EP21__HIDE AND SEEK

50 7 0
                                    


@SUNNY

Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Bakit ba ganun na lang galit ko kay Ellen kahit na wala naman syang ginagawa talagang masama.

Infact,Lahat ng taga foundation at ang mga batang may cancer ay tuwang tuwa sa mahusay nyang pagkanta. Nakakatuwa din syang makitang magiliw at maalaga sa mga bata habang nakikinig sila ng kwento.Para syang walang kapaguran sa pagtawa.

"Sunny Apo,Look at Miss Elena. Hindi ba't napaka bait nyang bata? Bukod sa may maganda ng tinig ay mayroon din syang mapagmahal na puso.Katangiang pinaka mahalagang sangkap para sa pagiging matagumpay sa buhay.__Momshie Martha

"Bakit mapagmahal na puso ang pinaka mahalagang sangkap sa tagumpay Momshie,Hindi bat SIPAG AT DEDIKASYON ang  susi ng tagumpay? Yun ang madalas kong madinig mula kina Lolo GD at Lolo TOP kapag nagbibigay sila ng speech.__AKO

"Yun kasi ang pangunahing sangkap. Pero ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang PUSONG MAPAGMAHAL. Kahit gano kapa kasipag at ka de dicated sa trabaho mo,Kung wala ka namang puso para sa mga tao sa paligid mo...Wala ding maniniwala at magtitiwala sayo. Ano pang silbi ng TAGUMPAY kung wala din namang pag aalayan nito.__Momshie

"Pero kapag masyado kang mabait,Aabusuhin ka lang ng mga tao sa paligid mo. Dapat balanse lang at hindi sobra.__AKO

"Saksi ako sa tatlong henerasyon ng pamilya Villareal at ng Pamintuan.At base sa obserbasyon ko,Hindi basta magiging matatag at  matagumpay ang mga negosyo nila kung wala ang tulong ng  mga babaeng palaging nasa tabi nila para magpaalala na hindi lang dapat Pera at kayamanan ang inuuna kundi ang PAMILYA. PUSO ang pinakamahalagang sangkap ng tagumpay. At balewala lahat ng kung anong meron ka kung hindi ka naman marunong MAGMAHAL.__Momshie Martha.

Hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig ni Momshie Martha sa akin.Base kasi sa mga pag uusap namin ngayon,Parang may mga gusto syang sabihin sa akin pero ayaw nya lang ako diretsahin.

"Sunny,Pakihatid sa mismong bahay nila si Elena ha. Wag mo syang hayaang maglakad.Elena iha, Tawagan mo ako kapag nakauwi kana ha.Mag iingat kayo sa byahe.__Momshie

"Dun mo na lang ako sa kanto ibaba. Hindi mo na ko kailangan pang ihatid.Ako ng bahala sa sarili ko.__ELENA

"Hindi mo ba nadinig ang sabi ng Momshie ko.Wag daw kita hayaang maglakad. Since masunurin akong apo,Dun kita ihahatid sa mismong tapat ng bahay nyo para wala ka namang masabi.Baka mamaya nyan,Ipagkalat mo pa na masama ang ugali ko dahil mayaman ako.__ AKO

"Masama naman talaga.Pero wag kang mag alala dahil hindi ko naman ipagkakalat. Hahayaan ko na sila ang magpamukha nun sayo.Wag ka din mag alala dahil hindi naman ako magsusumbong sa Momshie mo.__ELENA

Bago pa sya bumaba ng kotse ay inisprayan nya na muna ng alcohol yung headphone na hiniram nya sa akin at saka walang sabi sabing lumabas na ng sasakyan.Sumakay kaagad sya sa bus na sakto namang pumarada sa harapan nya.

