EP17__HERE COMES THE SUN

58 7 2
                                    


@ELLENA

Hindi nila ako pinaalis hangga't hindi ako kumakanta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nila ako pinaalis hangga't hindi ako kumakanta.Kaya naman kahit walang praktis at biglaan ay hindi na ko naka tanggi pa.Sinabayan pa ng pagtipa ng piyano nung isa sa magandang babae na nakita ko na nuon sa birthday ng BIGBOSS na si Sir GD VILLAREAL.

"Mala anghel talaga ang boses mo iha.Hindi nakaka sawang pakinggan.At itong manok na dala mo,Korean style sya kaya para na din akong bumalik sa lugar na pinagpanganakan ko.__Madam Martha. Ikwento nya sa kasi akin na KOREANO ang tatay nya.

"Pasensya na po kayo,Wala po akong praktis masyado.Biglaan po kasi at wala akong idea na kakanta ako. Salamat po at nagustuhan nyo.__AKO.

"Medyo naguguluhan kaba na hindi sila Lolo GD at Lola Sally ang nandito ngayon? Sa mother side ko kasing partido yun.Eto naman ang side ng Daddy ko. Both parents kasi naming magpipinsan are same lang din. Magkapatid din sila kaya super solid kaming magkaka mag anak. Later on,Makikilala mo din silang lahat.__Miss ZABRINA. Sya yung magandang dalaga na nagpi piyano habang kumakanta ako.

"Zabby,Wala pa ba sina Kuya Zol at si Sunny? Grabe naman mag exercise yun,Ang init init na kaya.__Miss HEAVEN.

"Tinawagan ko na,Naglalakad na daw pabalik. Baka nandyan na yun sa pintuan.Tara salubungin natin. Trip kong asarin ngayon si Bunso eh.__Miss Zabrina.

Naka kunot ang nuo,pawisan at halatang pagod na SUNNY ang sumalubong sa amin pagbukas ni Miss HEAVEN sa pinto.
Sya kasi kaagad ang nabungaran ko kaya nakilala ko sya kahit na iba ang hitsura nya kumpara kapag naka bihis sya.

"Hey,What are you doing here? Papano kang nakapasok dito?
__SUNNY.

"Did you know her bunso? Nag deliver sya ng fried chicken and pinaka kanta sya ni Momshie Martha kaya hindi pa sya kaagad pinauwi.May problema ba?__Miss HEAVEN

"NO! I mean,Theres no big deal. Nagulat lang ako na may ibang tao pala bukod sa atin. Shower na muna ako guys,See you later.__SUNNY

"Pasensya kana dun ha,Sya kasi ang pinaka bunso sa pamilya kaya medyo bratty. Guys,Una na kong pumasok sa loob ha. Nice meeting you again Miss Ellen.__Miss ZOLENN.

Nakakapagtakang kuya ang tawag nilang tatlo kay Miss ZOL samantalang babae din naman sya. At bakit ganun na lang ang reaksyon ni Miss Sunny sa akin pagka kita nya sa akin? Mayroon ba kong masamang nagawa?

Bago pa man ako abutan pa ng pananghalian ay nagpaalam na ko sa pamilya Villareal.Na later on ko lang nalaman na side ng Pamintuan pala.Medyo magulo ang family tree nila pero hindi ko na pinag interesang alamin pa.

"Hello Lea,Napapano ka. Bakit ka umiiyak,Anong nangyari? __AKO

"Hello Elle,Busy kaba? Pwede mo ba kong puntahan dito sa park na madalas nating tinatambayan. Kailangan ko lang ng kausap. Sobrang lungkot ko lang ngayon.__LEA.

"Hindi, hindi ako busy. Papunta na ko dyan. Mga 20 mins lang nandyan na ko. Relax ka lang ha,Wag kang mag isip ng kung ano ano. Mabilis lang ako.__AKO.

"Lea,Ano na.Anong problema? May nangyari ba sayo,Sa baby mo? O sa nanay mo?__AKO

"Elle,huhuhuhu...Bakit ganun. Tuwing magmamahal na lang ba ako,Palagi na lang akong masasaktan. Palagi na lang akong iniiwan?__Lea.

"Tahan na,Hindi mo naman yun kasalanan.Nagkakataon lang na yung taong pinagkakatiwalaan mo ng puso mo ay hindi totoong mahal ka.Pasasaan ba at makakalimutan mo din sila.__AKO

"Akala ko kasi,Nakatagpo na ko ng talagang magmamahal sa akin eh.Yung tanggap kami ng anak ko.Yung palaging nandyan kapag nasa gipit na sitwasyon ako. Pero hindi pala totoo lahat ng ipinakita nya,Dahil mas pinili nya yung isa kaysa sa akin.__LEA

"Kung sino man yung taong yun,Makakarma din sya. Dala dalawa pala kayong pinagsasabay nya.Hindi sya deserving ng pagluha mo Lea,Hindi gawain ng matinong tao ang mamangka sa dalawang ilog.At paglaruan ang puso mo sabay sa huli ay iiwanan ka din pala.__AKO

"Anong gagawin ko Elle,Sa tingin ko mahal ko na talaga sya eh. Mas minahal ko pa sya kaysa sa dating asawa ko.Mas masakit ngayon kaysa nuon.Parang mamamatay na ko kapag nawala sya sa akin.__LEA

"Ano kaba,Wag mong sabihin yan.Papano na lang ang anak mo at ang nanay mo kapag may nangyari sayo. Magpaka tatag ka.
Gawin mong aral at gabay ang mga nangyari sayo para mas lalo kang tumibay.Wag kang magpapatalo lang sa emosyon at maling pagmamahal.Dahil ang tunay na PAG IBIG,hindi MAPANAKIT at hindi MAPANLINLANG.__AKO

"Salamat Elle ha,Sinamahan moko ngayon.Sa totoo lang,Gulong gulo ako kanina talaga eh. Pero after kong madinig yang mga payo mo,Nagising ako bigla eh. May anak nga pala ako at nanay na nag aantay sa akin. Hindi ako dapat sumuko.__LEA

"Mabuti naman at kahit papano ay nabawasan na yang hinanakit sa dibdib mo.Basta kapag kailangan mo ng masasabihan,Tawagan mo lang ako.Handa akong makinig at magpayo.Hindi man ako eksperto sa larangan ng pag ibig, Pero sa dami ng mga pagsubok na dumating sa buhay ko...Pinatatag ako ng panahon at ng mga hirap na pinagdaanan ko.__AKO

"Alam ko,Hindi kapa nga naiinlove.Pero kapag dumating na sya, willing din akong makinig kapag umiyak ka.__Lea

"Grabe sya oh,Iiyak talaga? Parang ayoko na yatang mainlove.
Hahahhaha. Pero maiba ako,Yung ex boyfriend mo nga pala saan mo ba nakilala yun? Diba halos isang buwan pa lang kayo,Tapos ayaw na nya agad sayo ganun ba yun?__AKO

"Nagkakilala lang kasi sa supermarket.Nagkabanggaan yung cart naming dalawa tapos dun na nagsimula. Nag aaral pa sya,graduating pa lang.Nung sinabi ko sa kanya na may baby na ko,Sabi nya walang problema.Then kapag may problema ako lalo na sa pinasyal,Hindi naman sya madamot at agad nya akong binibigyan.Kapag nasa bahay sya,Di naman nagtataka si Nanay dahil pormang babae naman sya eh.__LEA

"Pormang babae meaning...Bakla sya?__AKO

"Hindi sya bading,Lesbian sya.Pero hindi sya yung tipikal na tibo na gupit lalaki at pormang lalaki. Short hair sya pero babae pa din ang itsura nya. Sobrang sweet nya kasi at saka parang totoo naman lahat nung pinakita at pinaramdam nya sa akin eh.Kaya nga na fall ako ng husto sa kanya.__Lea

"Kung totoo yung pinaramdam nya sayo,Bakit hindi ikaw ang pinili nya? Naku,Ganyan talaga ang mga two timer.Bubusugin ka sa materyal na bagay at lalambingin ka.Tapos kapag sawa na sayo,Babush! Isipin mo na lang na di sya kawalan.Madami pang darating na mas higit pa sa kanya.__AKO

"Sana nga makalimutan ko kaagad sya. Haaay grabe,Bakit ba ang malas malas ko naman sa LOVE. Buti kapa,Hindi mo pa nararanasang masaktan. Sana kapag nahanap mo na yung "THE ONE" mo, Mahalin ka nya at wag kang sasaktan.__LEA

Sino ba ang di nangangarap na makatagpo ng THE ONE. Kaya nga lang ay sadyang mailap sa akin ang PAG IBIG.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon