@ELLEN
Minsan sa isang buwan ay mayroon kaming tinatawag na Family Bonding. Depende yun kung wala akong raket ng Linggo at may extra money ako para sa aming pamamasyal.
Kapag aalis kami ay sa park kami madalas pumupunta pagkatapos magsimba. Pero dahil maulan ngayon at hindi masaya ang mamsyal sa park, Sa Mall na lang namin naisip magpunta. At dito sa CK MALL namin napagkasunduang magkakapatid na igala si Nanay at ipamili na din sya ng bagong damit."Naku naman mga anak, Hindi ko kailangan ng bagong damit. May mga damit naman ako sa bahay na maayos pa.
Mas kayo ang dapat bumili ng damit para sa pagpasok nyo.
Nasa bahay lang naman ako palagi kaya ayos lang ang mga suot ko__Nanay"Nanay, Kailangan mo po ng bagong damit para sa nalalapit na graduation ni Elmo. Dapat naman na kahit papano ay makita ng mga kapitbahay natin na may bago kang damit at ng lalong magningning yang kagandahan mo. Aayusan pa kita at lalagyan ng make up para mas lalo kang gumanda...
"Oo nga naman po Nay. Si Kuya Elmo ang kauna unahang ga graduate sa ating pamilya at Cumlaude pa kaya dapat lang na PROUD AND LOUD ka habang umaakyat ng stage.
__Elvis"Ay naku wag nyo na kong bilhan ng damit at ang ate nyo naman ang aattend sa graduation ng Kuya Elmo nyo. Ayoko namang maging center of attraction pa dun sa stage habang inaakay nyo ako. Dun lang ako mag aabang sa ibaba ng stage para wala kayong aalalahanin pa.__Nanay
"Pero Nanay, Gusto ko po na kayo mismo ang magsasabit sa akin ng medalyang matatanggap ko. At saka hindi naman po kami mahihirapan sa pagtulak sa inyo pag akyat ng stage dahil may rampa po un para sa mga naka wheelchair.
Sige na po Nay, Wag na pong matigas ang ulo at mas okey po kung bago at maganda ang suot nyo sa araw ng pagtatapos ko.__Elmo"Haay naku kayo talagang mga bata. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung lahat na kayo ay nagtulong tulong na para lang maibili ako ng maisusuot. Basta dapat ay maganda at magmumukha akong bata sa damit na binilhin nyo ha. Ayoko ng pang matandang style. __Nanay
"Wag kang mag alala Nay, Pipilian ka namin nung pang KPOP na style ng damit. Para magmukha ka lalong bata at fresh. Wag kang gagaya dyan kay Ate Elle na old fashion at baduy ang fashion style.hahahaha. Peace tayo Ate!__Elliot
"Ahhh ganun, Old fashion pala at baduy ha. Humanda ka sa akin. Wala kang extra rice mamaya pag kumain tayo. Sa paborito mo pa naman sanang resto tayo kakain pero nagbago na ang isip ko...
"Joke lang nga yun ate. Di kana mabiro. Basta dun tayo kakain sa HAPPYBEE mamaya ah. Ang sarap kaya ng mga food nila dun tapos affordable pa. Pangarap ko ngang makapagtrabaho sana dun as Manager pagka graduate ko eh.__Elliot
"Bakit naman sa HappyBee lang at hindi sa ZANYA'S bunso? Taas taasan mo na din lang kung mangangarap ka. Alam mo bang sa Zanya's ka lang makaka kain ng masarap at pang world class na serbisyo pero hindi ganun ka mahal?__Elvis
"Ay parang nadinig ko na din yan sa mga ka klase kong sosyal Kuya Elvis. Dun nga daw nila gustong mag apply after graduation. At kundi mo naitatanong, Sila din ang may ari nung School na pinapasukan ko.__Elliot
"Really? Bukod sa SDU at MMA ay sila din pala ang may ari ng Zanya's. Wow naman, talaga nakakalula ang yaman ng mga MONTENEGRO. Pero ang pagkaka alam ko, Sa kanila din yung ICE CREAM FACTORY na madalas nating pilahan ng libreng ice cream nuong mga bata pa tayo diba?__Elmo
"Oo nga kuya, Sila din daw ang may ari nun. Tapos yung mga anak at Apo na yata ngayon ang nagpapatakbo ng mga negosyo nila since matagal ng patay yung founder at totoong may ari ng MONTENEGRO CORP.__Elvis
"Teka teka nga lang. At nawawala na tayo sa tunay na topic. Tama na yang pagkukwentuhan about sa history ng mga eskwelahan nyo okey. Pumili na tayo ng damit para kay nanay at ng maka kain na tayo. Alam ko namang mga gutom na yang mga alaga nyo sa tyan eh...
"Oo nga naman mga anak, Bilisan nyo na sa pagbili ng damit ko at ng makakain na tayong lahat. Baka ulanin tayo ng malakas kung mgapapahapon pa tayo dito. Mahirap bumyahe ng malakas ang ulan. Delikado sa kalsada.__Nanay
"Opo Nay, Nandito na po tayo ngayon sa department store. Nagkanya kanya na po ng pili yung mga anak nyong binata at magbobotohan na lang po kami sa kung sino ang mas magandang damit ang mapiplili na mas bagay sa inyo...
"Miss Ellena Marasigan. Tama ikaw nga yan. Kamusta ka?
__Madam na mukhang mayaman na kundi ako nagkakamali ay kamag anak ni Sunny Villareal"Good Morning po Madam. Opo ako nga po ito, At ito naman po ang nanay ko. NAY, Si Madam po. Sila po yung nag invite sa akin na kumanta sa Kaarawan ng Daddy nila...
"Hello po Misis. Kayo po pala ang Mommy nitong si Miss Ellena. Nice meeting you po. Alam nyo bang giliw na giliw at bilib na bilib kami sa ganda ng boses nitong anak nyo. Napaka lamig ng boses na parang anghel.__Madam
"Magandang umaga po Madam. Salamat po sa madalas na pag anyaya sa anak ko para kumanta. At salamat din po at nagustuhan nyo ang kanyang tinig.Ikinagagalak ko kayong makilala.__Nanay
"Mabuti na lang pala at napasilip ako sa monitor ko sa itaas kaya nakita ko kayo. Pwede ko ba kayong anyayahan mag lunch after nyong mag shopping? Wag kayong mag alala, Dito lang ako nagtatrabaho kaya mabilis ko lang kayong mahahanap. Babalikan ko na lang kayo later. Enjoy your shopping.__Madam
"Ate, Sino yung mukhang mayamang babae na lumapit sa inyo? Kilala mo ba sya?__Elvis
"Kilala ko sa mukha pero hindi ako sure kung anong pangalan nya. Ang alam ko lang, Isa sya dun sa mga kumausap sa akin nuon nung kaarawan nung MAYAMANG BUSINESSMAN na taga VILLAREAL GROUP. Mababait at hindi sila Mapanglait na pamilya kahit ubod sila ng yaman.
Kaya naman lalo silang pinagapapala..."Iba ka talaga ate, Sikat kana. Akalain mong isa pala sa may ari nitong CK MALL yung madam na kumausap sayo kanina. Mrs. MJ Villareal daw ang name ni Madam.
Ang dinig ko sa usapan nung mga Marites dun sa likod, Pamilya pala ng MAYAYAMANG ANGKAN ang nagpapatakbo nito at sila sila ding magpipinsan ang susunod naman na magiging tagapagmana ng CK MALL.__ElmoBigla ko tuloy naalala si Sunny V. Siguradong isa sya sa magpipinsan na tinutukoy nung saleslady na tagapagmana nitong CK MALL na sa pagkaka alam ko ay may napakaraming sangay sa buong Pilipinas.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...