EP.43__ESKINITA

28 3 0
                                    

@SUNNY

At dahil hindi ko naman akalain na ihahatid ko pala pauwi si Elena, Sa motor ko tuloy sya ngayon naka angkas.
Ito kasi ang dinala ko ngayong gabi dahila naiinis ako kila Kuya Zol at Zabby na gusto pa daw nila akong samahan habang nakikipag usap kay Elle. Gusto daw nilang madinig ang paghingi ko ng SORRY kaya pati naman itong sina Prince at Reggie ay naki gulo din.

"Okey lang naman sa akin kahit hindi mo na ko ihatid. Mabilis lang naman ako makakasakay dahil hindi na rush hour ngayon.__Elena

"Hindi kasi ako tatantanan ng mga pinsan ko at mga kaibigan kapag hindi kita ihinatid sa mismong bahay nyo. Di mo ba nadinig kanina, Mag picture pa daw ako sa mismong tapat ng bahay nyo para may evidence at ng maniwala sila. Kaya wala akong choice kundi ang ihatid ka...

"Ikaw ang bahala. Pero pinapauna ko lang sayo na medyo makipot at madaming tao sa lugar namin ha. May mga nagnanakaw pa dun ng mga side mirror at nang iisnatch ng wallet.Kapag minalas kapa, May butas gulong gang din dun.__Elena

"Bakit di mo na lang ako diretsahin na ayaw mo talaga akong papuntahin sa lugar nyo ha? Wag kang mag alala, Saglit lang ako dun. Pag tapos ko mag picture, Aalis din ako kaagad...

"Teka bakit parang namutla ka? Hahahaha. Joke lang.
Walang snatcher at magnanakaw dun sa lugar namin. Mababait at nagtutulungan kami dun lahat. Pero hindi nga lang maiwasan yung mga Marites.__Elena

"Marites... Sino naman yun? At anong kinalaman nun sa pagpunta ko sa inyo?...

"Marites meaning mga chismosa.Pinaiksing salita ng "Mare, Ano ang latest chika ngayon" ganun. __Elena

"Haaaay naku, Akala ko kung ano na. Sumakay kana nga at ng maka alis na tayo. Baka maabutan pa tayo ng ulan...

" Medyo bagalan mo lang ang patakbo ha. Hindi ako sanay sa takbong pang karera. Takbong pang delivery lang ang alam ko.At hindi din ako sanay na hindi ako ang mismong nagmamaneho ng motor.__Elen

"Okey po, Masusunod Kamahalan. Basta kumapit ka lang ng maige at baka mamaya nyan, hindi ko napapansing wala na pala akong angkas pag dating ko sa inyo...

Naramdaman ko ang bahagya nyang pagkapit sa akin sa may bandang likuran. Sa magkabilang balikat ko sya kumapit kaya kaagad kong inilagay sa may bewang ko ang mga braso nya. Mas kampante ako sa ganung pagkapit nya para alam kong safe nya habang nasa likod ko sya.

"Huminto na muna tayo dun sa convenice store na yun para magpatila ng ulan. Lumalakas na masyado at delikado ang madulas na daan.__Elen

"Okey sige mag stop over muna tayo. Pero okey lang ba sayo na sa COFFEE SHOP na lang para makapag kape na din muna tayo?...

"Ayos lang, Hindi ako nagkakape. Ikaw na lang ang bumili. Dito na lang ako sa labas mag aantay.__Elena

Pero hindi ako pumayag na magpaiwan lang sya sa labas ng coffee shop kaya hinawakan ko sya sa kamay papasok sa loob. Madami dami din ang mga tao sa loob kaya nahirapan kaming makahanap ng bakanteng mesa.

"Excuse me Ma'm, Meron po kaming available seat sa 3rd floor. Okey lang po ba sa inyo?__Crew ng coffee shop.

"Oh, Its okey. Malakas masyado ang ulan so we need to stay for a while. Dito ba kami sa stairs dadaan?

"No Ma'm, Dito na po kayo sa private elevator dumaan. On the house na din po daw yung order nyo sabi ng manager.__waiter

"Ohhhh, I Almost forgot.. It's Laura's coffee shop nga pala.Sige kuya, Salamat ha...

"Sino nga pala yung Laura.. Gf mo?__Elena

"See...Ikaw pala yung totoong Marites eh. Sorry pero Laura is not my gf. Eldest sister sya ni Regine. I mean Reggie pala.
She is a lawyer and itong Libro at Kape na shop ay pagma may ari nya.

"Wow naman, Lawyer na succesful Business woman pa. Uhmmm, Tutal naman nabanggit mo na din na Marites ako diba. So ano nga pala ang reason bakit ayaw na ayaw mo dun sa actress na si Claudia Benitez? Ang ganda ganda na super sexy pa. Nagtataka lang ako.__Ellen

"Porke maganda at sexy ba kailangan ng maging gf kahit wala akong nararamdaman? As far as i know, Hindi ko pa naman na try makipag mabutihan sa babaeng hindi ko type.
Ayokong pinipilit ako...

"Grabe naman, Ang haba ng hair ah! Pero matanong ko lang ulit ha, Totoo ba yung sabi nila na madali ka daw magsawa sa mga babae? Base kasi sa sinasabi mo na dapat gusto mo at may nararamdaman ka muna sa girl bago mo gawing gf, ibig sabihin ba nun mahal mo pero pag sawa kana wala na kaagad yung love at iiwanan mo na lang?__Ellena

"Teka saan mo naman kasi nasagap yang balita na madali akong magsawa sa babae ha? Hindi ako madaling magsawa, hindi lang talaga ang madaling ma inlove. Siguro attracted sa girl pero hindi inlove kaya kapag na feel ko na walang chance na mapunta sa love...Sinabi ko na agad para di na umasa pa.

"Ahhhh ganun pala yun. Magkaiba yung ATTRACTED ka lang sa INLOVE. Sabagay tama ka naman dun. Mas mahirap na ngang paasahin pa yung tao kung wala ka naman palang nararamdaman. May point ka naman dun.__Elena

"So papano, Lets go na. Tumila na ang ulan. Basta kumapit ka lang sa akin ng husto at madulas ang daan okey?

Mabagal lang ang takbo namin pero hindi ang kabog ng dibdib ko habang mahigpit ang pagkaka yakap nya sa akin.
Hindi ko alam pero bakit parang may kakaibang sparks akong nararamdaman tuwing magkakalapit ang katawan namin.Napailing na lang ako at saka nag focus sa pagmamaneho.Naramdaman kong napasandal na pala sya sa akin at bahagyang naka idlip na sa pagod at pagka antok


"Elle, Nandito na tayo sa location na sinasabi mo.Papasok na ba ko sa may eskinita?...

"Hah? Naku pasensya na, Naka idlip na pala ako ng di ko namamalayan. Sige ipasok mo na dun sa ikalawang street lang, tapos mga pang limang bahay mula sa kaliwa. Sa amin na yun.__Elle

"Alam mo kakaiba ka talaga. Ikaw pa lang yung taong nakita ko na kayang makatulog sa motor habang kaangas sya.

"Hahahahha. Ganun talaga. Maaga kasi akong nagigising sa umaga. Tapos gabi na ko nakakauwi dahil madaming umu order ngayon dun sa Sarang. Pasensya na ha. Ayan na yun bahay namin, pwede kanang mag selfie.__Elena

Wala naman akong intensyon sanang mag selfie sa tapat ng bahay ni Elena talaga. Pero nagulat na lang ako ng biglang umakbay sa akin si Elle at saka biglang nag flash yung camera ng fone nya. Tuwang tuwa sya sa picture na kinuhanan nya dahil sa itsura kong gulat na gulat. Sya na daw mismo ang magsi send nito kay Zabby since nagpalitan na sila kanina ng number habang magkatabi silang kumakain sa Zanyas.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon