@SUNNY
Nagulat ako ng tawagan ako ni Mom at sabihang sabay na daw kami mag lunch today. Bibihirang pagkakataon lang na aayain nya akong mag lunch kami since masyado syang focus sa trabaho nya sa CK MALL araw araw.
"Guys pasensya na, Hindi muna ako makaksabay sa inyo mag lunch today since my Mommy wants me to join her. May date daw kaming dalawa...
"Ay iba din, May lunch date ang mag ina. Sige lang brad, Enjoy your date. May dinner pa naman, dun ka na lang namin babawian later.__Prince
"Ikaw talaga Prince napaka gulang mo! Anong dinner mamaya e may ka meeting tayo remember? __Reggie
"Ahahahha oo nga pala. Imi meet nga pala natin yung mga models na magsusuot ng mga damit na design natin.
Ano nga palang oras yun at makapag paalam na muna kay babe na gagabihin ako.__Prince"7pm kamo. Tapos mga 9pm siguro nasa bahay na tayo nun. Yun ay kung hindi ka gagawa ng kabulastugan.__Regie
"Hoy Sorry ka hindi na ko ganun. Nag level up na ko. Hindi nako basta basta pumapatol sa kung sino sino._Prince
"Naku wag kami Prince. Kakatawag lang sa akin last week ni Lea at tinatanong kung nasaan daw tayo. Muntik na kong madulas na alas singko palang nag out kana nun eh. Tapos sasabihin mo nagbago kana? Ewan ko sayo Prince.__Regie
"Nagsalita ang matino. Bakit ikaw ba, Walang ginagawang milagro behind your MYSTERY GIRL'S BACK? Parang last night lang hindi ka din umuwi kaagad ah. Ang sabi ng source ko, May ka date ka daw na girl sa bar na kulay pink yung hair. Wag kang mag deny, realiable yung source ko._Prince
"Shut up Prince, Hindi ako two timer gaya mo no. Wala akong ka date na iba last night. Kung may kasama man akong babae, Isa sa mga VVIP ko yun. Friend nya yung may ari nung BAR kaya dun nya gustong dalhin ko yung sasakyan nya.__Regie
"Bakit parang ang defensive mo brad? Ahahahha. Takot na takot ka naman yatang masyado sa jowa mong walang mukha. __Prince
"Pansin ko nga din yan Brad. Bakit kapag yung gf mo ang topic, umiiwas ka at ni ayaw mong banggitin. Sino ba yang gf mo at mukhang wala kang balak ipakilala sa amin ha?...
"Hindi naman sa ganun brad. Ipakikilala ko din sya sa inyo pero hindi pa sa ngayon. Masyado syang Busy at hindi din sya dito sa Pinas naglalagi ngayon. Madalas syang nasa ibang bansa para mag aral at magtrabaho at the same time kaya wala talagang chance na makilala nyo sya sa ngayon.__Regie
"Wow ha, Working na student pa pala yang GF mo eh. Ang hirap kayang pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho lalo pa at nasa ibang bansa ka. Mas lalo tuloy akong nai excite na ma meet yang gf mo Regs. Siguradong maganda yan para mag pa under ka ng ganyan.hehehhe._Prince
"Siraulo ka talaga Prince. Kapag maganda lang ba yung girl saka ka pwedeng magpa under? Hahahahha. Pero on a serious note naman, Magandang influence sayo yang gf mo dahil hindi kana masyadong laman ng mga bar ngayon para mag wine tasting.
At infairness din naman sayo Prince, Kahit papano din ay nag TAME kana sa pag gi girl hunting mo..."Well, Sa totoo lang hindi naman ako pinipigilan ni Babe na mag inum inum talaga at magpunta sa bar. Ako nalang ang umiiwas kasi nga alam nyo na kapag nakakainum ako diba
nahihirapan akong umiwas sa tukso. Pero maiba ako mga brad, Ikaw naman Sunny, Kelan namin madidinig sayo yung salitang JOWA? __Prince"Oo nga, Kamusta na yung girl na gumugulo kamo nuon sa isip mo? Parang mula ng mag start tayo ng business, Mas lalong naging busy yang utak mo sa pagta trabaho at mas lalo kang nawalang ng time mainlove.__Regie
"Ano ba kayo, Ako pa ang tinanong nyo. Alam nyo namang kapag nag focus ako sa isang bagay, wala na akong pakialam sa iba.Ni hindi ko na nga naalala yun eh. Baka kapag napanaginipan ko sya mamayang gabi saka bumalik yung alala ala ko sa kanya. Ahahahaha. O sya papano guys, see you later. Ba byahe pa ko kaya mauna na ko sa inyo...
May kulang isang oras din ang byahe mula sa opisina ko hanggang CK MALL kaya naman lagpas na sa alas dose ako nakarating sa loob. At dahil alam naman nila na darating ako, kaagad akong sinalubong ng mga bodyguards ni Mommy at saka ihinatid sa itaas ng building.
"Ang saya saya nyo siguro palagi sa bahay nyo. Iba din talaga ang madaming magkakapatid ano, Ang iingay at ang gugulo kaya masaya at may buhay ang bahay.__Mommy.
Napakunot ang nuo ko ng madatnan kong may iba pa palang kasalo ang Mommy sa pananghalian bukod sa akin.
Nandito kami sa isang room sa tabi ng opisina nya kung saan sila palaging nagla lunch ng Tita Saint."Hello Mom, Sorry Im late. Na traffic ako sa hiway eh. Hello Everyone...
Nagulat ako ng makaharap ko si delivery girl na isa sa mga kasabay ng Mommy ngayon na mag lunch. May mga kasama din syang mga binata na kundi ako nagkakamali ay isa dun yung sumundo sa kanya sakay ng motor. At isang ale na parang kasing edad ni Mommy na naka upo sa isang wheelchair.
"Sunny my baby! Im glad your here. Akala ko ay iindyanin mo na ko sa usapana natin eh. By the way, Sila nga pala ang family ni Miss Elena. Remember her? Sya yung may angelic voice na kumanta nuon sa bday ng Lolo GD. At sya din yung paboritong imbitahan ng Momshie Martha para kumanta palage sa mga batang cancer patient.__Mommy MJ
"Ohhh yeah I remember her. Nice to see you again Miss. At sa inyo din po Madam and this three handsome guys over here.Nice to meet you all. My name is Sunny V...
"Lahi po kayo ng magaganda ano po? Parang wala po akong makitang pwedeng maipintas sa inyong dalawa. Sobrang dyosa nyo pong parehong mag ina.__Binatang nag angkas nuon kay Elena sa motor
"Ahahahhha. Nakakatuwa ka talaga iho. Salamat sa papuri. Pero hindi papayag itong anak ko na tinatawag syang maganda, Mas gusto nyang tinatawag syang gwapo.__Mommy MJ
"Naku Madam, Pagpasensyahan nyo na po itong mga kapatid ko.Medyo feeling close na po sila masyado. Nakakahiya. Ang mabuti pa po siguro ay magpaalam na kami. Maraming salamat po sa pa lunch. Mauuna na po kami.__Elena
"Salamat din sa inyo. Masaya akong makilala kayong lahat. Sobrang nag enjoy talaga akong kausap kayo. Lalong lalo kana Elle, Sana ay magkita pa tayo uli. Mrs Marasigan, Salamat po sa pagpapaunlak nyo sa paanyaya ko... Mag iingat po kayo palage. Godbless po.__Mommy
Papa alis na sina Elle ng magkasalubong ang paningin namin dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit bigla na lang lumiwanag ang paligid pagkakita ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...