EP12__SAVING MISS CUTIE

58 7 1
                                    

Napa kunot ang nuo ko ng mamataan ko ang pagpasok mula sa campus ng delivery girl na madalas ino orderan nina PRINCE at REGIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa kunot ang nuo ko ng mamataan ko ang pagpasok mula sa campus ng delivery girl na madalas ino orderan nina PRINCE at REGIE.Dumire diretso sya sa Business Management building at saka binitbit ang may lima ding box ng fried chicken.

"Prince,Nasan kana...Nasa loob naba kayo ni Regie? Medyo mali late lang ako ng ilang minutes ha,Kayo na munang bahala kay prof. Llanes. Wag nyo na muna syang papasukin sa room.__AKO

"Bakit,May problema ba? Sige kami ng bahala ni Regie kay Mrs Llanes. Tawag ka na lang kapag need mo ng back up.__PRINCE

Pagka baba ko ng kotse ay kaagad akong dumiretso sa hallway ng building. Hinanap ko kung nasaan si Delivery girl pero hindi ko sya makita. Dali dali akong naglakad para icheck isa isa ang mga room pero wala akong makita kahit na anino nya.

"Ayan Miss,Hindi kana amoy manok.Imported na pabango ang inispray ko sayo. At dahil type ka ni Boss Gio,Hindi lang pabango ang maiuuwi mo.Pati laman ng wallet nya mapapasaiyo!__JAM

"Hahahahha. Swerte mo naman Miss. Nag deliver ka lang, Kumita kapa ng doble.Alam mo kasi si Boss Gio,Masyadong mapili yan pagdating sa babae.Hindi lahat nagugustuhan nya basta basta.Dapat may kakaiba kang dating. Kaya swerte mo at natipuhan ka nya.__Niki.

Kahit boses lang ang nadidinig ko ay kilala ko kung sino sino ang nagsasalita. Agad kong sinipa ang pintuan kung saan nang gagaling ang ingay at lahat sila ay nagulat sa biglang pagpasok ko

"Sunny... What the hell are you doing here???. May problema ba tayo?__GIO.

"Ako walang problema pero ikaw meron. Pakawalan nyo yang babae at ako ang harapin nyo. __AKO

"This girl? Delivery girl lang sya,Bakit pati ba naman pagpapa deliver ng fried chicken ngayon may problema na? Get out of here. We dont need you.__GIO

Agad namang nagsilapitan sa akin yung mga alipores nya at pilit akong pinalalabas ng room. Mabilis ko naman silang itinulak at saka ako lumapit sa upuan kung saan naka upo si Gio at si Delivery girl

"Palabasin mo na sya kung ayaw mong magka gulo tayo dito.
Wala kang kadala dala talaga eh,Dapat sayo turuan ng leksyon para tumigil kana!__AKO

"Teka nga lang,Ano bang pinagpuputok ng butse mo ha? Etong delivery girl na to? As far as Im concern,Wala naman yata tayong kontrata na kapag may babae akong natipuhan ay kailangan ko munang ipagpaalam sayo right? So get lost bago pa tayo masita ng mga taga admin at ng mga professor dito!__GIO

"Teka teka lang muna kasi. Wag na kayong mag away okey. Aalis na lang ako para hindi na kayo magkagulo pa. At saka ikaw, hindi porke costumer ka...Pag aari mo na ako. Hindi  ako babaeng bayaran okey?__DELIVERY GIRL

"Ako ang unang nakakita sayo kaya sa akin ka. Hindi ka aalis hanggat hindi tayo nag uusap.__GIO. Agad na humarang sa kanya ang mga alalay  ni Gio para hindi sya maka alis.

"Sinabi ng lumabas kana eh! Hindi kaba nakaka intindi ng tagalog,Gusto mo bang dumami pa ang mga tao dito sa loob?Alis na!__AKO.

Mabilis namang lumabas ng room  si Miss Delivery girl at nadinig ko ang mabilis na pag andar ng motor na gamit nya.

"Pre,Anong problema? Bakit ang tagal mong bumalik sa room?__Regie.

"Alisin nyo nga sa harapan ko yang EPAL na yan,Ang hilig pumapel eh. Sunny pwede ba, Wag mo nga kong pakialam sa diskarte ko. Nakikialam ba ko sayo kapag may mga babae kang pinopormahan dito sa campus ha?__GIO

"Kung EPAL ako,Ikaw naman EBAK. Your such an asshole! Wala kang kahihiyan.Wala akong pakialam sa diskarte mong bulok. Wag na wag ko lang makikita na may mga tao kang inaagrabyado na wala namang ginagawa sayo! Bugok! Kapal ng mukha mong mang harass ng babae,Ayaw naman sayo!__AKO

Hinila na ako palabas nila Prince at Regie dahil dumarami na ang taong nakiki usyoso sa amin sa loob ng room.

"Pre ano ba,Kalma lang. Ano bang nangyari,Bakit grabe naman yata yang galit mo. Ngayon lang kita naringgan ng ganung mga salita ah!__PRINCE.

"Easy lang Pre,Uminum ka muna ng tubig para mahimasmasan ka.__REGIE

Kinuha ko ang bottled water na iniabot ni Regie sa akin at saka ko inubos ang laman. Bahagya naman akong nahimasmasan at nakaramdam ng ginhawa.

"Wag kang mag alala,Hindi natuloy ang exam natin. May biglaang meeting daw ang faculty kaya sa Monday na daw ulit.
Sino na naman ba yung napagtripan nung mga yun at galit na galit ka?__PRINCE

"Yung delivery girl.__AKO

"Delivery girl? Si Miss Cutie ba na kilala namin ni Prince yung tinutukoy mong girl na napagtripan ng grupo nina Gio?__REGIE

"Yeah! Nakita ko syang papasok sa loob ng campus dala yung motor nya. Then sinundan ko kung saang building sya papunta para mag deliver pero hindi ko sya nakita sa hallway ng Business Management building kaya inisa isa ko yung bawat room.__AKO

"Tapos nakita mo nga na nasa loob sya nung room na yun at saka ka biglang nag ala rambo pagpasok mo sa loob tama ba?__PRINCE

"Hindi naman ako nag ala Rambo,Sinipa ko lang yung pinto. Tapos sinabihan ko si GIO na ASSHOLE sya. Walang hiya sya.__AKO

"Teka,Ano bang nakita mo pagbukas mo ng pinto? Hinaharass ba ng grupo nya si Miss Cutie, O baka naman dinidiskartehan lang.
Tamang bola bola lang parang ganun.__REGIE

"Kung ano anong sinasabi nila dun sa babae. Nakaka bastos na kaya hindi na ko nakapagpigil pa. Sinabihan nya pa ko na pati daw ba delivery girl big deal sa akin. Igagaya nya pa ko sa kanyang manyak.__AKO

"Pre,Wala naman palang ginawang masama.Medyo OA lang yung naging reaksyon mo.Pero sa isang banda, Mali naman yung kornerin nila yung girl basta basta at dalhin sa isang room.
Knowing GIO, Baka nga kung di ka agad dumating may mangyaring di maganda kay Miss Cutie.__PRINCE

"As if naman hindi sila papalagan ni Miss Cutie??. Mukhang palaban at mukhang hindi naman madaling mabola yung si Miss Cute eh. Malas nya nga lang at natipuhan sya ni Gio. Hahahha. Sabagay,Hindi naman na nakakapagtaka yun. Kahit hindi sya ganung katangkaran,May dating sya at saka cute talaga sya kapag titignan.__REGIE

"Naks naman Regie,Parang type mo din si Miss Cutie ah. Hahahha
__PRINCE

"AKO??? Hindi ah...Iba yung tipo kong babae noh!__REGIE

"Uu na,Alam na namin ni Sunny kung anong tipo mong babae. Yung medyo matured at saka lagi kang pinagtatakpan sa Daddy mo kapag may ginawa kang kalokohan.__PRINCE

"Hahahhaha. Parang ganun na nga. Bakit ang galing mo manghula?__REGIE

Nagtinginan naman kami ni Prince at saka sya kumindat sa akin.
Im sure iisa lang ang nasa isip namin,Si Miss DIANNE.
Saglit akong nakaramdaman ng kaginhawaan ng isip.

Pero kahit na tapos na ang nangyaring komusyon,Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit ba ang OA ko nga sa part kung pano ko pinagtanggol kanina si Miss Cute kay GIO at sa grupo nya.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon