@SUNNY
Masasabi kong si Zabby ang pinaka mas close ko sa aming magpipinsan ngayon. Mas madalas kasi kaming magkasama sa mga barkadahang gimik ngayon kaysa kay Heaven dahil nga nasa Madrid sya. Habang abala naman si Kuya Zol sa kanyang trabaho at tungkulin bilang kahalili ng pamilya sa VG.Halos lahat ng shareholder ng kumpanya ng VILLAREAL GROUP ay puro kamag anak lamang. Walang ibang nagma may ari ng kumpanya kundi VILLAREAL lang.
Hindi na ko nagulat ng puntahan ako nina Kuya Zol at Zabby ngayong umaga at komprontahin tungkol sa mga nangyari."Sunny, whats goin on? Ano na namang gulo ang pinasok mo? Are you really in a relationship right now?__Kuya Zol
"Kuya naman,Bakit ang taas kaagad ng boses mo? Mag relax ka muna. Pakinggan mo na muna ang paliwanag ko okey. Wag kang magpapaniwala sa mga nababasa at nadidinig mo lang...
"Papanong di ako mag aalala.Kalat na kalat na sa buong bansa na ikakasal kana daw. Pati tuloy sina Lolo Top at Lola Dess na nananahimik sa Canada ay nagtatanong sa akin. Ano ba talagang nangyari ha Sunny?__Kuya Zol
"Talagang pinuntahan mo pa ko dito sa opisina ko para lang itanong yan? Kuya kilala mo naman ako diba,May seryoso na ba kong naka relasyon? And then what are they saying...Na ikakasal na ko? As in kaagad agad kahit hindi ko naman kakilala yung girl na sinasabi nilang pakakasalan ko daw?
"Then what the hell are you doing? Ikaw ang nagsimula nito kaya ikaw din ang dapat na mag resolba. Isipin mo yung mga taong dinamay mo at mga idadamay mo pa kapag hindi mo ipinaliwanag sa lahat na walang namamagitan sa inyo nung girl na tinutukoy nila. This time Sunny, Maging responsable ka naman. Nakakaawa yung mga taong nasasaktan mo.Hindi mo alam kung anong mga problema at kahihiyan ang idinudulot ng lahat ng ito sa kanila.__Kuya Zol
"Kuya Zol... Sunny, tama na yan. Wag na kayong magsisihan at magtalo pa. Alam ko na ang may pakana ng lahat. Napag alaman ko na mula sa kampo ni Claudia nagmula ang mga kumakalat na maling balita. Talaga daw bumayad pa sila ng mga dummies para ipagkalat sa internet ang mga videos at mga pictures nyo. Gusto nilang sirain yung girl na ipinakilala mong gf mo Sunny.__Zabby
"Im glad your here Zabby. Si Kuya Zol kasi eh, Bigla na lang nag a accussed kahit hindi naman talaga totoo...
"Wag kang feeling pa victim Sunny, Alam nating pareho kung sino talaga ang agrabyado dito. So ano ng plano mo ngayon? Kailangan mo ba ng bagong attorney? Gusto mo bang pasamahan muna kita kay Jayler para hindi ka masyadong mahirapan sa pakikipag usap at pagpapaliwanag sa press bukas? __Kuya Zol
"Bakit naman sasamahan pa sya ng tutor ko, Kayang kaya na nya yan. Hindi naman ito lang ang unang beses na masasangkot itong si Sunny sa eskandalo eh. Saka may kinausap na si Dad na tutulong sa kanya.Kailangan na lang nyang kausapin yung girl na idinamay nya sa scandal at humingi ng sorry.__Zabby
"Bakit ba masyado ka namang madamot pagdating dyan sa Tutor mo ha Zabby? Parang kaibigan ko na din naman si Jayler since pinsan sya ni Regie. Anyways, tungkol dun sa pa presscon ko bukas. Mas okey siguro kung magpa kulay ako ng hair no, Para mas astig at saka mas gwapo tignan...
"Sunny! Kahit kelan ka talaga. Unahin mo munang resolbahin yung problema mo dun sa biktima mo. Maawa ka naman dun sa tao. Siguradong hindi na sya tinatantanan ng mga reporter at mga taga media ngayon.__Kuya Zol
"Prince and Reggie, Pumasok na nga kayo dito sa loob. Pinapahirapan nyo pa yang mga sarili nyong makinig lang sa likod ng pinto eh. Sabihin nyo nga sa akin, Sino nga yung girl na pinagpanggap nitong pinsan ko na Jowa nya daw? Any idea kung sino sya at kung saan sya nakatira?__Zabby
"Ahhh, Ehhhh kasi ganito yun. Actually medyo matagal na din namin syang kakilala. Pero hindi ganun ka close ha, Parang suki ganun.Tapos later na lang namin nalaman na bff pala sya ng fiance ko.__Prince
"Really, As in kakilala nyo pala talaga si Girl at hindi random girls lang na pumasok dun sa entrance ng Zanya's? Wow... Parang napaka coincidence naman nun. Ay teka, Ano nga yung sabi nyo na suki nyo kamo? Costumer nyo ba sya dito sa shop nyo?__Zabby
"Hindi namin sya costumer dito sa shop Zabby. Suki nya kami sa Fried Chicken. Sya kasi yung delivery girl ng Sarang chicken. Yung girl na mala anghel yung boses. Im sure kilala nyo din si Ellen dahil madalas syang ma invite ng family nyo para kumanta sa mga private events.__Reggie
"Ohhhh, Sya pala yung girl. Yeah, I remember her. Sya yung magaling kumanta right? Kaya mas kailangan mo talaga syang kausapin Sunny at hingian ng paumanhin. Napaka bait nyang tao para makaranas ng mga bashing at pananakit ng damdamin mula sa mga taong akala mo ay kung sino.__Kuya Zol
" Her name is Ellena right? I remember her too. Sya yung cute girl na kinabibiliban ng mga oldies natin dahil sa mala anghel nyang boses. Ang cute pa naman ni Ellena at saka palaging nakatawa. I really like her. She reminds me of someone din na palagi lang naka smile. __Zabby
"Guys, Maputol ko lang kayo saglet ha. Tumawag kasi yung gf ko. Nag aask daw kasi si Ellena ng contact number mo Sunny. Okey lang bang ibigay ko brad?__Prince
"Sige brad ibigay mo. Para matapos na at ng makapag usap na din kami ng masinsinan. And tama kayo, Kailangan ko naman talagang humingi ng sorry sa kanya.Hindi ko lang alam kung papano at saan ako magsisimula...
"Sunny, I trust you. Alam kong kayang kaya mo yan. Pasensya kana din pala kanina kung medyo nasigawan kita ha. Alam mo namang ang dami kong inisip at inaaalala ngayon. Dumagdag pa yung biglang pagtawag ng Lolo Top. Ayoko na din kasing bigyan pa sila ng isipin at problema. Alam nyo naman ang kalagayan ni Lolo Top diba, Baka umasa sya na may apo na syang mauunang magpakasal tapos hindi naman pala.Mas lalong malulungkot yun.__Kuya Zol
"Pasensya na din Kuya, Kasalanan ko naman kasi talaga eh.
Hayaan nyo at pagtapos ng lahat ng ito, Kakausapin ko ang Lolo. Ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya. Speaking of Sorry, Sya na siguro itong tumatawag. Pero teka, Ano bang sasabihin ko pala? Wait lang guys, Lalabas na muna ako..."May ilang minuto din kaming nag usap sa telepono at napagkasunduan naming mag kita ng personal mamaya para pag usapan ang nangyari. Gaya ng napagkasunduan, Sa Zanya na din namin napiling magkita. Kaagad naman akong tumawag sa Zanya's para makapaghanda sila dun at bigyan kami ng privacy na makapag usap.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomantikTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...