"Wow pre,Ambait bait mo naman. Mabuti naman at napasama ka sa pagcha charity work ng Momshie mo.Ayaw na ayaw mo pa naman yung mga ganyang event.__PRINCE

"As if naman may choice ako.Ako lang ang available na nasa bahay nung mga oras na yun kaya wala akong palag syempre.
Sakto naman kasing nasa room ako ni Heaven ng mga oras na yun para mag imbestiga eh!__AKO

"Mag imbestiga? Bakit,Anong nangyari kay HEAVEN?__REGIE

"OA naman maka react Pre! Hindi naman lahat ng ini imbestagahan ay may masamang nangyari na. Baka naman may something!So tell us about whats happening  to your twin sister.__PRINCE

"Ayan ka na naman sa something mo loko ka! Pero seriously mga pre.Feeling ko may tinatagong sikreto yung kapatid ko eh.
Hindi na sya normal gaya ng totoong sya. Hindi naman sya malihim before eh.__AKO

"Baka naman nami misinterpret mo lang. Natural lang na mag change sya kaysa sa dating nakasanayan nya since nasanay sya na mag isa sa Spain.Nag aadjust pa siguro kaya ganun.__REGIE

"Pero sa palagay ko,May JOWA na yun kaya nag iba. Baka may nakilala yung lalaki from Madrid tapos isinama nya dito sa atin. At itinatago sa inyo.__PRINCE

"Sira ka talaga Prince! Puro ka kalokohan. Wag mo ngang binibigyan ng maling idea si Sunny at baka maniwala yan sayo.__REGIE

"Pero may point naman sya eh.Posible ngang may karelasyon syang itinatago sa amin na hindi magugustuhan ng parents ko kaya ganun ang mga ikinikilos nya. Humanda sya sa akin. Humanda sa akin yung taong yun kung sino man sya!__AKO

"Nakakatakot naman yang sinasabi mo Pre.Kumalma ka lang. Wala pa namang proof  talaga na may itinatagong bf sya eh.
Baka nag aadjust lang kasi nga iba ang oras natin sa pinang galingan nya.__REGIE

"Hindi nyo pa kasi nararanasang ma inlove kaya hindi nyo alam ang mga pagbabagong magaganap sa inyo kapag nagmamahal kayo.Bukod sa natututo kang magtago ng sikreto sa pamilya at mga kaibigan mo,Pati sa sarili mo din.__PRINCE

"So inaamin mo na talagang mas na inlove ka kay Miss Single Mom kaysa kay kolehiyala ganun ba? Bakit kasi hindi ka na lang nagpaka totoo.Ayan tuloy ang nangyari,Mas lalo pang gumulo.__AKO

"Her name is LEA,Dont call her Miss Single Mom.Haaaaist! Sobra talaga akong nagsisisi kung bakit ba hindi ako naging totoo sa sarili ko at sa taong mahal ko. Aaminin ko,Naging duwag ako. Natakot ako na baka pagtawanan ako ng mga tao kapag nalaman nila na ang gf ko ay isang single mom.Inisip ko din ang sasabihin ng Family ko kapag nalaman nila ang totoo. Kaya nag decide ako na si Abby ang piliin kesa sa kanya.__PRINCE

"Maling mali ka naman kasi dun. Kung talagang mahal mo yung tao,Panindigan mo.Ano namang problema kung single mom sya, Kasalanan nya bang magkaroon sya ng baby sa taong una nyang pinagkatiwalaan? Kung totoong mahal mo sya,Dapat Mahalin mo din ang mga taong mahal nya.Hindi naman dapat ikahiya yun, Mas nakakahiya kung pina abort o inabandona nya lang ang anak nya para lang may tumanggap sa kanya.__REGIE

"Tama si Regie pre.Hindi ka dapat maging duwag.Kung mahal mo,Ipaglaban mo.Mahirap magsisi sa huli. Baka mamaya, Tuluyan kana nyang hindi patawarin at mawalang parang bula ang ONE GREAT LOVE mo.__AKO

"I AGREE! kaya ano pang inaantay mo.Puntahan mo na sya at humingi ka ng tawad.Wag kang huminto hangga't hindi ka nya kinakausap.Gawin mo ang lahat para lumambot muli ang puso nya sayo. Ganyan talaga kapag nagmamahal,Handang isakripisyo ang lahat para lang sa kanya.__REGIE

PUSO...Bakit ba napaka kumplikado mo??? Bakit ba kapag ikaw ay nagsimula ng tumibok, Kahit ang pinaka matigas na yelong nakabalot dito  ay madali ng naglalaho.










(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon