EP26__SLOWLY BUT SURELY

52 7 1
                                    


@ELLEN

Hindi talaga biro ang pagsabayin ang pag aaral at pagtatarabaho. Gayunpaman,Pangarap ko pa din ang makapagtapos.By next year ay ga graduate na din naman si Elmo kaya baka pwede na kong magtuloy sa pag aaral.Pero depende pa din yun sa magiging sitwasyon. Wala namang problema sa akin kung late na ko maka graduate,Basta ang mahalaga ay nasa maayos na kalagayan ang buo kong pamilya.

"Talaga? Hindi kaya sila din yung mga babae nuon na nambully sa janitress sa tinulungan mo? Baka nung nakita ka,Gumanti. At ikaw naman ang gustong i BULLY.Sa palagay mo?__VIA

"Siguro nga.Hindi ko na kasi naalala ang mga mukha nung mga babae until last sunday na nakita at nakaharap ko na naman sila.
Wala talaga silang pinipiling lugar ng pakikipag away.__AKO

"Asa kapa sa mga ganung tao.Punong puno kasi sila ng mga INSECURITIES sa buhay.Kaya madali silang mainggit sa kapwa.
Buti na lang wala ako dun,Kung hindi baka talagang nagkagulo dun sa event.__VIA

"Hahahaha.Ikaw talaga,Mabuti ng wala ka pala talaga at hindi nakasama.Dahil malamang nagkagulo nga duon.__AKO

"Mabuti na lang talaga at dumating yung Knight in Shining Armour mo.
Alam mo,Nakaka iinggit ka naman kasi talaga.Biruin mong maging kaibigan mo yung tatlong mayayamang magkakaibigan na yun.Haaaaist.Mapapa SANAOL ka na lang talaga!__VIA

"Loka,Hindi ko naman sila ganun ka close.Nagkataon lang na mababait kasi talaga sila.Hindi sila kagaya ng ibang anak mayaman.Pero ewan ko lang ha,Malay mo naman kapag iba ang kasama nila hindi sila ganun.__AKO

"Mukhang hindi naman.Sa palagay ko hindi naman sila basta basta mambubully ng tao.Pero may nadinig ako na when it comes to girls daw talaga ay matitinik ang mga yan.Lalo na si SUNNY.Papalit palit daw yan ng dini date at wala daw talagang siniseryso.Mapaglaro daw yan pagdating sa pag ibig.__VIA

"San mo naman nabalitaan yan.Ikaw talaga,Mukhang nag research kana ng tungkol sa kanila ah!__AKO

"Atin atin lang naman ito ha,Kasi syempre na curious lang ako kung gano sila ka sikat talaga.At dun ko nga nalaman na isa pala si SUNNY sa may ari ng THREE STAR and A SUN PENTHOUSE.__VIA

"Ahhhh,Kaya pala.__AKO

"Kaya pala ano? Don't tell me,Nakapunta kana sa PENTHOUSE SUITE ni SUNNY?___VIA

"Yes,Nakapunta na ko dun.Last month yata yun,Nung nagpa deliver sila ng food.__AKO

"Talaga ba? Omg beshie,Ang swerte mo naman.Ikaw na talaga!__VIA

"Ano namang swerte dun,Nag deliver lang naman ako ng pagkain.Trabaho ko naman yun talaga.__AKO

"Hindi kasi,Ayun dun sa source ko.Bukod sa kaibigan nya ay wala pa syang nadalang babae duon kahit na sino.At ang sabi sa balita, Kung sino man daw ang babaeng makakapasok duon ay sya na yung babaeng pakakasalan ni SUNNY.__VIA

"Ano namang kakaiba dun sa penthouse na yun at may ganun pa syang pa press release.Tipikal na pang mayamang penthouse, malinis at maaliwalas pero hindi naman kalakihan.Anong kinalaman naman nun sa babaeng pakakasalan nya?__AKO

"Hahahaha. Ewan ko,Baka nandun lahat ng kayaman at pera nya.
Pero malay mo,Sa laki ng penthouse na yun baka hindi lang iisa ang suite nya.Nasa anong palapag ba sya?__VIA

"Uhmmm,Kundi ako nagkakamali nasa 25th floor siya.Pero diba sabi mo sa kanila yung building na yun.Diba dapat nasa pinaka taas sya or mga nasa 99th floor dapat.__AKO

"Ang alam ko,Nasa 100th floor yung panganay na APO ng VILLAREAL GROUP.Si ZOLENN VILLAREAL.Sya kasi ang pinaka matanda sa kanilang magpipinsan.Hindi ko lang alam kung bakit nasa may ibaba sya ng floor.Baka nasa usapan na nila yun.__VIA

"Ay teka,Maiba nga pala ako.Yung tungkol dun sa sinasabi mong raket natin sa sabado.Sure na yun ha,Sa mismong venue na lang tayo magkita.Didretso na ko dun galing ng Chicken house.__AKO

"Oo naman,Sure yun.Excited na nga ako kasi ngayon ko lang mai experience mag cater sa mga batang painter/artist. Sabi nung uncle ko,Magagaling daw yung mga batang nag aaral dun kasi sikat na painter sa ibang bansa ang nagpapa aral sa kanila.__VIA

"Kung sikat na painter yung may ari nung museum,Bakit libre ang pagpapa aral sa kanila? Hindi ba dapat,Mas mahal nga ang bayad ng mga estudyante nila kapag kilala ang artist na may ari nung eskwelahan?__AKO

"Kaya nga eh,Pero siguro mayamang mayaman ang may ari kaya libre lang ang pagtuturo nya ng arts dun sa mga batang artist.
Syempre nga naman,Kapag sa kanya nang galing ang bagong magiging national artist ng bansa,Malaking karangalan yun para sa kanya.__VIA

"Sabagay,May point ka.Kung mayaman naman talaga at wala ng mapaglagyan ng pera nya.Bakit hindi nya daanin sa pagkakawang gawa.Share your blessing ika nga.I mean yung talentong binigay ni God sa kanya,Gusto nya lang ibahagi din sa iba.__AKO

"Totoo.Pero namamana din naman yung ganyang talent diba. I mean It runs in the blood ika nga.Baka yung anak nya at mga apo ay mahuhusay din ang kamay sa pagpipinta.__VIA

"Malamang yun.Alam mo,Pangarap ko yan eh.Magkaroon ng anak na painter.hahahha.Kasi hindi talaga ako marunong pagdating dyan.Stick lang na tao ang alam kong i drawing.__AKO

"Hahahaha. Ako din.As in wala ding talent sa pagdo drawing.
Saka hindi ko din ma figure out kung ano ba yung mensahe ng isang obra.Meron daw kasing tao na kahit walang alam sa pagpipinta pero magaling naman mag interpret dun sa  mensahe nung larawan.__VIA

"Ahhhh,Oo parang nabasa ko din yan somewhere.May mga tao daw talagang inborn na artist.Iba iba nga lang ang way nila.
At tama ka,Kung magaling na artist yung may ari nung school na yun.Malaman na ganun din ang mga anak at apo nito.__AKO

"Buti na lang sabay tayo ng restday ngayon.Nakaka miss din makipag chikahan sayo eh.Dami nating napag uusapan. Tapos nakapag shopping pa tayo.Sana next time,Manuod naman tayo ng sine,Libre ko.Tagal ko na ding di nakakapanuod ng sine eh.
Lam mo na,Busy ang lola mo sa kaka raket.Nakalimutan ko na ngang huminga! Haaaay naku,Kelan ba tayo makaka ahon sa kahirapan!__VIA

"Hahahaha.Konting tiis pa,Aahon din tayo.Laban lang!__AKO

Kagaya ko ding mahirap lang si VIA  .Kahit solong anak lang sya ay sya naman ang bread winner sa kanilang pamilya.Bukod kasi sa sakitin nyang ama ay sa kanila din nakatira ang lolo at lola nya.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon