EP.44__FAMILY MEETING

49 5 0
                                    

@SUNNY

      Bukod sa pagkakasakit ng Lolo Top ay wala na akong ibang makitang rason sa biglaang pagpapatawag nya ng meeting sa buong pamilya.Wala din naman akong problema tungkol sa mga girls ngayon dahil sa sobrang pagka busy ko sa shop na malapit ng i launch sa madla next week.

"May idea kaba bakit tayo pinatawag Kuya Zol? May nagawa ka bang palpak sa trabaho mo sa kumpanya?...

"Wala din akong idea sa emergency meeting na ito. Infact, kinakabahan nga ako sa kalalabasan ng pag uusapan natin eh. Sa malamang nyan, Tungkol na naman sa LOVELIFE ang topic. Nakakasira ng mood kapag ganyan ang usapan.__Kuya Zol

"Siguro nga ay about sa Lovelife nyong dalawa ang topic later.
Kayo lang namang dalawa palage ang inaasahan nilang mauunang magpakasal sa ating apat eh.hahahaha.__Zabby

"Pwede bang wag mo ng dagdagan pa ang pang aasar Zabby. Eto na nga at hindi ko na alam kung anong paliwanag na naman ang sasabihin ko kapag nagkataon eh. Pasalamat ka nalang at hindi kayo masyadong pini pressure ni Heaven na mauna ng magpakasal at magka anak.__Kuya Zol

Nagkatinginan na lang kami ni Kuya Zol habang si Zabby naman ay pigil ang tawang kasabay naming naglalakad papunta sa meeting room. (FORBES PARK, PAMINTUAN MANSION)

" Magandang Araw mga anak at mga Apo.
Pasensya na kayo sa biglaang pagpapatawag ko ng meeting sa inyo. Alam nyo naman ang sitwasyon ko ngayon, At hindi natin alam kung kelan tayo kukunin. Kaya naman gusto ko sanang makita kayong lahat na malusog at masaya lang palage__Lolo Top.

"Hey there Grand Pops, How are you po? I do really miss you na talaga, Kayo ni Lola Pretty. Kelan ka po ba papasyal dito. Gusto na po kitang makalaro ulit sa golf Lolo!__Zabby

"Malapit na Apo. Kaya mag practice kana ng magpractice sa pag go golf para naman matalo mo na ko kahit minsan lang .Hahahaha.Teka, Nasaan na ba yung dalawang gwapo kong APO, ZOLENN AT SUNNY ano na?__Lolo Top.

"Hey Grand Pop, How you doin? Wow naman, Ang sweet sweet nyo pa din talaga si Lola Pretty. Kayo na talaga ang THE MOST SWEETEST  COUPLE ever.I miss you both guys!...

"Hello Everyone! Miss na Miss na namin kayo dyan.
Mabuti naman at lahat kayo ay kumpleto ngayon. Pero today, Hahayaan ko na muna ang LOLO nyo ang magsalita, Makikinig lang muna ako sa inyo. __Lola Dess

"Lolo Top,Lola Pretty... Kamusta po? Miss na miss na din po namin kayo. Wag po kayong mag alala,
Bibisitahin po namin kayo dyan ASAP kaya dapat magpalakas kayo ng husto.__Daddy Cloud.

"Syanga po Lolo Top, Palakas po kayo para pagpasyal po namin dyan, Makapag golf po tayo.__Tita Saint.

"Naku wag kayong mag alala sa akin. Malakas pa ko sa kalabaw. Kapag papasyal kayo dito, Siguraduhin nyo lang na nagawa nyo na dyan in advance ang mga trabaho nyo.
Ayokong mababalitaan na pi petiks petiks lang kayo sa mga kumpanyang hawak nyo. Sa inyo nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga pamilyang nagta trabaho para sa kumpanya natin.__Lolo Top

"Noted po yan Daddy! Ako po ang bahalang mag pa alala palagi sa kanila ng mga trabaho nila. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano, Dahil bilang panganay nyong anak ako na ang bahala sa mga negosyo natin. Katuwang ko si Gucci sa lahat kaya siguradong hinding hindi mapapabayaan ang kumpanya.__Lolo Skyler

"Aba dapat lang! Speaking of mga negosyo. Ayun nga pala ang dahilan kaya ako nagpatawag ng biglaan meeting sa inyong lahat. Tungkol ba dun  sa hatiian nyo ng mana. May mga ilang bagay kasi akong gustong ipadagdag. Gucci anak, Nagawa mo na ba yung pinagagawa ko?__Lolo Top

"Yes po Daddy, Tapos na tapos na po sya. Pero sigurado ka po ba na hindi na natin need ng attorneys para dun?__Lolo tito Gucci

"Hindi na kailangan. Minor problem lang naman yun at alam kong kayang kaya nyo ng masolusyunan. Ang kailangan ko lang ngayon ay makausap yung mga APO kong maiiwanan. Si Heaven ba nakontak  nyo na?__Lolo Top

"Im here na po Lolo. I miss you so much. Kayo po ni Lola Pretty.Kamusta na po ang pakiramdam nyo?  I love you both so much po.Dadaan ako dyan after ng sem break ko. I wanna spend time with the both of you po. Gusto ko po kayong isakay sa chopper na ako mismo ang magpi piloto. Pasensya na po kung di ako madalas makatawag.
Medyo busy  lang talaga lalo na this month.__Heaven

Since nasa Madrid, Naka video call lang kami sa kanya ngayon kagaya nina Lolo Top at Lola Dess. Inilabas na nga ni Lolo Gucci ang papeles mula sa attache case nya na palagi nyang bitbit kahit saan sya magpunta. At ang nakasulat sa dagdag na last will ng Lolo TOP...

" What the fudge... Ano na naman kaya ang biglang pumasok sa isip ng Lolo Pops at bigla nyang isinama sa last will nya ang tungkol sa PAGPAPAKASAL? Sino namang nasa hustong katinuan ang kayang makapag pakasal this year sa ating apat ng agad agad diba?

"Kumalma ka Sunny. Kung tutuusin, Hindi naman ganun ka bigat ang hinihiling ng mahal nating si Lolo TOP eh. Normal na lang yun sa mga kagaya nating tagapagmana.Alam nyo dapat sa sarili nyo yan.Kaya nga lang ay hindi kasi tayo sinanay at pinalaki ng ganun ka strict unlike other families. As far as Im concerned, Mas lamang yung pagiging spoiler ng mga parents natin compare sa mga kaibigan kong mga tagapagmana din. As in hindi talaga sila papayagang hindi kasing yaman at kasing ELITE na kagaya natin ang mapapangasawa nila. Nagbabayad pa sila ng mga hired killer para ipapatay yung taong gusto ng mga anak nila lalo na kapag mahirap lang ang mga ito.__Heaven

"Well tama naman si Heaven dun. May mga friends din akong ganyan. Takang taka nga sila kung bakit hindi daw ganun ka strict ang mga parents natin pagdating sa Lovelife natin. Sabi ko na lang, Cool and modern family kasi tayo kaya hindi nakikialam ang parents natin sa mga lovelife natin. So papano, Ano bang plano nyong dalawa?__Zabby

"Teka bakit kami lang, Kasali din naman kayo sa kailangang mag asawa na at magkaroon ng anak bago matapos ang taon ah? Haaaaist! Bakit ba kasi may ganun pang kasunduan...

"Kasali nga sila pero hindi mo ba naiisip na mas para sa atin naka focus yung family natin ha Sunny? Ikaw at ako ang gusto talaga nilang makapag asawa na sa lalong madaling panahon. Pero paano, Gustuhin ko man silang sundin, Pero wala naman akong time para maghanap ng mapapangasawa.Wala pa sya ngayon sa priority ko.__Kuya Zol

"Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Naturingang pinaka bunso pero mas malakas ang pressure sa akin bilang ako ang pinaka mahihirapan sa lahat. Papano ba ko makakahanap ng mapapangasawa kaagad agad nyan kung hindi ko pa naranasang mainlove?....

Umuwi ako sa condo ng nakatulala.Hindi ko pa din makalimutan ang huling habilin ng Lolo Top na...

"PARA SA AKING MGA APO NA NASA TAMANG EDAD NA PARA MAGSIPAG ASAWA, HILING KO SANANG BAGO PA AKO MAWALA AT KUNIN NG POONG MAY KAPAL AY MASAKSIHAN KO KAHIT ISA SA INYO ANG  MAKAPAGPAKASAL AT MAGKAANAK SA LALONG MADALING PANAHON.KALAKIP NG HULING KAHILINGAN NA ITO AY ANG PINAKA IINGATAN KONG DYAMANTE NA NAGKAKAHALAGA NG MAY ISANG DAANG MILYONG PISO"__LOLO TOP






(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon