EP1_ ONE FINE DAY

353 8 4
                                    

@SUNNY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

@SUNNY

Masagang almusal ang bumungad sa akin pagka baba ko sa dinning area ng mansyon. Parang palaging may fiesta sa dami ng mga naka haing pagkain sa harapan ng mahabang mesa. Pero ang totoo nyan,Aapat lang kaming mag sasalo salo sa almusal.

"Sunny anak,Maupo kana ng maka kain na tayo. Maaga kaming papasok ng Daddy mo ngayon kaya kailangan naming magmadali. Honey,Ano nga palang sabi ni Kelly tungkol sa pakikipag usap nya sa adviser ni Sunny?__Mommy MJ.

"Well,Gaya pa din ng dating isyu. May nag away na dalawang babae dahil na naman sa kanya. Sunny,Pwede bang bawas bawasan mo na nga yang kakapalit mo ng mga babae.Ano bang akala mo sa mga yun,Damit na pwede mong pagpalit palitan?___ Daddy CLOUD.

"Haaaay naku Dad,As if naman makikinig sa inyo yang si SUNNY.Wala namang  konsensya yan eh. Ilang babae na ba yung muntik muntikan ng magpaka matay dahil sa basta basta na lang nyang pang iiwan sa kanila kapag may nakilala na syang iba at bagong babaeng kapalit nila.___HEAVEN

"Hey! Hindi ko naman yata kasalan kung ayaw na nilang mabuhay sa mundo.Problema na nila yun. Mas magiging unfair ako sa kanila kung patuloy ko silang lolokohin kahit ayoko na at wala na kong nararamdaman pang pagmamahal. Ang hirap naman kasi sa mga professors at admin sa Uni na yun,Pati lovelife ng may lovelife pinakikialam nila.__ AKO.

"That is not the point here Sunny.Ang gusto lang namin ng Daddy mo ay magkaroon ka ng permanenteng karelasyon.Yung babaeng mahal mo at mamahalin ka din.Wala kaming hangad ng Daddy mo kundi makilala mo yung taong magpapasaya sayo at magsisilbing inspirasyon mo sa pagtupad mo sa mga pangarap mo.Yung sasamahan ka hanggang pagtanda.__Mommy MJ

"Sorry Mom pero napaka imposible nyang sinasabi mo.As if naman marunong magmahal talaga yang si BUNSO. Pupusta ako, pinaka matagal ng karelasyon nyan ay isang buwan tapos the rest ay linggo or days lang then babu na.__Heaven.

"Wow naman,Nagsalita ang di pa palit palit. Maswerte ka lang at matiisin yang latest Jowa mong  Earth kamo ang pangalan kaya tumagal sayo.Pero Im sure,Magsasawa din yun sa kakaintindi sayo later on.__AKO

"Ofcourse not! Bukod sa ka gwapuhan nya at pagiging humble ay mayaman din ang pamilya ni Earth.Kaya naman perfect sya para sa akin.At hinding hindi sya mag sasawa sa kagandahan ko dahil patay na patay yun sa akin!__ Heaven.

"Okey thats enough...Mauuna na kami ng Mommy nyo dahil madami pa kaming dapat asikasuhin.And iri remind ko lang sa inyo na next week ay nasa Business trip kami kaya magbehave kayong dalawa ha. Si Kelly na ang bahala sa inyo. Seeyou later kiddo.__Daddy Cloud

Kung gano ka kalmado ang Daddy at Mommy ay kabaliktaran naman namin sila ni Heaven. Mas lamang nga lamang ang katigasan ng ulo ko kaysa sa kanya.At pagdating sa mga babae, Ako na yata ang pinaka madaming naging ex girlfriend kumpara sa LOLO TOP at  Popshie SKYLER ko na binansagang mga PLAYBOY ng kani kanilang henerasyon.Kahit kasi madaming girls na umaaligid nuon kay Daddy Cloud nung kabataan nya,Si Mommy MJ lang ang nag iisa at tanging naging nobya nya.

"Sunny! Tamang tama ang dating mo...May paparating tayong bagong motor from Alberta(Canada).Mura lang daw ang presyo nya kumpara sa original na presyo from Brisbane(Australia).__ Regie.( Earth Regine DELA CUESTA ang realname nya,Magaling na mekaniko (Mechanical Engineer ) at karerista din syang gaya ko)

"Uu nga,Nakausap ko na si Prince kanina. Humihingi na nga agad ng bonus kahit wala pa yung item.Pambihira,Sa lahat ng anak mayaman si Prince na yata ang pinaka magulang!__AKO
(Princess  naman ang realname nya at ang daddy nya ang may ari ng lahat ng branches ng  QUEENSLAND MOTORS INC.)

"Hahahaha.Pagpasensyahan mo na,Dalawa dalawa kasi yung sinusustentuhan eh.Pero maiba nga pala ako Sunny,Tungkol dun sa last na girl na dini date mo na si Ivana.Balita ko,Sila na daw ngayon ni Gio (Giorgia ang realname nya at madalas kong makabangga sa Uni na pinapasukan ko)

"Uhmmm,Ganun ba.Buti naman at hindi na ko kukulitin pa ni Ivana ulit. Gabi gabi nalang kasi nya kong tinatawagan para magmaka awang balikan ko na daw ulit sya. Im happy for them.
__AKO. The last time I check kasi,Kagabi lang yung huling tawag nya sa akin pero hindi ko na sya kinausap pang muli mula ng makipag break ako sa kanya nung isang buwan pa.

"Hindi kaba nanghihinayang kay IVANA pre? Ang ganda at ang sexy nya kasi diba.Tapos sobrang sweet nya pa sayo to the point na halos ihele kana nya kapag namamahinga ka dun sa rooftop.
Kung ano ano pang regalo at surpresa ang halos araw araw na ginagawa nya sayo para mapasaya ka lang.__Regie.(Sa pagkaka alam ko ay may crush si Regie kay IVANA nuon)

"Well,Sa totoo lang.Nakaka miss din yung mga araw araw na panunurpresa nya sa akin sa Uni.Sa lahat ng naging ex ko,Sya talaga yung todo sa effort.(Mayaman din kasi ang pamilya ni Ivana) Maganda,Sexy at saka magaling din naman sya sa kama.
Pero wala eh! Wala akong maramdamang kakaiba sa kanya.__AKO

"Kaya nga wag ka na kasing mag lovelife muna Pre!Ikain na lang natin yan. Nag pa deliver na ko ng tatlong box ng fried chicken,crispy pata,Sisig at saka barbeque. Parating na yun kaya paki ready na yung pambayad ha.__Prince. 
(Galing pa ng University si Prince.Habang pareho kami ni Regie na walang pasok kapag Thursday)

"Lakas ng loob umorder,Porke hindi sya ang magbabayad.Mahiya ka nga sa taga bayad mo Prince.Masyado mong inaabuso itong kabaitan ng bff ko eh!___Regie.

"Hayaan mo na pre,Kakarmahin din yan balang araw!hahahaha.
Kidding aside,Totoo ba yung balita sayo Prince.Dalawa daw yung pinag aaral mong chicks ngayon?__AKO

"Hindi naman nag aaral yung isa,Working mom sya.Naaawa kasi ako dahil wala syang kamag anak na tumutulong sa kanya. Yung nanay nya lang na may sakit yung nag babantay sa anak nya.
Pero hindi naman kami seryoso nun,Kasal pa din sya dun sa nangaliwa nyang asawa.__Prince.

"Whaaaaat? May asawa't anak na yung girl pero pinatulan mo pa din? Iba ka din pre. Baka magka award ka nyan sa pagiging bayani mo. Ang dami namang dalaga dyan,Bakit sa may anak pa?___Regie

"Easy lang pre,Talagang ganyan ang inlove.Walang kinikilalang Tama at Mali.Baka kasi mayroon syang nakita kay ate girl na wala sa ibang babae tama ba Prince?__AKO

"Ewan ko nga ba mga pre,Basta nung magka bangga kami last month sa supermarket.Bigla na lang parang lumiwanag yung paligid eh.Tapos ngumiti sya sa akin ng pagkatamis tamis,Ayun na.Biglang tumibok tibok itong puso ko.__Prince.

Itong talyer nina Regie ang paboritong tambayan naming magkakaibigan.Bukod sa presko at malawak ang bakuran nila, Safe din ang lugar na ito kahit malasing kami ng husto ay walang nakikialam at umiistorbo sa amin.

Maya maya pa ay may kumatok na ng malakas sa gate nitong talyer.
At dahil busy si Regie sa paglalagay ng mga beer sa ref at si Prince naman ay tumawag muna sa dalawang gf nya para magsabi na mag iinum sya kaya wala na kong nagawa kundi ang labasin ng padating na food delivery mula sa Fastfood na pinag orderan ni Prince.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon