EP10__MY PRECIOUS FAMILY

65 8 1
                                    

@Sunny

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

@Sunny

Ngayong araw ang IKA WALUMPU'T  LIMANG KAARAWAN ng aking pinakamamahal na si LOLO GD.At bilang pinaka bunso sa apat nyang Apo sa tuhod ay masasabi kong ako ang pinaka paborito nya.Ganun din naman sa partido nina Daddy CLOUD,dahil ako din ang bunso sa mga apo ni GRANIE TOP.

"Cloud apo,Naipadala mo na ba sa bff ko yung regalo ko para sa kanya.Baka naman hindi na naman yun maidating sa tamang oras gaya nung last na inutusan kita.__Lolo TOP.

"Yes po Lolo Top,Naipadala ko na po sya. Katatawag lang ni Zoie sa akin.Gustong gusto daw po ni Lolo GD yung regalo nyong painting sa kanya.__Daddy Cloud.

"Daddy talaga,Masyadong excited. Baka mamaya nyan pagdating natin sa mansion ng mga Villareal ayan kaagad ang bungad na tanong mo ha.__Lolo SKYLER.

"Ano bang masama dun.Natural lang sa kagaya kong may edad na ang maging mausisa. Madami na kong nakakalimutan sa mga nangyari sa nakaraan ko kaya madalas akong magtanong.
Gaya ngayon,Ano nga bang nangyari sa Lola pretty(DESS) nyo at bakit wala pa sya hanggang ngayon?__LOLO TOP

"Grandpa,Nag punta lang po saglit sila Lola pretty sa SALON with Momshie Martha and Mommy MJ. Pabalik na po sila kaya wag na po kayong mainip.For sure miss nyo na kaagad ang Lolo Pretty ano po?__AKO

Aaminin kong mas malapit ako sa partido ng Daddy ko kaysa sa partido ng Mommy. Nakalakihan na kasi naming magkapatid na palagi naming kasalo sa mahahalagang okasyon ang pamilya ng PAMINTUAN kumpara sa VILLAREAL family na sa side naman ng Mommy MJ ko.

After kasi nung matagpuan nila LOLO SKYLER at LOLA MARTHA ang Daddy CLOUD ng halos Labing syam na taong pagkawala, Hindi na nila ito inalis pa sa paningin nila. Kaya ng maging mag asawa sina Daddy at Mommy, Dito na din sa KINGSVILLE nagpasyang tumira sina Lolo SKYLER and LOLA MARTHA.

"Aba syempre,Miss ko agad ang LOLA PRETTY mo apo.Talaga namang hindi kumpleto ang araw ko ng di ko sya nakikita.
Alam mo kasi apo,Grabe ang pagmamahal sa akin nyang LOLA mo nuon pa man.Kahit napaka raming babae na naghahabol sa akin hindi pumayag ang Lolo pretty mo na maagaw nila ako sa kanya.__Lolo TOP

"Hahahahha Daddy talaga,Ikukwento mo na naman na madami kang chicks nuong araw.Alam na ng apo mo yun,Kaya nga idol ka daw nya.Pero yung totoo,Sinong mas madaming chicks sa ating dalawa ha daddy?__Lolo Sky.

"Aba syempre ako! Mas magandang tomboy ako kaysa sayo nung kabataan. San ba kayo magmamana syempre sa akin.Ako ang tunay at nag iisang hearthrob nung panahon ko.__Lolo TOP

"Wala naman kaming kontra dun Lolo dad,Ikaw naman talaga ang nagsimula ng lahat.Pero pasensya na at hindi ko namana yung pagiging hearthrob na yan eh kaya etong anak ko na lang ang nagmana yata.__Daddy Cloud.

"Kaya nga Daddy,Sa palagay ko mas malalampasan pa nitong apo natin yung mga bilang ng babaeng naging EX GIRLFRIEND natin.
Grabe magpalit ito eh,Halos linggo linggo yata iba iba ang kasama!__Lolo SKY.

"Hahahahhaa. Grabe,Hindi naman po sa linggo lingo Lolo SKY.
May umaabot din naman po ng months. Wag nyo nalang pong sabihin kina Lola Pretty at Lola Martha at baka mapingot nila ako
__AKO

"Talagang mapipingot ka namin dahil napaka harot mong bata ka! Ikaw talaga,Ano na naman yung nabalitaan ko na may babae kang dinala sa penthouse? Umayos ka anak,Ayoko pang magka asawa ka ng maaga. Hindi kapa tapos mag aral.__Mommy MJ

"Ang apo ko,Manang mana sa LOLO nyang babaero! Haaay naku naman,Sa dami ng mamanahin,Bakit yun pang ugali na syang sanhi ng maagang pagputi ng buhok ko.__LOLA PRETTY

"Mommy talaga,Wala kong babaeng dinadala sa penthouse!
Mali yung informat mo.Sabi ko naman sayo diba,Ang babaeng dadalhin ko lang dun ay ang babaeng pakakasalan ko.__AKO

"Im so sorry to interupt pero kailangan na nating magsipag handa.Nandyan na ang coaster na sasakyan natin. Kakatawag lang ni Maui and sabi nya na nandun na daw lahat ng mga bisita at tayo na lang ang inaantay.So mamaya na kayo magsipag debate pag uwi natin.__Lola Martha. Gaya ng dati ay cool na cool lang ang dakilang pintor ng pamilya PAMINTUAN.

"Lola Martha,Bakit ang cool cool mo palage? Unlike mommy MJ na palaging naka taas ang kilay sa akin.__AKO

"APO,Mukha lang akong chill pero super stress ako talaga dyan sa LOLO SKY mo dati. Gaya ng Mommy Dess ,Sobra din ang mga babaeng lapit ng lapit dyan sa Lolo Sky mo kaya napaka hirap maging chill. Kaya ikaw,Gayahin mo ang Daddy CLOUD mo na super behave lang. Mommy MJ mo lang ang tanging babae sa buhay nya kaya naman hanggang ngayon ang ganda ganda pa din at ang bata bata tignan ng Mommy mo.__Lola Martha

"Thanks mommy,Mana kasi talaga ko sayo.Loyal at nag iisa lang din si Daddy sa puso mo diba? Saka tignan nyo naman kasi itong asawa ko.Sobrang ganda na,Sobrang brainy pa. Hahanap paba ko ng iba diba?__Daddy. Agad naman silang nag kiss ni Mom kaya napailing na lang ako.

"Sayang at wala dito ngayon si HEAVEN. Bakit ba naman kasi ngayon pa nataon ang exam nya sa Masteral nya eh. Kelan ba ang balik nun from Madrid?__Lola pretty Dess

"Baka po next month pa sya bumalik momshie Dess. Bago mag start ang class nya sa october, mag i stay muna sya dito ng 2 months at saka babalik ulit sa Madrid.__Mommy MJ

"Bakit kasi sa Madrid nyo pa gustong mag MASTERAL yung bata kung uubra naman dito.Hindi na kayo natuto sa nangyari kay CLOUD,Napakahirap kaya ng wala sa piling mo ang iyong anak.
Kung ako lang ang masusunod,Dito ko lang sa Pinas pag aaralin ng apo ko.__Lolo Top

Lahat naman sila ay hindi na naka imik. Malaking dagok kasi sa pamilya PAMINTUAN ang pagkawala nuon ng DADDY kaya halos ayaw na nilang malayo pa sa isa't isa. Kahit na nga ang Mommy MJ na lumaki sa States ay hindi na nagawa pang bumalik ng Amerika mula ng maging asawa nya si Dad.Kaya nga laking gulat ng lahat ng sabihin ni HEAVEN na gusto nyang kumuha ng Masteral sa ibang bansa,Partikular pa sa MADRID kung saan nawala nuon ang Daddy.

"Naku,Bigla tuloy lumungkot ang usapan. Pabayaan nyo na muna si Heaven sa kung anong gusto nya. Malaki din naman ang naging bahagi sa buhay nating lahat ang MADRID. At saka gusto lang din sigurong makapiling ni Heaven ang mga kamag anakan nila duon.Gusto lang din ng batang ma experience yung maging independent.__Lola Pretty.

"Tama! Hayaan na muna natin si Heaven duon.Kapag naman nainip yun at namiss tayo ay babalik dyan yun kaagad.
Speaking of Madrid nga pala Mommy Martha,Na inform kana ba nung secretary ko tungkol dun sa nakabili daw ng isa mong obra na naka display dun sa Manhattan museum?__Daddy Cloud.

"Yes anak,Nakausap ko na yung contact ko sa Manhattan at sinabi ko na yung mapagbebetahan nung painting ko ay ipadala nalang sa bago kong tinayong foundation.Actually,Mas more on Scholarship program yun para sa mga kabataang may mga angking talento pero hindi makapag aral dahil sa kakapusan.__Lola Martha.

Kilala ang Lola Martha sa pagiging matulungin mula pa nuon.
Bukod sa mga tinatag nyang foundation ay may mga scholar din syang sinusuportahan.

Ang " SUNSHINE SCHOLARSHIP PROGRAM" kung saan mayroon itong limang libong mga kabataang Estudyante na pinapag aral ng libre.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon