@Sunny V.
Sa simula pa lang ng pagkanta ni Ellena ay may kakaibang damdamin na ang pumukaw sa akin. Damdaming di ko maipaliwanag. At kung bakit sa mga oras na ito ay hindi ko tuloy mapigilang mangilid ang luha kasabay na din ng pag alala ko sa aking LOLO TOP. "Dance with my Father " kasi ang ni request ni Tita Saint na kantahin ni Ellen sa ikalawang pagkanta nya. Buti na lang at wala pang masyadong nakaka alam sa kalagayan ng Lolo Top kundi ang buong pamilya at malalapit na kaibigan lang kaya naman hindi naging ganun ka lungkot ang buong venue.
"Brad, Ayos pala talagang kumanta yang si Miss Cutie eh. Mala anghel nga ang boses. Kamuntikan na kong mapaiyak eh. Hindi lang pala galing sa pagde deliver magaling yang si Miss Elena kundi maging sa pagkanta. Dapat nag artista na lang sya eh.__Prince
" Pwede! Tapos ikaw ang manager nya.Hahahaha.Pero infairness, May boses talaga sya. Talented nga yang si Miss Cutie bukod sa madiskarte at masipag pa. Siguradong hindi magugutom ang magiging asawat anak nya kung sakali.
Pero guys bago pa tayo makalimot. Yung mga wine nga pala na nasa kotse ko pa, sandali at ipalalabas ko na muna.__Regie"Bilisan mo na at magsisimula na tayo sa pinaka main part ng event.The fashion show. Teka sandali at kakausapin ko na muna din yung organizer kung okey na sila at walang problema. Babalik ako kaagad.__Prince.
Habang nakaupo akong mag isa lang sa mesa ay hindi ko maiwasang mapagawi ang tingin sa pwesto kung saan nandun si Elena. Kasama nya at masayang kakwentuhan ang kapatid ko at mga pinsan.At ilang sandali pa nga ay nagtama ang aming mga mata.Muli ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang pagkabog ng dibdib.
"Congrats dito sa new business mo my friend. Pasensya kana at na late kami ng bahagya. Alam mo na, Mula pa kami sa Zambalez.__Miggy
Kaklase ko sya nung elementary at ang pamilya nya ang may ari ng may 30 branches ng RAMEN HOUSE dito sa buong Pilipinas." Salamat at nakarating kayo guys! Grabe hindi ko ini expect na pupunta kayo. Tamang tama lang ang dating nyo kasi ngayon pa lang ang start ng fashion show. Just enjoy the show lang guys...
"Excited na nga akong makita yung mga deni- sign mong damit Brad. Ang kwento sa akin ni Zabby, Lahat daw halos ng mga damit na irarampa nila ngayon ay ikaw ang personal na nag design.__Tanya (Bff sya ni Zabby at GF ni Miggy)
"Hello guys! Welcome to our new home. Kamusta ang byahe nyo? Bakit hindi nyo yata kasama sina Poy at Jayler?__Reggie
"Congrats mga Brad! Grabe ibang level na kayo. Mga CEO na talaga. Hindi nga pala makakapunta yung dalawa dahil may mga naka schedule na silang ka meeting bago pa lang i launch itong business nyo. Babawi na lang daw sila next time.__Miggy
"Siguradong tungkol na naman sa ISKOLER yun. Alam mo naman yung pinsan ko na yun masyadong dedicated sa foundation nya. Kaunting push pa at siguardong pa BAYANI na ang level ng katauhan nya.__Regie
"Hahahaha. Mabuti pa yung pinsan mo na yun at masyadong matulungin sa kapwa. Malayong malayo sayo na puro alak lang ang ini invest at pinagkaka abalahan palage.__Prince
" Nandun pala sa kabilang table sina Zabby eh. Sino nga yung kausap nilang girl?__Tanya.
"Ahh si Elena yun. Sya yung singer na ininvite ng Mommy Saint nila. Paborito kasi nilang singer yan eh.__Regie
"Ganun ba, Ang talented nya naman. At mukhang masayahin ah. Tawa sila ng tawa dun sa mesa eh.__Miggy
"Guys later na tayo ulit mag usap at magsisimula na yung show. Maiksi lang yung time kaya mabilis lang ang gagawin nilang pagrampa.__Prince
Halos tumagal lang ng 30 mins yung fashion show at saka kami muling tinawag sa harapan para magpasalamat at mag bow. Matapos ang kainan ay isa isa na ding nagpaalam ang mga bisita.Hinanap ng mga mata ko si Ellena pero wala na sya sa pwesto nya kanina.
"Sino bang hinahanap mo dyan at kanina kapa palinga linga ha Sunny? Paalis na din kami anak, Sabay sabay na kami ng mga Lola at Lolo nyo. Congratulation uli anak, Proud na proud kaming lahat sayo Lalo na kami ng Daddy mo.__Mommy MJ
"Salamat Mommy.Ingat po kayo sa pag uwi. Magsi celebrate pa po kaming magkakaibigan after this kaya baka hindi ako makauwi sa mansyon tonight. Kasama din namin sina Kuya Zol at Zabby. Si Heaven lang ang hindi dahil gusto nya daw makapag rest ng maaga...
"Sunny Tara na! Sabay sabay na daw tayo papunta ng talyer.__Prince
"Sige mauna na kayo at susunod na lang ako. May dadanan lang ako saglit...
"Brad ayos ka lang ba? Napapansin kong parang wala ka yata masyado sa focus ngayon. Dahil ba yan sa Lolo Top nyo or may iba ka pang iniisip?__Reggie
"Wag nyo na lang muna akong pansinin brad. Mayroon lang akong inisip pero hindi tungkol kay Lolo Top. Ewan ko, Medyo naguguluhan pa kasi ako. Pero once na makumpirma ko, Saka ko sasabihin sa inyo ni Prince...
Imbis na mag kotse ay minabuti kong mag motor na lang.
Kakaibang adrenalin kasi ang nararamdaman kapag nasa motor ka. Mas dama mo yung hangin. Baka sakaling maisama sa paglipad nito ang agam agam na bumabalot sa isipan ko."Ang yabang yabang mo kasi bata. Wala ka naman palang ibubuga. Anong pakialam namin kung di sayo itong motor ha. Trip ka naming paglaruan eh, Kaya mo ba kami ha?__Lalaking naka leather jacket.
"Hindi ko naman kayo inaano ah. Kayo nga itong naunang dumikit sa akin eh. Sinabi ko namang hindi ako mayaman para pagtripan nyo Wala kayong mapapala sa akin.__Binatilyo
"Sandali lang mga brad,May problema ba tayo?...
"Wag kang makialam dito Miss kung ayaw mong madamay.
Baka gusto mo namang ikaw ang pagtripan namin?
Umalis ka na lang dito at baka masipa pa kita dyan.__May katabaang lalaki"Pero mali namang pagtulungan nyo yung tao. Kung mangti trip kayo, Kayo kayo na lang wag na kayong mang damay.Ang yayabang nyo lang kasi madami kayo...
"Sira ulo kang babae ka ah! Gusto mo talagang madamay! Sige pagbibigyan ka namin. Halika dito.__Lalaking payat.
Hindi pa sya nakakalapit sa akin ay mabilis ko na syang sinipa sa mukha. Mabuti na lang at payat sya kaya madali ko syang napatumba.Sumunod namang sumugod sa akin yung naka leather jacket pero mabilis kong nailagan yung suntok nya.Maagap namang rumesponde yung mga pulis na tinawag ko kaya wala masyadong paglalabanan na naganap.
"Salamat po Miss sa pagtulong mo sa akin ha. Pero teka lang, Parang natatandaan kita. Hindi bat ikaw yung babae sa may Mall, yung anak nung may ari ng CK Mall?__Binatilyo
"Teka, Ikaw yung kapatid ni Miss Delivery...I mean ni Miss Elena right? Just call me Sunnny na lang. San nga pala ang bahay nyo, Ihahatid na kita. Mas okey kung ihahatid kita para makasiguro ako na ligtas kang makaka uwi...
"Salamat Ate Sunny pero okey lang ba na wag na nating sabhin pa kay Ate Elle ang nangyari? Ayoko na kasing makadagdag pa sa alalahanin nya. Masyado na syang madaming inisip. Naaawa na ko sa kanya dahil wala na syang halos naitutulog para lang kumita.__Elvis
"Wag kang mag alala Elvis, Hindi ko sasabihin sa ate mo ang nangyari. Pero ihahatid pa din kita. Tungkol naman dun sa motor mo, Ako ng bahala magpa ayos. May kilala akong magaling mag repair at hindi naman mahal sumingil...
"Salamat Ate Sunny, Hulog ka ng langit sa akin. Iba talaga kapag may kakilalang mayaman. Sana mas maging close pa tayo ate Sunny__Elvis
Ngumiti at tumango naman ako sa kanya at saka sya sumakay na sa motor ko.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...