@SUNNY
Bukod sa mga grumaduate na scholar ng SDU, Media personalities at matataas na taong nandito ngayon sa Zanya's, May mangilan ngilan din mga sikat na celebrity ang namataan kong nasa venue.Isa na dito si CLAUDIA BENITEZ. Sya yung sikat na teen actress sa isang sikat na tv station na ubod ng bitter dahil di nya matanggap na hindi ko talaga sya type at hindi ko gustong maging gf.
"Hello there Sunny V. Ang pinaka babaerong tibo sa buong bansa. Kamusta naman yung girl na pinagpalit mo sa akin ha, Dinispatsa mo na din ba kaagad gaya ng ginawa mo sa akin?__Claudia
"Claudia! Long time no see... Nice to see you here. Mukhang masyado kana yatang madaming nainum ah...
"Wag mo ngang kong ma nice to see you here dyan! Alam ko namang ayaw na ayaw mo kong makita diba? Wag kang mag alala, hindi pa ko lasing. Kayang kaya pa kitang sabayan.__Claudia.
"Pasensya kana Claudia pero meron kasi akong mga kasama ngayon kaya hindi kita mai entertain. Dun na muna kami sa VIP room at maiwan kana namin dito...
"Stop! How dare you leave me like that. Hindi pa tayo tapos mag usap. Wag kang bastos Sunny. Hindi porke Villareal ka, magagawa mo na ang lahat ng ayon sa gusto mo. __Claudia
Hihilahin na sana sya ng mga bodyguards ko palabas pero sinenyasan ko silang ako ng bahala sa kanya. Bahagya ko syang hinawakan sa braso nya at saka hinila sa isang sulok.
Mahina naman ang paghatak ko sa kanya at sinigurado ko namang hindi sya nasaktan sa paghawak ko."Pwede ba Claudia, Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo? Kundi lang sa amin ang restaurant ito, Siguradong bukas na bukas din ay wala ka ng karir dahil dyan sa pinag gagagawa mo. I told you that I will NEVER EVER like you. Walang tayo at never na magiging tayo. As in Never!...
"Sunny please..Give me a chance. Ayokong mawala ka sa akin. Hindi ko kaya. Wala akong pakialam sa karir ko, Ang mahalaga sa akin ay ikaw. Please naman Sunny, Mahalin mo na ko.__Claudia
"Im so Sorry Claudia pero hindi talaga kita gusto from the start. Ikaw lang naman ang nagpilit na makipagkita at makipag close sa akin eh. Hindi talaga kita gusto kaya pasensya na talaga...
"Bakit Sunny? Anong meron sila na wala ako? Sikat ako at pinagpapantasyahan ng lahat, Pero bakit kahit kaunting pagmamahal ay hindi mo kayang ibigay sa akin?__Claudia
"Dahil may iba akong minamahal. In fact, Sya nga yung inaantay ko ngayon kaya ako nandito eh. Look Claudia, Im sorry kung hindi ko talaga maturuan ang puso ko na mahalin ka. Siguro nga kasi ay iisang tao lang ang nagma may ari netong puso ko mula pa nuon. Tamang tama dahil ayan na pala sya eh...
Sakto namang papasok ng entrance ng Zanya's si ELLENA aka Delivery girl. Mabilis ko syang nilapitan at saka inakbayan. Sinenyasan ko na lang ang mga kapatid nya na wag maingay at saka sila dinala sa isang bakanteng mesa sa di kalayuan.Wala namang kamalay malay ang Nanay nila sa nangyayari. Maging si Elle ay takang taka sa ginawa kong pag akbay sa kanya.
"Napaka sama mo Sunny! Pina asa mo lang ako. Tandaan mo ang araw na ito. Ito na ang huling araw na iiyakan kita.
Magsama kayo ng babae mo! __Claudia."Bakit ano bang nangyayari mga anak? Bakit parang may nag aaway yata?__Nanay ni Ellena
"Wala ho iyun Nay. May nag shooting lang po kanina. Maupo na po tayo. Syanga po pala Nay, May kasama po tayo ngayon dito sa table. Si Boss Sunny po. Sya yung president ng foundation na madalas naming kausap kapag may mga meeting kami.__Brother ni Ellen
"Magandang gabi po Ma'am. Pasensya na po kayo sa abala.
Actually po, Lahat ng mga grumaduate na scholar ngayong gabi ay isa isa kong kinakamayan at kino congratulate. Tamang tama naman po na kayo ang pinaka unang dumating kaya sana po ay mag enjoy kayo tonight...."Ganun ba. Naku wala kang dapat alalahanin Boss.Kami nga ang dapat na magpasalamat sa inyo sampu ng pamilya mo sa pagtulong sa mga kagaya naming kapos. Lalong lalo na sa dalawa kong anak na sina Elliot at Elmo. Napaka laking tulong sa amin ng foundation nyo. Maraming Salamat po.__Nanay ni Ellena
"Good Evening po Boss Sunny. Ako po si Elliot Marasigan ng MMA. Culinary arts po ang course ko.Gaya po ng kuya Elmo ko, Madalas ko din po kayong nakikita sa Foundation kapag may mga gatherings at meetings.__Elliot.
"Pasensya na talaga guys ha, Mag enjoy lang kayo at ako ng bahala sa lahat ng oorderin nyo.Nice meeting you all. Sige po Ma'am Marasigan, Lilipat naman po ako sa ibang mesa...
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng staff room at saka napahawak sa ulo ko.Sa totoo lang, Kanina pa ko nagtitimpi sa babaeng yun at gusto ko na talaga syang ipakaladkad sana sa mga bodyguards ko pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.Ilang sandali pa ay kinatok na ko ng secretary ni Mommy para lumabas na daw ako ng room.
"Anong kalokohan yung ginawa mo kanina ha? Bakit mo ko inakbayan at ipinakilalang nobya mo dun sa harap ng madaming tao at dun sa babaeng artista? Hindi mo ba naisip ang gulong pinasok mo ha? Ang daming mga kumuha ng picture natin na magka akbay. At bakit pati nga inosenteng tao gaya ng Nanay ko at mga kapatid ko, Dinamay mo din?..__ELLEN
"Look Im sorry okey? Hindi ko naman yun sinasadya. Wala akong choice since ikaw yung unang babae na pumasok dun sa entrance. At hindi ko gustong idamay ang family mo sa nangyari. Wag kang mag alala, Walang makakalabas na kahit isang picture sa media.I'll make sure of that...
"Walang makakalabas? Sigurado ka? Alam mo kung gano kabilis kumalat ngayon ang mga videos and pictures sa social media. Lalo pa at sikat na celebrity yung babaeng niloko mo. Ganyan ba talaga kayong mayayaman, Basta ganun ganun nyo lang pasakayin at paglaruan ang mga babae? At ganun ganun mo lang din akong gamitin para pagtakpan yang pagiging babaero mo? Hindi kaba marunong mahiya?__Ellena
"Teka teka naman Miss. Bakit ganyan ka naman magsalita? Hindi mo naman ako ganun kakilala para pagsalitaan mo ng ganyan. Saka humingi naman ako ng paumanhin sayo kaagad hindi ba? Bakit sobra ka naman yata makapagsalita...
"Tama lang naman yung sinabi ni Miss Ellena sayo Sunny.
Totoo naman kasing hindi ka talaga marunong mahiya. Ang hirap sayo, Kung makapanakit ka ng mga babae, Ganun ganun na lang.Tao din kami brother, Nasasaktan.__Heaven"Heaven ano ba, Pati ba naman ikaw? Wag ka ng makisali dito. Dinadagdagan mo lang lalo ang problema eh. Look here Miss Ellena, Kung ano man yung damage na nagawa ko, Humihingi nga kasi ako ng paumanhin. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Pasensya na...
"Ito na ang huling beses na magkikita tayo. Sa susunod na makasalubong kita sa kalsada, baka banggain na lang kita ng motor ko bigla ng matauhan ka. Basta siguraduhin mo lang na hindi madadamay ang pamilya ko sa gulong dinulot mo sa amin ngayong gabi.__Ellena
Hindi na ko nagpaalam pa kina Mom and Dad at sa likod na ko ng resto dumaan. Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko paalis ng Zanyas.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomansTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...