EP.47 ONE NIGHT STAND

37 3 0
                                    

@ELLENA

        Muntik akong mapasigaw ng pag mulat ko ay mukha ni SUNNY V ang nasa harapan ko. Saka ko biglang naalala ang nangyari kagabi. Pareho kaming lasing na lasing at halos hindi na namin parehas matandaan kung papano at sino ang nagdala sa amin dito.Dahan dahan akong bumangon mula sa kama habang mahimbing na natutulog si SUNNY.
Ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan at aaminin kong sobra akong humanga sa taglay nyang ganda.Makinis na makinis ang kanyang mukha na kahit minsan yata ay hindi tinubuan ng kahit maliit na tigyawat. Mapula din ang kanyang manipis labi at mayroong malalantik na pilik mata.

" Elena..Elena. Magtigil ka! Hindi ang kagaya mo lang ang gugustuhin ng isang SUNNY VILLAREAL. Wag kang umasa na pagkatapos ng mga nangyari kagabi ay pananagutan nya ang lahat. It's just a simple ONE NIGHT STAND.

"Ate ayos ka lang ba? Bakit ba kanina kapa salita ng salita mag isa habang naglalaba? Wag mong sabihing nagpa praktis ka din mga linya mo, Sa pagkaka alam ko kasi ako lang ang kasali sa play namin sa school.__Elvis

"Wag mo nga akong pinapansin. Mag praktis kana lang dyan.Kinakausap ko nga ang sarili ko bakit,May angal ka?
Yung sinaing ba na pinababantayan ko sayo, Nagawa mo na?...

"Ate naman, Sa rice cooker ka kaya nagsaing papano ko pa babantayan yun? Teka nga pala Ate Elle, Matanong lang kita ha. San ka natulog kagabi? Bumangon ako para umihi pero hindi kita nakita sa tabi ni Nanay.__Elvis

"Hah? Syempre sa kwarto ako natulog. Itanong mo pa kay Nanay. Medyo na late lang ako ng uwi dahil isinama ako ni Lea sa Bar nung kaibigan nung fiance nya...

"Fiance... Ni Ate Lea kamo? Teka diba sabi mo Lesbian yung Jowa nya. Papanong naging fiance yun?__Elvis

"Elvis ikaw talaga, Marites ka ng taon! Bakit ba ang dami mong tanong ha? Umalis ka na nga sa harapan ko ng makatapos na ko dito sa labahan ko...

"Bakit kasi may washing machine naman pero dyan ka pa din naglalaba. Pinapahirapan mo lang yang sarili mo. Balak pa naman kitang bilhan ng otomatik na washing machine pag kumikita na ko sa pag aartista.__Elvis

"Hahahha. Pambihira talaga itong anak ko. Hindi kapa nga nakakapasa sa audition,Nagbibilang ka na agad ng mga bibilhin. Pumasok kana dine sa loob at wag mo ng kinukulit ang ate mo.__Nanay

"Nanay talaga, Walang bilib sa akin. Basta mag antay lang kayo.Darating din ang panahon na magiging maginhawa din ang buhay natin.__Elvis

"Bago ka mangarap ng gising dyan Elvis, Ligpitin mo na muna yung kama mo. Ang aga aga puro ka kwento.__Elmo

"Buti nga sayo Kuya Elvis.hahahaha. Magligpit kana muna kasi bago ka mag ingay. Nay, Ate... May good news nga po pala ako sa inyo. Isa sa mga napili sa contest yung resipe ko. At baka next week, Isa ako sa mapiling kalahok sa cooking battle ng School namin.__Elliot

"Wow naman Congrats anak! Ang galing galing mo talagang bata ka. Masayang masaya ako para sayo anak ko._Nanay

"Congrats Bunso. Dahil magaling ka, May regalo ka sa akin sa unang sweldo ko.__Elmo

"Ayos yan Bunso, May bago ka na namang recipe. Makaka kain na naman tayo ng kakaibang putahe nyan. Congrats sayo bro, Manang mana ka talaga sa akin.ahahahaha.__Elvis

"Kelan ba namin matitikman yang bagong recipe mo Bunso,
Baka naman kapag natikman at nadiskubre na ng mga taga Montenegro yang pagkaing inimbento mo saka mo lang sa amin ipatitikim yan.__Elmo

"Wag kayong mag alala guys,Kapag nakapasa na ko sa last round nung pa contest nila, Kayo ang unang una kong ipagluluto nun syempre. Sa ngayon, Eto na munang sinangag at tuyo ang almusalin nyo okey?__Elliot

"Ahahahaha. Tamang tama at tapos na din akong maglaba. Mamaya ko na lang issampay pagkatapos kumain. Ay syanga po pala Nay,Idagdag nyo na ito sa pambili nyo ng gamot. Nakatanggap po kasi ako kahapon ng malaking Tip dun sa raket na pinasukan ko kaya may sobra akong perang naitabi...

"Naku anak, Wag mo kong alalahanin. Mayroon pa akong pera na naitatabi. Ikaw naman ang unahin mo at wag palaging kami. Maanong bumili ka manlang ng bagong damit o di kaya naman ay bagong lipstick. Para naman hindi ka mapagkamalang matandang dalaga.__Nanay sabay tawa.

"Nanay talaga. Hindi pa naman ako ganung katanda tignan. Fresh pa din naman ako kahit hindi naka make up. Kahit itanong nyo pa sa mga kapatid ko. Diba guys?...

"May point ka naman sa sinabi mo Nanay. Hindi na nga talaga mukhang bata tignan si Ate Elle. Walang kadating dating. Papano naman kasi ay luma at kupas na ang mga sinusuot nyang mga damit. Tapos palagi pang walang ayos. Ni pulbo yata hindi nasasayaran ang mukha eh.__ELVIS

"Hahahhaha. Loko ka talaga Elvis. Ginatungan mo pa si Nanay sa pang aalaska kay Ate Elle.  Actually, Maganda ka naman talaga Ate eh. Kulang nga lang sa ayos at saka sa kaunting bihis. Hindi ka naman din mataba at lalong hindi naman patpatin. Sakto lang kumbaga.__ELMO

"Wag mo silang pansinin ate Elle. Mga basher talaga yang mga nyan eh. Para sa akin, Maganda ka at mukhang bata ka pa din sa edad mo. At higit sa lahat sobrang bait pa. __ELLIOT

"Naks naman Bunso, Ang sarap naman pakinggan nun.
May balato ka sa akin mamaya pag kumita ako sa raket ko. Kita nyo na Nay, Sabi na sa inyo hindi pa ko mukhang oldmaid eh. Wag kang mag alala Nanay, Kapag naka singil na ko dun sa perang ipina utang ko kay Aling Tasing,Bibili ako ng bagong blouse at saka lipstick. Para naman hindi mo sabihing nakakalimutan ko na ang sarili ko...

"Anak, Hindi ko naman sinasabi yun sayo para pulaan ka. Ang gusto ko lang naman ay unahin mo din minsan yang sarili mo. Pasensya kana sa nasabi ko. Ayoko lang kasi na hindi mo ma enjoy ang kabataan mo dahil sa palagi mong pag aalala sa akin at sa mga kapatid mo.  Kung ano ang gusto mong gawin at mangyari sa buhay mo anak, Hindi ako tututol at hahadlang. Dahil alam kong hindi ka gagawa ng maling desisyon at hindi papasok sa isang sitwasyon na hindi mo gusto. Wala akong hangad kundi ang maging maligaya ka.__Nanay

"Ang aga aga naman nating mag drama Nanay. Pero salamat po sa pagtitiwala at pagmamahal. Kahit na po anong hirap, hindi ko susukuan para po sa ating pamilya. Tungkol naman po palagi nyong kinukulit sa akin na pakikipag nobyo. Hayaan nyo po Nay, Kapag nakita ko na yung taong yun. Kayo ang unang una kong pagsasabihan...

"Ayun oh! Mukha pumapag ibig na si Ate Elle ah. Parang may kung anong ningning sa mga mata nya pagkasabi nya ng salitang NOBYO. Basta Ate Elle ha, Dapat makilatis muna namin yang taong yan bago mo sagutin. Mahirap ng maloko lalo pa at madaming salawahan ngayon.__ELVIS

"Kuya Elvis talaga. Hindi pa nga nagkaka NOBYO inuunahan mo na kaaagad ng negative vibe. Kayang kaya ni Ate Elle yan. Tamang back up lang tayo.__ELLIOT

Masaya naming pinagsaluhan ang simpleng almusal at pagkatapos ay nagkanya kanya na kaming gumayak para sa pagpasok. Habang si Nanay naman ay nakaupo na sa kanyang paboritong upuan malapit sa may bintana









(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon