EP16__USAPANG LOVELIFE

56 7 1
                                    

@SUNNY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

@SUNNY

Medyo tinanghali na ako ng gising kaya may araw na ng mag start ako sa pagja jogging. Napuyat kasi ako sa pakikinig sa kwentuhan nila kagabi. Hindi kasi namin inexpect ang biglaang pag uwi ni HEAVEN from Madrid.Walang paabiso kaya wala ni isang nakapag sundo sa kanya sa airport.

"Kuya Raffy,Favor naman oh.Pakihatiran naman ako ng bottled water dun sa may playgroud. Nakalimutan ko kasing magdala.__AKO

"Sige Bunso,Dadalhan na lang kita dun pagtapos kong sunduin yung nag aantay na taga deliver dun sa main gate.__Kuya Raffy

"Later na yun Kuya,Unahin mo muna yung inuutos ko.Nauuhaw na din kasi ako eh.At saka pag hinanap ako ni Daddy,Sabihin mo nagpapawis lang saglit.__AKO

"Sige Bunso,Dadalhan kita agad ng tubig.Saglit lang ako.__Kuya Raffy.

Bukod sa malawak at mahabang kalsada para makapag jogging ay mayroon ding mga exercise equipment dito sa playgroud.
Dito ako palaging nagpupunta kapag nandito ako sa mansyon nila Momshie Martha and Popshie Skyler.

Dito na sa KINGSVILLE kami halos lumaki at nagkamalay ni HEAVEN. At dahil nasa kabilang block lang naman ang bahay namin,Madalas kaming mag stay nila Mommy and Daddy dito.Sa kahilingan at pakiusap na din nila Momshie at Popshie na makapiling ang matagal nilang nawalay na anak na si Daddy CLOUD.Bagay na naiintindihan din naman namin nila Mommy MJ at ni HEAVEN.

"Bakit ka naman nagsosolo dito couz,Hindi kaba makiki salo sa amin duon sa loob?__ZOL. Gaya ko ay isa ding lesbian si  Kuya ZOL habang ang kapatid nyang si ZAB ay straight girl naman.

Pare pareho lang kaming lahing PAMINTUAN AT VILLAREAL na magpipinsan kaya naman iisa lang ang dugong dumadaloy sa mga ugat namin.At hindi mapagkakaila na halos magkaka hawig din ang mga kulay at itsura naming apat.

"Susunod din ako kaagad dun later kuya,Need ko lang tapusin tong routine ko.Ilang araw din akong di naka uwi ng mansyon dahil naging busy sa school kaya bumabawi lang.__AKO

"About sa school nga ba yan o sa babae? Para namang di kita kilala,Nakakailang palit kaba sa isang buwan nyan ha bunso?__ZOL

"Seryoso nga,Sa school ako busy ngayon at hindi sa babae.Nag lielow muna ako ngayon eh.For a change. Para kasing hindi na ko masyadong nag i enjoy gaya dati.__AKO.

"Oi bago yan ha.Parang medyo nagbabago na yata ang ihip ng hangin.Nasaan na yung dating SUNNY na walang ibang bukambibig kundi mga babaeng naikama nya?__ZOL

"Ako pa din naman to,Pareho lang nung dati. Wala lang masyadong ganap ngayon dahil nga medyo bored na ko sa mga nakikilala ko sa mga bar.Naghahanap ako ngayon nung babaeng kakaiba. Yung hindi puro pagpapa sosyal at pagpapa ganda lang ang alam.__AKO

"So,Nagbago kana ngayon ng preference mo about girls ganun ba? Ayaw mo na sa mga magaganda at sexy.Gusto mo na ng babaeng NATURAL at walang halong kemikal parang ganun ba? Hahahha. __ZOL

"Hindi ah,Syempre dun pa din ako sa magaganda at sexy. Wag lang yung masyadong pabebe. Anyways,Pare pareho lang naman sila ng gusto. PERA. SALAPI.ANDA. Kaya natural lang na mamuhunan din sila sa itsura at katawan para magustuhan ko din sila.__AKO

"Sa palagay mo couz,May babae pang darating sa buhay natin na magmamahal sa atin ng totoo na hindi lang pera natin ang habol sa atin? Specially like us na aminin na natin,Hindi tayo mga tunay na lalaki.__ZOL

"That's one of the reason why ayokong mag stay sa iisang relasyon lang.Kasi nga suntok sa buwan na yung makatagpo tayo ng gaya ng mga parents natin na totoong nagmamahalan ng tapat.Kaya sinabi ko sa sarili ko na ayokong mag seryoso sa pag ibig.__AKO

"Pero meron akong isang girl na nakilala last year na hindi nya alam na mayaman ako.Isa sya sa mga volunteer ng foundation ng VILLAREAL GROUP. As in wala syang kamalay malay na kaya ako nandun ay dahil isa ako sa mga representative ng foundation. Akala nya,Kagaya nya din akong volunteer.
Nagkalapit kaming dalawa dahil sobrang bait nya lalo na sa akin. Pero later on,Nalaman ko na lang na maaga pala syang kinuha ni Lord.__ZOL

"Really? Oh my gadd. Anong nangyari kay girl,Bakit sya namatay? __AKO

"Nagta trabaho sya bilang isang tourist guide.Nagkataong sa isang byahe nila papunta ng Romblon ay inabutan sila ng isang malakas na bagyo sa laot.Tumaob ang sinasakyan nilang bangka at isa sya sa mga binawian ng buhay.__ZOL

"Ang SAD naman ng kwento mo couz.I feel Sorry for her.She may rest in peace.So,kamusta ka naman after what happened Hindi mo pa din sya nakakalimutan hanggang ngayon?__AKO

"Kaya nga nagtanong ako sayo kanina diba? Para kasing after kong malaman yung nangyari dun sa babaeng nagustuhan ko. Biglang nawalan na ako ng interes pang magmahal muli.
__ZOL

"Parang nagkaroon kana ng TRAUMA dahil sa nangyari ganun ba? Pero hindi ka naman sure na LOVE nga yung na feel mo sa kanya eh.Baka mamaya nun,Natuwa ka lang sa kanya dahil mabait sya sayo. Mabuti na lang din na hindi naging kayo talaga. Kasi baka mas lalong malalim at mas masakit ang maiiwang sakit nun para sayo.__AKO

"Yun na nga din ang inisip ko.Baka kaya hindi nangyaring naging kami para hindi masyadong masakit kapag nawala sya.
Kaya nga bilib na bilib ako sayo eh.Nagagawa mong magpalit ng magpalit ng karelasyon na hindi ka nasasaktan. Samantalang ako, Ni hindi kami nagkaroon ng kahit saglit na oras na muling magkausap at magkita ulit pero hindi sya kaagad nawala sa puso ko at isip.__ZOL

"Don't lose HOPE kuya.Makikilala mo din yung babaeng para sayo.Hindi man agad agad pero anong malay mo,Nasa tabi tabi mo lang pala sya at bigla ka na lang nyang surpresahin.
Tara na sa loob kuya,Mainit na masyado ang sikat ng araw. Baka mangitim na tayo nito ng sobra.__AKO

"Ako lang ba? Baka mamaya nyan maunahan mo pa kong mag asawa eh. Baka mamaya nyan,Sa sobrang dami ng mga babaeng pinaiyak at iniwanan mo,May biglang PUMIKOT sayo. Hahahaha
Joke lang yun bunso,Syempre hindi naman mangyayari yun dahil wala sa lahi natin ang PIKUTIN.__ZOL

"Malabo yun kuya Zol.Kahit pa nga i set up pa ako nila Mom and Dad sa babaeng gusto nila para sa akin,Hinding hindi ako papayag sa gusto nila kung sakali.Never akong magpapatali sa babaeng hindi ko gusto.__AKO

"OO na,Ikaw na yung masyadong mataas ang standard pagdating sa babae.Kaya nga dapat mauna na muna akong mag asawa kaysa sayo para walang comparison eh. Ayoko namang mas maganda yung maging asawa mo kaysa sa akin noh.Dapat magka level lang para walang lamangan.hahahha._KUYA ZOL

Masaya kaming nagbibiruan habang naglalakad pabalik sa mansyon. Ngayon lang namin napag usapan ang tungkol sa buhay pag ibig nya kaya bago para sa akin ang mga kwento nya.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon