EP.46__SURPRISE VISITOR

63 5 2
                                    

@SUNNY

             Bahagya akong napalingon kina Lea at Prince ng di sinasadyang madinig ko ang pangalan ni Elena sa pag uusap nila.Pinag uusapan kasi nila ang tungkol sa pakikipag Blind date daw nito sa isang Koreano.Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero parang may bumubulong sa akin para makinig at maki balita sa kanila tungkol kay Elena.

"Kamusta na kaya si Elle ngayon, Bakit dipa sya tumatawag. Baka natanggay na yun nung Koreanong ka blind date nya ah.__Lea

"Ano kaba naman Babe, Mag relax ka nga. Ikaw na din ang nagsabi na kakilala naman nung amo nya sa Sarang Chicken yung pina pa blind date sa kanya. Kaya posibleng busy lang yun ngayon sa pakikipag date. Sa akin ka lang kasi mag focus  muna ngayon ha Babe?__Prince

"Brad, Nasaan na daw pala si Regie? Anong oras ba ang sabi mong start nitong party mo ha?...

"Wag kang mag alala Brad, Padating na din yun. Kaka kausap ko lang kanina eh, Dadaan daw muna sya saglit sa "LIBRO AT KAPE" para kausapin si Attorney. Kay Laura ko kasi pinaasikaso yung permit natin para dun sa fashion show. Alam mo na, Madaming kilalang taga Gobyerno yun.__Prince

" Babe, Lalabas lang ako saglet ha. Tatawagan ko lang si Elle. Di talaga ako mapapakali hanggat di ko nalalaman kung anong lagay nya.__Lea

" Ano bang nangyari dun sa kaibigan ni Lea at parang alalang alala sya?...

"Ah si Elle ba, Nakipag Blind date daw kasi dun sa Koreanong kaibigan ng asawa nung amo nya. Masyado lang nag aalala itong fiance ko sa kaibigan nya. O ayan na pala si Regie eh.__Prince

"Mga Brad kamusta? Pasensya na medyo natagalan ako. May mga nangyari kasi sa coffee shop na hindi inaasahan.
Pero minor issues lang naman. Btw, Kasama ko nga pala si Elena. Nandun lang sa labas at kausap yung kaibigan nya.__Regie

"Really, Kasama mo tonight si Elle? Dito sa Bar? Teka papanong nangyaring kasama mo sya eh nasa Blind date dapat sya ngayon. Don't tell me, Si Elena yung mystery girlfriend na di mo pinapakilala sa amin?__Prince

"What the hell are talkin about Prince? Umayos ka nga. Masyado ka ng advance mag isip talaga. To the point na wala na talaga minsan sa lugar. Haaaist! Ang mabuti pa si Elle na mismo ang mag kwento sa inyo sa nangyari. Tamang tama, Ayan na pala sila eh.__Regie

Sakto namang papasok na nga silang dalawa ni Lea sa entrance ng Bar kaya sabay sabay kaming napalingon sa kanila. Idagdag mo pa ang ilaw sa loob ng bar na tamang tama namang sa kanilang dalawa napa pokus kaya kitang kita ko ang itsura nya suot ang isang simple pero eleganteng bestida. At habang papalapit sila ng papalapit sa amin ay kapuna puna din na mayroon syang kolorete (makeup) ngayon sa mukha. Infairness naman, Mas maganda pala sya kapag naaayusan.

"Wow naman Miss Elena, Ang ganda natin ngayon ah. Dalagang dalaga. Bagay pala sayo yang mga ganyang damit kaya nanibago akong bigla.Sigurado akong mahusay din ang nag make up sayo kaya ganyan ka ka elegante tignan. Lumabas ang totoong ganda mo.__Prince

"Babe talaga, Napaka husay mambola! Pero tama ka naman sa sinabi mo na maganda talaga itong kaibigan ko lalo na kapag naaayusan...Hindi lang kasi pala ayos yang si Elle talaga eh.  Ay syanga pala Regie, Salamat sa pag asikaso mo dito sa kaibigan ko ha. Salamat na lang talaga at hindi ka natuloy sa Blind date na yan my friend!__Lea

"What do you mean di natuloy babe? You mean to say, Walang BLIND DATE na naganap? Hala sayang naman yang outfit at make up mo.__Prince

"Puro ka talaga kalokohan Prince. Ano ba namang sayang dyan.Kaya nga sinama ko dito eh. Tutal naman, Ito ng araw na pinaka hihintay mo hindi ba? So papano, Kakausapin ko na ba yung vocalista na pahintuin na muna yung music para makapag simula kana?__Regie

"Bakit Babe, Anong meron ngayon at mukha yatang may pakulo kayong gagawin ngayon dito sa Bar. May VIP ba kayong ii entertain tonight?__Lea

"Wala naman Babe. Simpleng pagtitipon lang. Anyways, Mas maganda siguro kung dun tayo maupong dalawa sa may harapan. Tapos makinig tayo ng music.__Prince


Laking gulat na lang ni Lea ng pagkatapos ng pakikinig naming lahat sa pagtugtog ng paborito nyang kanta ay tinawag na ng emcee si Prince sa mini stage at saka sya nagsimulang mag salita. Nagbahagi sya ng maikling kwento sa aming lahat ng mga nasa loob ng bar tungkol sa una nilang pagkikita ni Lea.Maya maya pa ay iniabot nya na dito ang singsing na matagal nya ng itinatago at saka paluhod na tinanong si Lea ng "WILL YOU MARRY ME?"

"Yes Babe...I will marry you. I love you Babe and Thank you so much for Loving me and my family too. Im so Happy!_ LEA

"Woooohhhh! Yes, Success ang plano! Congratulations and Best Wishes sa inyong dalawa guys! Humayo kayo at magpaka rami. Ahahahahahha.__Regie

"Congrats Brad and sayo din Lea. Hangad ko ang kaligayahang pang habambuhay para sa inyong dalawa.
So papano, Lets celebrate. Let's drink and enjoy the night!...

"Salamat mga brad! Salamat sa lahat ng tulong. Hindi naman magiging successful itong celebration na ito kundi dahil sa mga ambag nyo eh.ahahahahha. Tara na guys, Let Party! Sky is the limit ito.__Prince

"Congratulations Bff, and sayo din Prince. Basta yung palagi ko lang sinasabi ha, Wag na wag mong papaiyakin at sasaktan itong kaibigan ko at ako ang makakalaban mo._Elle

" Salamat Elle, Wag kang mag alala, I will never ever hurt my fiance again. Never! Teka, Mag iikot lang muna kami sa ibang table ha guys. Dyan na muna kayo. Si Elle mga brad,Wag nyong pabayaan ha. Baka mamaya kung sino sinong lumapit dyan.__Prince

"Brad, Ikaw na muna bahala kay Elle ha. Sasagutin ko lang tong tawag ng GF ko. Sa labas na muna ako. Elle, Si Sunny na muna bahala sayo ha.__Regie

"Wag mo kong alalahanin, Mag enjoy ka lang with your friends. Dito lang ako. Aantayin ko lang bumalik sina Lea tapos magpapa alam na din ako.__Elle

"Papano naman kita iiwanang mag isa dito kung ganyang sa akin ka nila inihabilin lahat. Hindi din ako makakapag enjoy nyan kung iiwan kitang  mag isa dito habang nakikipag sayaw ako dun sa gitna ng dance floor...

" Hello Sunny, Pwede ka ba naming ma invite dun sa table namin? Sige na, Namimiss na namin yung mga joke mo eh.  Kita mo yung girl na kumakaway? Gustong gusto ka nya
matagal na.__Sexy girl

"Pasensya na Miss ha, Wala ako sa mood mag joke ngayon eh. Pakisabi nalang dun sa girl na kumakaway, Hindi ako interesado...

"Hi Miss, Pwede ka bang maisayaw? __Lesbian na mula sa table dun sa may gilid. Kanina ko pa nga napapansin na masama ang tingin nya kay Ellena kaya hindi na ko nagtaka na bigla nya itong lapitan at yayaing sumayaw.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon