EP25__SMALL BUT TERRIBLE

47 5 0
                                    


@SUNNY

Mula dito sa loob ng showroom ay tanaw na tanaw ang mga taong papasok at lalabas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula dito sa loob ng showroom ay tanaw na tanaw ang mga taong papasok at lalabas.Kaya naman hindi nakalampas sa paningin ko ang kumusyon na nangyayari sa labas dahil sa kitang kita ito sa glass wall nitong malaking room.Mabilis akong naglakad palabas ng room ng mapansin kong nawala na yung mga babae sa gilid ng gate entrance.

"Stop it! Wala ba kayong pinipiling lugar at dito nyo pa napiling makipag away? Gusto nyo bang maka agaw pa ng pansin sa mga tao duon sa loob? Get out  of here kung ayaw nyong ipakaladkad ko kayo sa mga bodyguards ko.Alis!__AKO.

"Miss Sunny! Buti at nandito ka.Yan kasing babaeng yan ang nagsimula ng gulo. Hinila ba naman kami dito sa gilid ng building at saka kami inaway away.__Babaeng naka braces.

"Kayong tatlo,Kung ayaw nyong ipadampot ko kayo sa mga pulis, Mabuti pang umalis na kayo dito. Get out! At ikaw naman,Sumunod ka na sa akin sa loob at nagsisimula na ang event.__AKO.

Mabilis namang sumunod sa akin sa loob si ELLEN at agad namang nagsialisan na yung tatlong pala away na babae.

"Pre,Kausapin ko lang muna si Gob ha.Kayo ng bahala dun sa iba kapag nagtanong sa inyo. Ilang araw na kong kinukulit nito sa discount eh. Usap tayo later.__PRINCE.

"Sige lang Pre,Kami ng bahala sa ibang guest nyo.__REGIE

"Regie,Pre. Napansin mo ba si Miss Ellen? Nakita ko lang kanina na kausap yung nasa front desk eh.Tapos bigla na lang nawala.__AKO

"Hindi ko napansin pre,Baka lumabas.Dun kasi talaga sya naka assign diba. Tara,Balik na tayo sa harapan.Patapos na yung program at magsisipag uwian na ang mga yan.I che check ko pa yung motor ko eh.__REGIE

"Let's go.Gusto ko na nga ding ma road test yung sa akin eh.__AKO

"Seryoso ka ba dyan pre,Talagang gagamitin mo na yang motor mo?  Baka magasgasan yan.hahahaha. Tatlo pa lang kayong meron dito sa Pilipinas nyan. At yung dalawang nakabili hindi pa din daw ginagamit o sinasakyan man lang dahil takot magasgasan.__REGIE

"Kaya ko nga binili yan para gamitin,Hindi para itago lang at bulukin lang sa garahe. Gusto kong ma test kung gano talaga sya kabilis,Hindi yung puro sabi sabi lang.__AKO

"Goodluck pre.Kasi yung sa akin,Baka matagalan pa bago ko i test drive.Alam mo na,Bawal muna ako mag motor ngayon eh!__REGIE

"Hahahahha. Kawawa ka naman. Binawalan kaba ng Jowa mo ha? __PRINCE

"Oo eh.Ayaw nya na kong pasalihin sa karera. Delikado daw.
At wag na daw akong sasakay ng motor.__REGIE

"E di sana hindi kana bumili nyan. Ang KJ naman ng girlfriend mo.Pati pagmomotor bawal. Wala namang masama dun.__AKO

"Pagbigyan na natin si Pareng Regie,Ganyan talaga kapag inlove.
Anyways,Salamat nga pala sa inyong dalawa ha. Lakas ko talaga sa inyo.Lahat ng naka display  na bike dyan sa harapan ay sold out na. Ang mga natira na lang ay yung mga nasa truck.__PRINCE

"Wow naman,Congrats Pre! Congrats din sa Daddy mo. So papano,San na tayo nyan? Iinum ba tayo ngayon?__REGIE

"Kung anong trip nyo okey lang sa akin.Pero bago tayo gumimik, Ini invite muna tayo nila Mom and Dad para mag dinner. Nauna na sila dun sa ZANYA'S kaya sumunod na lang tayo duon guys.__PRINCE

Sabay sabay na kaming naglakad papalabas ng building habang naiwan pang mga  busy duon yung mga staff ng event. Hinanap ng mata ko si Ellen pero hindi ko na sya nakita mula pa kanina.

"Pre,Kita kita na lang tayo sa Zanya's ha. Nandun naman si Ate Empress para mag asikaso sa inyo kung sakaling mauna kayo sa venue.Medyo matraffic daw papunta duon sabi nya kaya baka hindi tayo magkasabay sabay.__PRINCE

"Ganun ba,Bakit di na lang tayo sumakay sa iisang kotse? Iiwan ko na lang dito ang kotse ko at babalikan ko nalang later kapag maluwag na ang traffic. Nakakahiya naman kina Tita kung paghihintayin pa nati  sila ng matagal.__AKO

"Pupwede naman pero papano yung mga motor natin? Ahhh, Ipapakuha ko nalang sa driver ko. Sige tara na,Sa kotse mo na lang PRINCE tayo lahat sumakay.__REGIE

"Mga pre,Diba si Miss Cutie yun? Ay si Ellen pala...Mahihirapan syang makahanap ng taxi dito.  Okey lang bang isakay natin sya kahit hanggang dun lang sa may sakayan?__PRINCE

"OO naman.Nandito pa pala sya,Diba kanina mo pa sya hinahanap Sunny? Hindi pa pala sya nakaka uwi. Inabutan na sya ng dilim siguro kaka abang ng masasakyan___REGIE

"Baka naman may inaantay na susundo.Mapapahiya na naman kayo nyan.Kayo na nga ang nagsabi diba,Parang umiiwas na sa inyo.Ayaw siguro ng boyfriend na may ibang maghahatid sa kanya.__AKO

"Alukin pa din  natin kahit ayaw. Kawawa naman eh. Mukhang malayo pa ang uuwian nya.Kung sakaling dumating man yung boyfriend nya at magalit,Ako ang haharap. Sya itong palaging nagpapa antay sa gf nya kahit alanganging oras eh.__PRINCE

"Miss ELLEN... Baka want mong makisabay sa amin kahit hanggang sa may sakayan lang. Medyo madalang kasi dito ang dumadaang taxi eh. Gagabihin kang masyado nyan.__REGIE

"Ay Salamat. Buti na lang at nakita nyo ko. Kanina pa nga ako nakatayo dito pero wala ngang dumaraang sasakyan. Sige,dun lang sa bus stop.__ELLEN

"Thank you naman at pumayag ka ding maihatid namin. Akala namin,Iniiwasan mo kami eh. Bakit bigla ka nga palang nawala kanina?__PRINCE

"Ako umiiwas sa inyo? Bakit at sa anong dahilan naman para iwasan ko kayo? Hindi naman. Wala namang kayong ginawang masama sa akin.Thankful nga ako at kahit na mayayaman kayo, Hindi iba ang trato  nyo sa akin.__ELLEN

"Wow naman,Parang may hugot ah. Mabait ka din naman sa amin kaya ganun din kami sayo. So,San ka nga pala nagpunta kanina?__REGIE

"Ahh,Kanina ba? Bumalik lang ako sa pwesto ko. Tapos kinausap ako nung guard na naka assign dun sa gate dahil nga ini rereklamo daw ako nung tatlong babae na nasa labas ng building kanina. Pinaliwanag ko lang ang side ko kaya naayos naman kaagad. ___ELLEN

"May tatlong babaeng nang away sayo? Really? Sinaktan kaba nila? Bakit di mo sinabi kaagad para nagawan ng aksyon.
Dapat sa mga yun,Tinuturuan ng leksyon para magtanda. Wala silang pinipiling lugar.__PRINCE

"Wag kang mag alala Prince,Naitawag ko na sila sa headquarters at malamang na madadala na ang mga yun sa ginawa nila.
Im sure,Hindi na nila uulitin pang gawin yun lalo pa sa taong wala namang ginagawang mali sa kanila.__AKO

"Ahhhh,Okey. Naayos na naman pala eh. Basta mag iingat ka na lang Miss Cutie ha.Kapag may nang away sayo,Tawagan mo lang kami at naka handa kaming tulungan ka.__PRINCE

"Salamat sa inyo. Salamat din sa pag hatid sa akin dito. Ingat din kayo sa pupuntahan nyo and advance Goodnight na din.__ELLEN

Pinasakay na muna namin sya ng bus bago kami umalis.Mabuti na lang din at hindi na masyadong traffic kaya hindi naman kami masyadong late sa pa dinner ng parents ni PRINCE.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon