EP14__SLEEPLESS NIGHT

56 7 0
                                    

SUNNY POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUNNY POV

Graduating na ako this year sa kursong Business Management pero bakit parang wala pa din akong nalalaman tungkol sa pagma manage ng business? Parang kaya lang ba ako nag aaral ay para masabing titulado ako kahit wala naman akong natutunan kundi ang mag waldas lang ng salapi na hindi ko naman pinaghirapan? Hanggang kelan ba ko magiging pabigat sa mga magulang ko? Kelan ba ko magma matured at haharap sa responsibilidad ko? Parang matatagalan pa bago mangyari yun.

"SUNNY MONTENEGRO VILLAREAL".22 years old. Single.
Bunsong tagapagmana ng pinaka mayamang angkan ng VILLAREAL GROUP. Binansagang "THE PLAYFUL HEIRESS" dahil sa pagiging MAPAGLARO nito sa PAG IBIG.__PRINCE

"Naks naman pre,Playful heiress. Hahahaha. Unti unti ka ng sumisikat talaga. Di na kami magtataka kung sa susunod,Laman kana ng mga magazine at ng social media.__REGIE

"Tinawagan ko na nga kanina si  Uncle Zee about that issue. Sya na daw ang bahala sa lahat.Wag na daw akong mag worry. Knowing Tito Zee at kung gano sya ka impluwensya sa media, Im sure na madali namang mawawala yung negative publicity na yan tungkol sa akin.__AKO

"Pero hindi ka dapat magpaka kampante nyan lalo na ngayong may idea na sila kung sino at ano ka. Siguradong mayroon at mayroon ng magkaka interes dyan na halukayin ang buhay mo para mapagkakitaan.Kaya dapat mag ingat ka.__REGIE

"Tama.Ganun na nga ang mangyayari nyan. Kapag nakahanap sila ng pwedeng ikasira sayo,Tyak na iba blackmail ka ng mga yan para magkapera sila o di kaya naman ay sumikat.Alam mo Pre,Para na din sa ikakapanatag mo. Mag Jowa kana kasi ng seryosohan. Para hindi kana lapitan ng kung sino sino!__PRINCE

"As if naman ganun lang kadali yun diba? Papanong magsi seryoso kung di naman marunong tumibok tong puso ko.
Saka hindi naman relationship lang ang inaalala ko ngayon eh. Kung papano na ko after nating grumaduate. Wala naman akong alam sa business.Ayoko namang mag aral ulit gaya ni HEAVEN.
__AKO

"Pre,Hindi naman problema yun.Sa dami ng mga tauhan nyo, siguradong madaming aalalay sayo kapag nagsi sinula kana sa pagpapatakbo ng kumpanya nyo. Yung pinsan mong sina ZAB at ZOL naman hindi din Business ang course na kinuha pero kita mo naman ngayon mga successful na sa mga larangan nila.__REGIE

"Speaking of pinsan nga pala Sunny.Kung nasa VAL ngayon si ZOL,San ka dapat ilalagay? Sina HEAVEN at ZAB na ang mga reyna ng CK hindi ba?__PRINCE

"Actually napag usapan na nila yan eh.Same lang naman kaming magpipinsan ng share sa VAL at CK pero hindi ako magiging part ng VAL at CK Management. Ewan ko kung anong balak nila sa akin since ako naman yung bunso at pinaka last na magtatapos ng college.Baka may iba silang plano para sa akin.__AKO

"Really? As in hindi ka magiging myembro ng VILLAREAL GROUP? Para yatang nakakapagtaka naman yun. As in hindi nila sinabi sayo kung anong plano nila after mong maka graduate?__REGIE

"Hindi eh.Nung mga panahon kasing yun na nag uusap usap sila about sa business,Wala kong interes na makinig. Busy akong naglalaro sa fone ko habang nagtatalo talo sila nuon sa kung ano bang mangyayari sa akin sa future.Basta ang naiisip ko lang nuong mga oras na yun, Magta travel muna ako around the world after graduation.__AKO

"So kung ganyan palang wala kang siguradong mapapasukan pagka graduate natin,Bakit hindi na lang tayong tatlo magsipag sosyo sa negosyo? Pagsama samahin natin yung mga pera natin para sa capital at saka yung mga hilig natin ang pagtuunan natin ng pansin para maka buo tayo ng konsepto. Sariling diskarte natin.__PRINCE

"Well maganda naman yang idea mo Prince pero im sure hindi yan papasa dito sa Kaibigan natin over here. Di syempre basta basta papatol yan sa pipitsuging BUSINESS lang.__REGIE

"Bakit naman hindi kung kayo naman ang makaka sama ko.
Bastat bigyan nyo lang ko ng magandang proposal plan. Parang gusto ko yung idea na sinasabi mo Prince eh.Yung kumbinasyon ng mga hilig at saka yung nalalaman natin ang gawin nating motivation para sa naiisip nyong Business.Kapag nakagawa na kayo ng concept,Saka ko pag iisipan yang sinasabi nyo.__AKO

"Ayan Regie,Ayos na tayo dyan.Meron na tayong back up eh.
Saka mo na ituloy yung pina plano mong winery kapag umasenso at mayaman na tayo. Kailangan ko na din sigurong mamili dun sa dalawang gf ko kung sino ang siseryosohin ko talaga. Para naman makatipid tipid ako sa gastos.__PRINCE

"Siraulo ka talaga Prince.Umayos ka nga.Bakit kasi dala dalawa pa yung pinopormahan mo.Sakit lang sa ulo yan.__REGIE

"Wow naman,Nagsalita ang hindi playboy. Pare pareho lang naman tayong mahilig sa chicks ah. Mas madami nga lang si Sunny pero hindi ka din naman stick to one ah.__PRINCE

"Bakit nadamay ako dyan.hahahaha. Hindi naman ako nagsasabay sabay gaya nyo,Mabilis lang ako magsawa talaga.
Speaking of girls nga pala,Kamusta na nga pala si Miss Dianne Regie?__AKO

"Si Miss D ba na assistant ko? Okey naman sya,Bakit anong meron.Don't tell me type mo sya Pre?__REGIE

"Hahahahha.Parang di mo naman alam ang mga tipo ni Sunny pre.Ayaw nyan sa mas astig pa sa kanya.If im not mistaken,Parang ganun yata ang mga tipo mo hindi ba?__PRINCE

"AKO,Mala Miss Dianne ang tipo ko? Dyan ka nagkakamali Pre.
As far as I know at para na din sa kaalaman nyo,Ang tipo kong babae ay yung classy and fashionable. Tapos brainy and sexy.
At higit sa lahat...Yung tanggap ako kahit hindi kami magkapareho ng estado sa buhay.__REGIE

"Teka,Teka nga...Magkaliwanagan nga tayo.So hindi si Miss Dianne ang secret on mo? Ibig mong sabihin wala kayong relasyon or something ni Miss D?__PRINCE

"Kung walang something sa inyo ni Miss Dianne bakit kinakailangan nyo pang mag solo sa isang room para mag usap lang? Akala tuloy namin,May ginagawa kayong dalawa na hindi namin pwedeng malaman o makita.__AKO

"Ayun...Kaya pala minsan ay napapansin ko na nagbubulungan kayong dalawa kapag paparating na kami ni Miss D pagtapos naming mag usap. Ang akala nyo pala,May relasyon kaming dalawa! hahahha.__REGIE

"Kung walang something sa inyo ni Miss Dianne,Ibig sabihin may iba kang pinopormahan? Or possible na meron ka ng girlfriend pero hindi mo sa amin pinapaalam tama ba ko?__PRINCE

Bahagyang pinamulahan ng mukha nya si REGIE at mabilis na iniiwas ang mga mata sa akin.Posible ngang may nobya na itong si REGIE pero sini sekreto nya lang sa amin kung sino ang ang taong yun.

"Pasensya kana REGIE kung napag hinalaan ka naming may relasyon ka kay Miss Dianne.This past few weeks kasi ay may napansin kaming kakaibang glow dyan sa aura mo eh.Obvious na inlove ka.Wala naman kaming nakikitang ibang babae na nakakasama at nakakausap mo kundi si Miss Dianne lang kaya sya ang inakala naming nobya mo.Sorry Pre.__AKO

Otor's chitchat
*Sino nga kaya ang misteryosang nobya ni REGIE???
*Anong magiging kaugnayan nya sa ating bida na si SUNNY???
*Sino kaya ang pipillin ni PRINCE na maging nobya,Si SINGLE MOM kaya o si MISS KOLEHIYALA???
-Abangan nyo yan mga ka gangstah.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon