@Ellen
Kasama ko si Lea sa pamamasyal ngayon. Mula kasi ng magsama sila ng nobyo nya ay wala na kaming time na nagkausap at magkita pa. Hindi na kasi kagaya nuon na anytime ay napapasyalan ko sya sa bahay nila.Sa condo na kasi sila nakatira, Mas malapit sa hospital kung saan ginagamot ang nanay nya.
"Mabuti naman at pinayagan ka ng bf mo na makipag kita sa akin ngayon. Kamusta naman yung inaanak ko at si Tita?..
"Maayos naman sila. Mas masigla nga si Nanay ngayon kaysa dati eh. Kung tatanungin mo naman ang fiance ko, Masaya kami. Paminsan minsan ay nagkakatampuhan pero naaayos din naman kaagad. Gusto ka nga din nyang makilala sana, Kaya lang ay busy sila ngayon masyado ng mga kasosyo nya sa negosyo dahil kakasimula pa lang.__Lea
"Magmi meet din kami someday. Hindi pa lang siguro ngayon. Basta wag na wag ka lang nyang sasaktan at paiiyakin at wala syang madidinig sa akin. Ang mahalaga ay masaya ka at okey kayong mag ina...
"Salamat Elle ha. Sa mga tulong mo. Sa palagi mong pagtakbo kapag kailangan ko ng kaibigang maiiyakan.
Kung wala ka siguro, Matagal na kong pinanghinaan ng loob. Nakaka hawa yang pagiging positibo mo palagi. Na kahit gaano pa kahirap ang buhay, Never kang sumuko at nagpadala sa pagkabigo. Kaya naman ang tanging dasal ko lang ay makatagpo ka din ng taong magmamahal at magbibigay sayo ng walang hanggang kaginhawahan sa buhay. Deserved mong maging Masaya.__Lea"Salamat. Yan din naman ang hiling ko sana. Hahahaha.
Naku tama na nga yang ka sentihan na yan at kumain na muna tayo.May alam akong masarap na kainan sa banda ruon eh. Tara, Maglakad na lang tayo..."Basta ako ang magbabayad ngayon ha. Wag ka ng humindi. Minsan lang ako makapang libre sayo eh. Binibigyan naman ako ng allowance ng fiance ko kaya may naitatabi ako kahit papano. At saka baka next month, makapasok na ko dun sa opisina nila bilang assistant secretary ng kumpanya.__Lea
"Wow naman, Ibang level kana talaga. Asawa na ng CEO tapos secretary pa. Baka naman makalimot kana nyan after mong umasenso ha.Hahahhaa. Joke lang. Basta masaya ako para sayo my Friend. Sana magtuloy tuloy na yang pag asenso mo ng bonggang bongga!...
"Hindi pa naman asawa, Engaged pa lang. Ay teka lang at tumatawag na nga ang babe ko. Sasagutin ko lang muna sandali ha... Umorder kana, Pati sa akin. Lalabas lang ako.__Lea
Dahil malapit na din ang tanghalian ay pang lunch na lang din ang inorder ko. Dalawang klase ng ulam at dalawang order ng rice ang napili ko. Sinigang na baboy at saka tortang talong. Nagpa add na din ako ng halo halo para sa dessert mamaya. Tamang tama namang pabalik na sya sa mesa ng dumating na din ang inorder kong pagkain.
"Elle, Pasensya na ha. Nagtanong kasi si Babe kung nasaan daw tayo. Sinabi ko nasa Gerry's kaya nagsabi syang susunod daw sya dito at sasabay sa ating mag lunch. Okey lang ba sayo?__Lea
"Ano kaba naman okey lang sa akin. Mas okey nga yun at ng makilala ko na din sya ng personal. Ay teka kulang itong order natin, magdadagdag pa ko para sa kanya. Ano bang gusto ng fiance mong kainin?...
Sasagot pa lang sana si Lea ng bumukas bigla ang pinto sa entrance ng resto at bumungad ang mukha ng taong hindi ko inaasayang makikita ko sa mga oras na ito.
"Guys over here! Nandito kami Babe.__Lea
Bahagyang napakunot ang nuo ko ng makitang papalapit sa pwesto namin si Sunny at ang mga kaibigan nya.
Humalik pa sa lips ni Lea si Prince kaya mas lalo akong naguluhan."Miss Elena? Don't tell me ikaw yung bestfriend na tinutukoy ng Babe ko?__Prince
"Babe, Kilala mo si Elle? Papanong nangyari yun e hindi ko pa naman kayo napagkikilala nuon pa?__Lea
"Teka Babe paupuin mo na muna kami ni Sunny. Napagod kami sa paglalakad papunta dito eh. So ibig mong sabihin, Si Miss Elena nga yung kaibigan mong gusto mong ipakilala sa akin Babe?__Prince
"Oo sya nga, Wala ng iba. My savior and my forever friend.
Elle, Sya si Prince. Ang fiance ko na ubod ng pasaway pero sweet naman. At sya naman si Sunny, Ang pinaka seryoso pero gwapo nyang bff.__Lea" Pero babe, Matagal na naming kakilala si Elle. I mean si Miss Elena pala. Hindi lang pala boses mo ang mala anghel Miss Elena kundi totoong anghel ka pala talaga. Palagi kang kinu kwento sa akin ni Babe. Super thankful and grateful daw sya sayo sa lahat lahat. __Prince
"Naku hindi naman. Wag kang maniwala dyan kay Lea, Minsan OA talaga yan mag kwento eh. So ikaw pala yung two timer na nagpaiyak nuon dito sa kaibigan ko. Wag mo na sanang uulitin pa yun at baka makalimutan kong suki kita sa Sarang chicken na pinagta trabahuhan ko...
"Hahahaha. Hindi. Nagbago na ko promise. Si Babe na lang talaga ang babae para sa akin. Diba Babe, maaga na ko palagi umuuwi?__Prince
"Hahahahha. Oo naman, Malaki na ang pinagbago mo. As in super iba kana kaysa dati. Ay sya nga pala, Anong gusto nyong kainin. Oorder na ko para makakain na kayo. Sunny, anong gusto mo?__Lea
"Don't worry, Naka order na ko kanina pa. Mag kwentuhan lang kayo dyan at malapit ng i serve yung food. Wag nyo kong alalahanin dito, Tamang kinig lang ako sa usapan nyo.__Sunny
"Brad okey ka lang ba talaga dito? Baka gusto mong magpalipat tayo dun sa VIP room?__Prince
"Hindi na, Ayos lang ako. Ayan na din naman yung food, Tamang tama lang. __Sunny
Halos mapuno yung inukopa naming mesa sa dami ng food na inorder ni Sunny. Na kalaunan ay naikwento din ni Prince na pagma may ari din pala ng pamilya nina Sunny sa side ng Daddy nya. Bukod daw kasi sa lahing Villareal ay isa ding GUILLERMO, MONTENEGRO AT PAMINTUAN si Sunny V.
"Salamat sa pa lunch Sunny. Sobrang nabusog kami ni Elle.
Tamang tama sa paglalakad natin later.__Lea"Babe talaga. Are you sure na sa Park tayo pupunta at hindi sa mall? Ayaw mo bang mamili ng bags at saka shoes? Ang init maglakad sa park. Look!__Prince
"Wag ka ngang maarte dyan. Ayaw mo lang mainitan eh. Hindi kami mahilig ni Elle sa mamahaling bags and shoes. Mas bet naming maglakad lakad at saka manuod ng sine.
__Lea"Pwede naman tayong mag mall na lang kung ayaw nilang mamasyal sa park. Mainit din kasi masyado...
"Okey lang naman, Paminsan minsan masarap ding maglakad lakad diba Sunny?__Prince.
"Sige lang, Okey ako kahit saan. Teka, magpapa alam lang ako sa manager tapos alis na din tayo kaagad.__Sunny
Pinauna na nya muna kami sa may parking lot para kamustahin nya muna yung mga tauhan nila duon sa resto. Halos lahat yata ng staff at crew duon ay kumamay pa sa kanya bago sya tuluyang nakabalik sa kotse kung saan kami nag aantay.
Sa mismong tabi nya sa front seat ako pinapwesto nina Lea at Prince kaya hindi na ko nakatanggi pa.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...