@ELLENA
Isang malaking eskandalo ang bumulaga ngayong umaga sa lahat ng mga tv networks at maging sa social media. Mga larawan at videos naming magkasama at magkaakbay ni SUNNY VILLAREAL na naganap kagabi lamang.
" Hello Ellena, Kamusta? Aba'y sikat na sikat ka. Naka bandera ang beauty mo sa lahat ng mga Entertainment news.At yang mga tao sa labas, Mga reporter na kanina pa naka abang pero hindi naman nagsisipag order. Ano bang nangyari sayo kagabi ha? Totoo ba yung balita na nobyo mo yung Sunny Villareal?__Mrs. Park.
"Good Morning ho Ma'm. Pasensya na po sa abala ha.Wag nyo na lang po silang pansinin.Wala pong katotohanan yung isyung yun. Wala po kaming relasyon ni Miss Sunny V. Kapag kasi pinansin ko sila, Mas lalo lang lalaki ang gulo. Kapag po hanggang mamaya, Hindi pa din sila umalis. Tatawag na po ako ng Baranggay para paalisin sila...
"Naku yan ang hirap kapag sa sikat at sa mayaman ka na involve talaga. Kahit wala namang dapat pag usapan, Palalakihin pang lalo ng mga taga media ang isyu para lang may maibalita sila.Kita mo yung dalawang bading na yun, Naku kanina pa tanong ng tanong sa akin ng kung ano ano. Akala naman yata nila, May makukuha sila sa aking impormasyon.__Mrs.Park
"Pasensya na po talaga kayo Mam, Pati tuloy kayo nadamay pa.
Hayaan nyo po at kakausapin ko si Sunny V para matigil na ang isyu na to. Sya naman po kasi talaga ang may kasalanan ng lahat..."Pero infairness ha, Ang haba ng hair mo sa part na ikaw ang ipinakilala ni Sunny V sa mga tao na girlfriend nya versus dun sa sikat na drama actress na inayawan nya. Ang dami tuloy fans na biglang nag backout na din sa kanya.__Mrs. Park
"Teka po Mam, Papano nyo pong nalaman ang mga kwento na yan? I mean, Hindi naman po kayo mahilig sa social media at saka sa mga local artist hindi po ba?...
"Naku papano ba naman yang si Cindy, Pag dating na pagdating ko dito.Yan na kaagad ang bungad. At eto pa, Pati si Karina na kapitbahay ko. Kilalang kilala ka. At ang sabi nga sa akin, Baka daw mag resign kana dito sa manukan ko dahil daw mayaman kana.__Mrs.Park
"Ho? Magreresign? Ay naku masyado namang exagerated yung kwento na yun. Grabe talaga ang mga chismis, Pupwede talagang makapanira ng buhay kahit na hindi naman totoo at walang basehan...
"Pero ano na ba ang gagawin mo ha? Mukhang matatagalan pa bago yan maresolba. At sa tingin ko, Habang pa interview ng pa interview yung artistang babae na obvious namang insecure sayo. Hindi ka tatantanan ng isyu.Tignan mo nga, Padami na ng padami yung mga reporter sa labas oh._Mrs. PARK
"Teka lang po Mam, May tatawagan lang po ako sandali. Mag OOT na lang po ako mamaya para makabawi naman sa abalang idinulot ko. Saglit lang po.
Kaagad kong tinawagan si Lea para itanong ang numero ni Sunny V.Mabuti na lang at mabilis din ang pagsagot nya sa tawag ko.Kapag kasi umaga pa ay busy sya sa pag aasikaso sa nanay at anak nya.Siguradong alam na din nya ang tungkol sa kumakalat na balita ngayon.
"Hey Girl Ano na, Kamusta? Ano bang nangyari at bakit bigla ka namang naging instant celebrity. Kalat na kalat yung mga pictures at videos nyo dun sa Zanya's ah. Ayos ka lang ba?__Lea
"Yan na nga ang dahilan ng pagtawag ko sayo ngayon Lea. Pwede ko bang mahingi yung number ni Sunny Villareal? Kailangan naming mag mag harap eh. Hindi pwede yung ganun. Pati ako nadamay na ng husto. Pati trabaho ko apektado. Ang dami kayang mga reporters dito sa labas ng Chicken house...
" Kumalma ka lang girl, Maaayos din ang lahat. Alam mo, Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sayo eh. Kung mababasa mo lang ang comments ng mga tao sayo, Grabe!_LEA
"Bakit ano bang sinasabi nila sa akin? Kasalanan talaga yan ni Sunny V eh. Sukat ba naman akong isama ako sa kalokohan nya. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa pamilya nya pag nagkataon. Haaaay naku...Humanda talaga sya sa akin...
"As if naman maaapektuhan yung family nya sa mga negative comments ng mga bashers noh! Pero seryoso, Ano nga bang gagawin mo kapag nakita mo si Sunny ngayon? Sasakalin mo ba sya or sasampalin? Ahahahha. __Lea
"Puro ka naman kalokohan Lea eh. Seryoso nga kasi ako. Pero hindi naman ako hahantong sa point na mananakit ako ng tao, Kilala mo ako. Kakausapin ko lang sya at pagsasabihan. At dapat ay kausapin nya yung mga taga media na wag na kong idamay sa kalokohang ginawa nya.
"Okey okey, Sige na at iti text ko na lang sayo yung number ni Sunny.
Actually, Wala din akong contact nya eh. Nag ask lang din ako kay Prince. Pero ayaw mo ba talagang malaman kung anong sabi ng mga fans ni Sunny tungkol sayo?__Lea"Bakit ba kasi, Ano bang paninira at masasakit na salita ang binabato nila sa akin? At saka teka, Bakit mga fans kamo ni Sunny ang mga nang ba bash sa akin, Hindi ba't dapat ay mga fans ng ex nyang actress yung nagagalit sa akin?..
"Eto nga kasi ang chika..Sa totoo lang, Wala namang fans talaga yang si actress. Lahat yun ay fans at suporter ni Sunny. Nang malaman nitong si Actress na super dami ng fans nitong si Sunny nuon pa man, Biglang nagparamdam sa social media at ipinagkalat na magkakilala silang dalawa. Nagkataon naman kasi na si actress nga yung last na nag model dun sa CK MALL nuon kaya nagkaroon sila ng picture together ni Sunny. At yun na nga ang simula ng paglapit lapit at pagpaparamdam nya kay Sunny. __Lea
"So ang ibig mong sabihin,Parang ginagamit nya lang si Sunny V para sumikat? Pero sikat at magaling naman syang artista talaga diba, Bakit kailangan nya pang mang gamit ng ibang tao para sumikat?...
"E kasi nga totoong na inlove na kay Sunny si Actress. Kaya lang ay di umubra ang acting at pagpapa charming nya kay Sunny kaya ayun. Hindi na talaga napigilan pa ni Sunny na soplahin sya sa harap ng madaming tao at nagkataon namang nandun ka kaya ikaw ang naisip nyang lapitan at akbayan. Infairness naman dun sa video na kumalat ha, Ang haba bigla ng hair mo. Imagine na on national tv, Ikaw ang Napili. Sabi nga ng mga fans eh, Ikaw ang" PINAGPALA SA BABAENG LAHAT ".__Lea
Matapos ang pag uusap namin ni Lea sa fone ay mabilis ko namang natanggap yung contact number ni Sunny V. Nakailang dial pa ako sa numero nya bago nya pa ito nasagot.Napagkasunduan naming magkita nalang after work para makapag usap.Pagbalik ko sa loob ng store ay wala ng mga taong nagkaka gulo sa labas.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...