@SUNNY
Naglalakihang mga puno at sari saring mga bulaklak ang bumungad sa amin sa park pagpasok pa lang. May mangilan ngilang magpa pamilya ang nanduon pero mas madami ang mga magkaka sintahan. Mayroong naka upo lang sa ilalim ng mga puno at may mga naka pwesto naman sa maliliit na kubo kubo na nakapaligid sa buong parke.
"Dun tayo sa paborito nating pwesto Elle. Mas maganda ang tanawin duon at presko ang hangin. Sunny, ikaw na ang bahala dyan sa kaibigan ko ha. Medyo clumsy kasi yan sa pag akyat.Hahahhaa.__Lea
"Wag kang mag alala Elle, Boyscout dati yang kaibigan ko kaya maaalalayan ka nyan ng husto. Sige na guys, Mauna na kami sa pag akyat ng babe ko ha.__Prince
"Wag mo akong alalahanin, Kaya ko namang umakyat mag isa, Nagbibiro lang yun si Lea. Hindi naman mahirap umakyat sa burol dahil di naman sya ganun kataas.__Elena
"It's okey, I can lift you naman. Hindi ka naman ganun ka bigat at saka mas okey na yung magkasama silang dalawa.
Hayaan natin silang mag enjoy...May kataasan nga ng bahagya yung burol na aakyatin. At sa hitsura ni Elena, Banaag sa mukha nya ang hirap sa pag akyat kaya naman iniabot ko ang kamay ko sa kanya para hilahin sya. Tila may kuryenteng dumaloy sa kamay namin ng maglapat ang kamay naming dalawa. Muntik ko pa nga syang mabitawan pero mabuti na lang at naka focus ako ng mabuti sa paghila sa kanya. Pagkatapos ay sabay kaming umupo sa nakatumbang puno habang nakatanaw sa kaparangan.
"Namiss kong bumalik balik dito ulit. Pero dahil sa trabaho ko, Nawawalan na ko ng pag asa na makaka balik pa dito. Kaya nung nag aya si Lea sa akin, Hindi na ko nagdalawang isip pa.Pareho kasi kaming gustong gusto pumwesto dito. Tapos isisigaw namin lahat ng mga hinaing at problema namin sa buhay. After that, Okey na kami ulit.
__Ellen" Parang hindi naman halata sayo na may mabigat kang problema at mga hinaing sa buhay.Pero sabagay, Hindi naman lahat ng nakangiti at nakatawa ay totoong masaya sa buhay.Madalas pa ngang madaming problema yung mga palatawa....
" Tama ka naman dun. Pero depende na lang yun sa pagdadala. Sa kagaya kong bread winner ng pamilya, Wala akong karapatang malungkot at mawalan ng pag asa.Laban lang ng laban. Saka daanin na lang sa ngiti ang lahat, Hindi din naman maaalis kaagad ang problema kung iiyakan at magmumukmok ka lang sa isang sulok.__Ellen
"Ganyan kaba talaga? I mean hindi kaba napapagod? Sa lahat na lang yata ng mga events at mga lugar na pwedeng pagkakitaan, Nakikita kita. Hindi lang basta nakikita ah, Madalas ka pang nasa trobol kapag nagkakatagpo tayo...
"Ahhhh yun ba? Pasensya kana kung medyo lapitin talaga ako ng gulo. Hindi ko din kasi syempre matiis na di lumaban at mangatwiran. Hindi naman tama na porke mga anak mayaman sila, May karapatan na silang maliitin at maltratuhin kami. Sabi nga ng Tatay ko nung nabubuhay pa sya..."Wag mong hayaang apihin ka at maliitin ng kahit sino. Wala silang karapatang tapakan ka at alipustahin.Hangga' t nasa tama ka at nasa katwiran, at hanggang kaya mong tumulong sa mga nangangailangan, Gawin mo ang nararapat"__Ellen
"Wow ang galing naman pala ng Tatay mo. Kaya naman pala kahit na kamuntik muntikan ka ng mapahamak, Sige kapa din.Ay maiba nga pala ako, Matagal mo na bang alam na si Prince ang fiance ni Lea?..
"Actually ngayon ko lang nalaman talaga. Nagulat nga ako nung makita ko kayong papasok dun sa resto kanina at sa mesa namin kayo nagsi upo.Ni wala akong idea na ang Prince pala na tinutukoy ni Lea na jowa nya ay si Prince na suki ko sa Sarang Chicken.__Ellen
"Guys baka gusto nyong mag join dun sa pwesto namin. Mas presko at saka mas malilim. Baka naman mangitim kayo masyado kung mag i stay pa kayo dito ng matagal tagal.__Prince
" Oo nga, Mas okey ang pwesto nyo dun. Halina kayo dun guys!__ Elena
"Pambihira brad, Hinay hinay naman kay Elle. Hindi talo yan.
Baka gerahin ako ng fiance ko kapag umiyak yang si Elle sayo!__Prince"Tado ka anong maghinay hinay ka dyan.Hindi ko sya pinopormahan okey? Nag uusap lang kami. Ang dumi ng isip mo talaga eh...
"Weh, Hindi nga? Obvious na obvious kaya yung pagkakatitig mo sa kanya habang magka usap kayo. Kahit nasa malayo kami ni Lea, Kitang kita namin yung kakaibang tingin mo sa kanya eh.__Prince
"Shut up Prince. Parang hindi moko kilala. Alam mong hindi
ako basta basta nadadala sa mga pagpapa kyut ng mga babae. At saka alam mo naman yung mga type kong girl..."Seryoso hindi mo type si Elle? Salamat naman kung ganun. Alalang alala si Lea sa kaibigan nya eh. Sabi nya, Never pang nagka boyfriend yang si bff nya dahil nga puro trabaho at pamilya lang ang inuuna. Hindi naman daw nya hahayaang masaktan at lumuha lang ang kaibigan nya dahil sa maling tao. Deserved daw ng kaibigan nyang maging masaya sa taong Mamahalin nya_Prince
"Wag kayong mag alala, Hindi mangyayari yang inisiip nyo.
Im not into her. Tapos ang kwento..."Sabi mo yan ha! Baka mamaya nyan, Karmahin ka dahil dyan sa pagiging babaero mo at mainlove ka ng husto dyan kay Elle. Iba kasi ang nararamdaman ko eh.Hahahaha. _Prince
"Elle, Ihahatid ka na lang namin ni Babe sa inyo pauwi ha.
Para hindi kana mag bus pauwi. Siguradong siksikan na naman yan dahil rush hour.__Lea"Naku wag na, Kaya ko namang umuwi mag isa. Sanay na ko sa siksikan. Masyado namang malayo ang bahay nyo sa inyo. Gagabihin pa kayo sa byahe nun. Nag aantay na ang inaanak ko sa pasalubong nyo.__Elle
"E di kung ayaw mong ihatid ka namin, Si Sunny na lang. Parehas lang naman kayo ng way ng uuwian diba brad?
__Prince"Hah? Okey,Kung okey lang sa kanya na sumabay sa akin...
"Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Wag nyo na kong alalahanin. Kayang kaya ko namang umuwi mag isa._Elle
"Wag ng matigas ang ulo Elle. Sinabi na nga ni Sunny na okey lang eh. Salamat na ngayon pa lang Sunny, Ambait mo pala talaga gaya ng sabi nitong Babe ko.__Lea
"Hahahahha. Parang wala naman akong sinabing ganun Babe. Mabait lang yang si Sunny kapag tulog eh! Just kidding Brad. Pero romantiko yang kaibigan ko na yan._Prince
"Romantiko ba talaga o Babaero? Hahahhaa. Biro lang Sunny ha. Ikaw na bahala dito sa kaibigan ko ha. Ingatan mo yan kasi hindi pa nagkaka jowa yan.__Lea
"Lea ano ba, Pasaway ka talaga! Bakit pati naman ako nadamay ha? Nakakainis ka.__Elle
"Sorry na friend, Nagbibiro lang naman ako. Saka totoo naman kasi ung sinasabi ko, Ingatan ka nya kasi NBSB kapa. Peace tayo friend.__Lea
Sabay sabay na lang kaming nagtawanan habang nakatingin sa buong kaparangan. Nakaka goodvibes naman kasi talaga tignan ang ma berdeng paligid. Lakas maka chill ika nga. Nagmiryenda na muna kami sa mga stall na nasa labas ng park ng kung ano ano lang bago kami nag pasyang umuwi. Inabot na din kasi kami ng hapon sa kaka kwentuhan.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...