@ELLENA
Kasubuan na at wala na talaga akong magagawa pa para tumanggi sa "BLIND DATE " na ipinakiusap ni Mrs. Park sa akin. Para daw kasi sana yun sa pamangkin nya at sa Koreanong kaibigan naman ng asawa nya. Kaya lang ay biglang nakipagtanan yung pamangkin nya kaya wala na syang maihaharap na babae sa paparating na kaibigan ng asawa nya from Korea.
"Mag relax ka nga muna Elle, Kanina pa ko nagre retouch sayo tapos panay naman ang simangot mo at buntung hininga dyan. Papano tayo matatapos nyan?__Lea
"Eh papano naman kasi, Hindi ako sanay ng nag aayos at nag mi make ng ganito.Tapos naka dress pa ako. Feeling ko tuloy, Mukha akong babaeng bakla sa itsura ko na ito...
"Sira, Ang ganda ganda mo kaya. Kulang ka lang sa ayos at kaunting kapinuhan pero para ka ng model. At saka bakit ba panay ang pagmu mukmok mo dyan ha? Hindi ba't ikaw naman itong pumayag sa pakiusap nyang amo mo. Kasi kung ayaw mo talaga, Hindi ka naman nya mapipilit ah!__Lea
"Asus, Sinasabi mo lang yan kasi nga magkaibigan tayo. Model ka dyan e ang liit liit ko. Palagi nga akong sinasabihan ng iba na kaunting taba pa at mala GASUL na daw ang itsura ko... At tungkol naman sa amo ko, Tama ka naman. Kung talagang ayaw ko baka pwede naman. Pero nakaka awa kasi si Ma'm habang nakikiusap sa akin eh. Ang hirap tanggihan...
"Ayan kasi, Masyado kang mabait. Hindi ka marunong humindi. Pero teka, Saan nga pala kayo magdi dinner nung ka Blind Date mo? Tama ba ko ng dinig, Sa Zanya's ang napili nyang venue ng dinner date nyo?__Lea
"Oo daw sa Zanya's. May trauma pa naman ako sa lugar na yun. Pero salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa akin ng damit ha. Saka sa make up na din. So papano, Chat na lang tayo later. Dadaan pa kasi ako dun sa coffee shop na pinuntahan namin nung isang gabi. Naiwan ko kasi yung Jacket ko na ginagamit ko sa pagde deliver. Sayang naman kung hahayaan ko na lang....
"Okey sige, Mag iingat ka. Basta kapag may nangyaring di maganda sayo tumawag ka kaagad sa akin ha! Basta kapag naramdaman mong hindi maganda ang ikinikilos nung guy
Lumayo kana kaagad.__Lea"Okey po Nanay Lea! Hahahhaha. Daig mo pa kasi si Nanay makapagbilin eh. Wag kang mag alala, Hindi naman siguro gagawa ng masama yung tao lalo pa at kaibigan sya ni Mr. PARK. Sige na at eto na pala yung pina book kong sasakyan sa GRAB. Ibabalik ko na lang uli itong damit mo pagka laba ko...
"Sige, Ingats ka na lang my friend! See you soon.__Lea
Mas madaming tao ngayon sa coffee shop kumpara nung unang punta namin ni Sunny. Halos di na magkanda ugaga ang mga crew sa dami nilang costumer. Kaya naman hindi ko agad makausap yung crew na nakausap ko kagabi para kunin yung jacket na naiwan ko.
"Hello Miss, Ikaw ba yung nag apply na barista? Tamang tama ang dating mo, Ang dami kasing costumer kaya okey lang ba na mag start kana ngayon? Mamaya ko na lang kukunin yung resume mo kapag hindi na busy. Sige na Miss, Nasa loob yung extra apron. Ikaw na bahala at sumunod kana lang dito kaagad.__Manager. Pilar ang name na nakasulat sa name tag nya.
"Ahhhh ehhh... Hindi naman ako nag aaply na barista dito Mam...
"Miss, Paki dala na ito sa table 4. Pakilinis na din yung table 6 dahil kanina pa yung naka reserve dun sa dalawang senior na nasa tabi ng pinto.__Fatima. Name nyang nakalagay din sa kanyang nametag.
Halos kulang kakahating oras din akong nag serve at nag ligpit ng mga pinagkain ng mga costumer bago pa man ako nakapagpaliwanag sa manager na hindi ako nag aapply na barista. Mabuti na lang at hindi naman nadumihan ang suot kong bestida kaya hindi na ko nagreklamo pa.
"My Godness Miss Pilar. Bakit mo naman hinayaang pagtrabahuin si Miss Ellena. Nakakahiya naman sa kanya.
Pasensya na talaga Miss Ellena, Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng staff ko.Kung ano man ang maitutulong ko sayo, Magsabi ka lang bilang kabayaran sa nagawa namin sayo.__Atty. LAURA DELA CERNA. Sya yung may ari nitong coffe shop."Naku wala naman po akong hinihinging kapalit Atty. Ayos na sa akin yung nakapag Sorry si Manager. Alam ko namang wala syang intensyong masama. Masyado lang syang nataranta kanina sa dami ng tao. Sige ho, Magpapa alam na din ako. May importante pa din kasi akong ka meeting ngayon...
"Kung ganun ay ipahahatid na lang kita sa driver ko sa pupuntahan mo Miss Ellena. Yun na lang sana ang offer ko na wag mo ng pahindian para naman gumaan ng kaunti ang nararamdaman kong guilt. Again, Pasensya na sa lahat at sana ay hindi pa ito ang huli nating pagkikita.__Atty.D
"Kayo po ang bahala Atty. Salamat and Nice meeting you.Pakiusap ko nalang sana na wag nyo na pong pagalitan ang Manager nyo. Alam ko namang hindi nya talaga yun sinasadya.Sige Atty, aalis na ako...
Saktong kalalabas ko lang sa coffee shop ng bigla akong napahinto dahil may batang humila sa laylayan ng damit na suot ko. Napalingon ako sa kanya at bahagyang nagulat sa itsura nya. Maamos kasi ang itsura nung bata at bigla nalang pumalahaw sa pag iyak ng makita ako.
"Maaaammaaaa! Maaaamaaaa! __batang maamos
"Teka lang baby, Hindi ako ang nanay mo. Wag kang umiyak. Tahaan na...
"Miss Elle? What are you doin here, And kaninong anak yang kasama mo?__ Reggie
"Miss Regine? I mean Reggie pala...Mabuti at nandito ka. Eto kasing bata eh, Mukhang nawawala. Hinahanap yung nanay nya at napagkamalan pa akong mama nya...
"Ahahhahaha. Ganun ba? Teka sandali at tatawag lang ako ng mag aasist sayo. Nakakagulat ka naman. Akala ko tuloy may instant anak kana bigla eh.__Reggie
Sa tulong na din ni Atty Laura D. ay mabilis namang naresolba yung problema at kaagad dinala ang bata sa presinto para sila na ang maghanap sa magulang ng nawawalang bata. Mabuti na lang at nandun si Reggie kaya mabilis nyang naitawag sa kinauukulan ang nangyari.
"Really? You mean to say, Dapat ay may pupuntahan kang "BLIND DATE ngayon kaya ka naka dress at naka ayos pero hindi natuloy dahil nga sa mga nangyari kanina sa Coffee shop ni Utol? Ahahahhaha. Sorry kung natawa ako bigla, I didnt mean anything pero para kasing ayaw talagang matuloy na ma meet mo yung ka blind date mo kaya nangyari ang lahat.__Reggie
"Okey lang, Kahit ako nga din natatawa nalang din sa mga nangyari today. At tama ka, Para ngang sinadya ng tadhana na hindi sya matuloy. San ka naman nakakita ng magkasunod na sitwasyon na parehong "NAPAGKAMALAN" ako diba? Haaay naku. Hindi ko tuloy alam kung swerte ba o malas ako ngayong araw...
"Sa palagay ko, Swerte ang araw mo ngayon. Pero mas magiging masaya pa yan kung sasama ka sa akin. Magkikita kita kasi kami later sa Bar nina Prince. Siguradong nandun din si Lea kaya mas okey sana kung nandun kana din. Surprise party kasi ni Prince yun para sa kanya.__Reggie
Since sayang din naman ang bihis at make up ko dahil hindi naman natuloy ang Blind date ko, Nag decide na lang din akong sumama kay Reggie tutal nandun din naman si Lea. Sa kotse nya na din ako sumakay para hindi na din maabala yung driver na dapat ay ipahahatid ni Atty sa akin.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...