@Elena
Illegal at delikado ang nagaganap na karera ngayon ng motor dito sa may San Juan. Hindi kasi ito gaya ng mga karerang nagaganap sa mga legal na pang karerahan ng mga motor at kotse talaga. Sabi ng kaibigan kong si VIA,Mas gusto daw kasi ng ilang mga anak ng mayayamang tao dito sa Manila yung mga buwis buhay na drag racing gaya nito. Mas nakaka challenge daw kasi ang ganun kaysa sa tipikal na karera lang.Mas delikado, Mas ganado silang humarurot at sumagupa sa kalsada sa mismong hi way kung saan kasabay nila mismo yung mga sasakyan na bumabyahe.
"Alam mo ba girl kung magkano ang bayad ng pagpapa membership nila dito? Almost 3M lang naman bawat myembro. And takenote ha, hindi pa kasama dun yung mga kung ano anong bayarin at donation na halos buwan buwan nilang nakukuha sa mga kasapi nila. __Via
"Hindi na ko magugulat dyan. Hindi ba't sabi mo nga sa akin na lahat namang ng mga myembro dito, Puro anak mayaman at kilalang mga tao sa lipunan. Barya na lang sa kanila yung mga donasyon na yun. O sya papano, bumalik na tayo dun sa pwesto natin at ng makapag alok na tayo ng mga wine na pinabi benta sa atin....
"Pero teka lang Elle, Mauna kana dun sa pwesto. Kanina pa ko nababanyo eh. Medyo sira yata itong tyan ko dahil kanina pa kulo ng kulo.Babalik agad ako dun pagtapos.__Via
Mabilis naman akong naglakad sa may makipot na short cut para makabalik kaagad sa pwesto namin. Pero laking gulat ko ng may madatnan akong dalawang tao na naglalampungan sa dlim.Hindi na ko naka atras pa dahil saktong napalingon din sila sa akin at saka dali daling nag ayos ng mga sarili nila. Agad namang umalis yung babae na umismid muna sa akin pagka daan sa harap ko.
"Well Miss, May problema ba tayo? I mean, May atraso ba ko sayo para sundan ako dito? Kakilala ba kita?___ Since naka suot sya ng uniporme na pang karera, hindi ko muna kaagad napansin na babae din pala sya dahil sa boses nya.
"Ahhh ehh... Pasensya na sa istorbo Madam. Hindi ko naman kasi alam na nalipat na pala dito yung motel. I mean dito kasi yung shortcut papunta dun sa pwesto ko....
(Madilim sa part na ito ng venue at hindi mo talaga makikita masyado ang mukha ng makakasalubong mo)"Hindi kaba nagbabasa ng sign dun sa may bungad Miss. Restricted area ito...Meaning, hindi basta basta nagpapa pasok dito unless may permiso ka sa dun sa management.
Kita mo ng madilim sa daraanan mo, dito mo pa din napiling sumiksik.__Girl"Mas mapapabilis kasi ako kung dito daraan kaysa dun sa main road. At saka nag sorry na nga ako di po ba, Ano pa bang kailangan nating pagtalunan. PASENSYA na po ulit Madam. Sige po babalik na lang ako dun kabilang kalsada...
"Will you stop calling me MADAM ? Kanina pa ko na iirita dyan sa pagtawag mo eh. Mukha ba kong madam sa itsura ko ha? Look at me, May ganito bang itsura ng madama ha?__Girl.
Hinila nya ako sa may bandang maliwanag na part mula sa ilaw ng poste at saka nya inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Napatakip tuloy ako ng bibig ng mamukhaan ko kung sino ang napaka gandang babae na nasa harapan ko.
"Sunny Villareal? Ikaw yung apo ni Madam Saint Pamintuan diba? Yung babaeng masunget...
"Teka lang, Kilala moko? At papano mo nalamang ako nga si SUNNY VILLAREAL, Sinusundan moko no?At anong sabi mo, Masunget ako? Baka nagkakamali ka lang Miss.
Ohhhhh... Naaalala ko na! Ikaw yung delivery girl ng manok. Ang liit talaga ng mundo ano? Palagi tayong nagkikita. Or baka naman kaya ka nandito ay para i stalk ako?__Sunny"Excuse me lang naman ano, Hindi ako stalker. Nandito ako para mag trabaho. At bakit naman kita susundan. Hindi ka naman sikat na Kpop idol para habulin at i stalk. Sige, Dyan ka na nga at babalik na ko sa pwesto ko...
"Teka teka...Wag ka munang umalis, Hindi pa tayo tapos mag usap. Since nakita mo kanina yung ginagawa ko, Pwede bang sa atin atin na lang yun. Just in case lang naman na makausap mo uli yung Momshie ko, Wag mo na lang sabihin sa kanya na nagkita tayo. As in hindi tayo nagkita tonight. Okey ba yun?__ Sunny V
"Uhmmm...Ano ba yung hindi ko dapat ikwento? Ahhhh, Yung may girl kang nakahalikan sa dilim, Yun ba?...
"Haaaaist hindi yun ang ibig kong sabihin. Itong pagka karera ko. Hindi nya dapat malaman na sumasali ako sa illegal drag racing. Siguradong hindi na nila ako pahahawakin pa ng motor kahit kelan kapag nalaman nilang kabilang ako sa UNDERGROUND DRAG RACE SOCIETY. (UDRS)___ Sunny
"Depende yun kung hindi ako madudulas habang nakikipag kwentuhan. Hindi kasi ako marunong magsinungaling eh.
Baka kasi bisitahin na naman ako ulit ni Madam Martha dun sa Sarang Chicken at masabi ko na nagkita tayo dito...Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak na i blackmail sya. At hindi ko naman talaga ugali ang mag kwento ng mga bagay na walang kinalaman sa akin. In short hindi ako Marites. At wala akong time sa mga ganun. Mahalaga sa akin ang oras. Ayokong sayangin lang ang oras ko pakikipag chismisan. Kaya lang ay sa nakikita kong itsura nya ngayon, Halatang hindi nya talaga gustong malaman ng pamilya na ang ginagawa nya. Pinigilan ko na lang ang matawa sa nakikita kong takot sa mukha nyang maganda.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...