami bumalik na muna ng Canada ay para asikasuhin yung FARM dito. Sayang ang mga gatas.Hahahaha. __LOLO TOP

"Sunny Apo. Iwas iwasan na ang pagiging mapaglaro ha.
Dapat sa pagpasyal mo dito,May maipapakilala ka na sa amin. Basta ang usapan, Kung sino man ang mauna sa inyo makapagpakasal ng Kuya Zol nyo. Susunod na din kaagad kayong tatlo.__LOLA DESS

"Wag po kayong mag alala Lola Pretty, Babantayan ko pong maige yang Apo nyo para hindi na makapag loko.
At kapag nalaman ko na may mga babae na naman syang pinaglalaruan at pinapaiyak, Makakatikim talaga sya sa akin.__Mommy MJ

"Hahahaha. Kawawa naman tong apo ko. Pinagtutulungan nyong masyado. Pasasaan ba at makakahanap din yang ng taong magpapa bago sa kanya. Nararamdaman ko na nasa pali paligid lang sya at hindi magtatagal ay magiging smooth na din ang relasyon nitong si Sunny sa babae.__LOLO TOP

"DADDY, Parang may alam kang hindi mo sa amin sinasabi. Pero masaya ako kapag nangyari yun. Mahirap tumanda ng mag isa. Hindi habambuhay ay bata ka at malakas pa. Maige na yung hanggat maaga, nagkaka kilanlan na kayo ng taong yun.__Lolo SKY

"So papano mga ANAK AT APO, Hanggang sa muling PAGKIKITA. Mag iingat kayo palage at iingatan ang kalusugan nyo. Basta kapag may nararamdaman, Pagpatingin kaagad okey? Sige na at baka may mga gagawin at pupuntahan pa kayo. Tatawag kami uli ng Lola Pretty nyo  kapag may mga bagong issues na dapat pag usapan.Mag Ingat kayong lahat at Wag nyong kalilimutan na MAHAL NA MAHAL namin kayo ng LOLA PRETTY nyo.__LOLO TOP

Matapos naming maka meeting sina Lolo at Lola  sa " MAIN MANSION " ay  sa bahay na kami dumiretso nina Mommy and Daddy. Si Kuya Zol naman ay sa mga Mommy at Daddy na nya din sumabay pauwi. Hindi na nakasama si Zabby sa meeting dahil may exam.Habang magkakasama kami sa kotse ay kanina pa panay ang tingin sa akin ng Mommy na parang may alam sa mga nangyari sa akin kagabi. Maging ang Daddy Cloud ay parang mayroon ding gustong sabihin at itanong sa akin pero mas piniling hindi nalang magsalita.

" Ano kamo, May nakakita sa akin kagabi ng pumasok sa Penthouse na may kasamang babae? Pero papano mangyayari yun kung sa may vip entrance ako dumaan?

"I dont know. Basta yun ang nalaman kong kwento about you. Si Tita pa mismo ang nag ask sa akin kung kilala ko daw ba yung girl na dinala mo sa PENT. Ang sabi daw kasi ni LOLO GD kay LOLO TOP, May SiNABI ka daw  kasi sa lahat na kung sino man yung babae na dadalhin mo sa unit mo, Yun na daw ang babaeng pakakasalan mo.__HEAVEN

"Ohhh No! Siguradong si LOLO GD ang nag kwento nun kay Lolo Top. Sya lang naman ang may access at posibleng makaalam kung anong nangyayari sa PENTHOUSE eh. Haaaist!...

"So totoo nga ba? Ibig bang sabihin nun brad, Si Girl na nga yung magiging future sister in law ko? Anong name nya at taga saan? Ay wait... Mas sosyal ba sya at mas mayaman sa atin? Dapat ngayon pa lang makilala ko na sya para makapag ready. Alam mo namang ayoko ng natatalbugan. Ahahahha. Just kidding brader.__HEAVEN

"Nakukuha mo pang magbiro habang namomoblema ako ngayon dito. Pwede ba Heaven, Wag mo ng pasakitin pang lalo ang ulo ko. Hindi ko na nga alam kung papano malulusutan ito eh...

"But why, Whats the problem? Hindi ba sya magugustuhan ng pamilya natin? Diborsyada ba or mas natanda sayo? May kapansanan, May anak na or baka Hindi kagandahan? Pero madami ng magagaling na plastic surgeon ngayon.__HEAVEN

"Heaven thats enough! Masyado kang advance mag isip. Saka na tayo mag usap kapag maayos na ko. But for now, I need to take a nap. Sobrang sakit ng ulo ko at kailangan ko na munang magpahinga. Sige Bye...

"Okey sige matulog kana muna. Basta balitaan mo kaagad ako kapag wala ka ng hang over ha. Dont forget that Im always here for you kambal. Kahit malayo ako ngayon, magkarugtong pa din ang mga puso natin. Saka dapat ako muna ang maka alam sa pagkaka kilanlan ni future hipag. Hahahhaa. Bye brader!__ HEAVEN

Matapos magshower ay kaagad akong nagbihis at nahiga na agad sa kama para makatulog.Saka na ko mag iisip ng paraan kapag wala na kong nararamdamang pananakit ng ulo. Sa sobrang stress ko siguro kaya pakiramdam ko ay umiikot na din ang buong paligid ko.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon