@SUNNY
Ganito pala ang feeling ng ma pressure at ma stress. Ang sakit nya sa bangs. Bukod sa ang aga aga ko ng gumising, Need ko pang mag puyat sa pagpi prepare para sa nalalapit naming pagbubukas nitong bagong tayo naming opisina.
At dahil kakaunti pa lang din ang empleyado namin, halos doble ang gawain at trabahong naka atang sa aming tatlo."Regs, Na gawa mo na ba yung mga documents na sinasabi ko sayo? Yung para sa business permit natin. Dadaanan na lang daw dito yun ng tauhan ng Tito ni Prince later eh...
"Wag kang mag alala, Nagawa ko na at na check ko na din yung para sa naman sa patahian. Wala na tayong problema dun kundi yung mga tauhan na lang dito sa opisina. Kelan ba darating yung HR manager na sinasabi ni PRINCE na kakilala nya?__Regie
"Guys, Wag na kayong ma bother dahil kasama ko na yung sinasabi ko sa inyong magiging HR manager natin. Sya na din ang bahala sa mga kukunin nating magiging assistant staff natin dito. At pagdating naman sa promotion and other stuff, Ako na ang bahala sa lahat. Mag relax lang kayo mga Boss.__Prince
May kasama syang babae na nasa late 40's ang edad sa tantya ko. Mukhang mabait naman pero parang istrikta ang dating.
Naka white syang blouse at itim na palda.Naka pusod ang buhok at may salamin sa mata. Bahagya syang ngumiti sa amin at saka iniabot sa akin ang isang envelop."Good Morning po sa inyo. My name is Norma Bustamente.
Dati po akong HR manager sa isang sikat na mall nuon. Last year po kasi ay nag asawa ako at nanganak na din kaya nag resign ako sa dati kong trabaho. Nandyan po ang lahat ng records ko kabilang na ang recomendation mula sa dati kong pinapasukan.__Mrs. Bustamante."Wow Ate nakaka empress naman ang records mo. Ang dami mong awards at recognition na natanggap from CK mall.Isa kang huwarang empleyado. Isang karangalan sa akin na maka trabaho ka.__ Regie
"Okey lang po ba na ATE NORMA na lang ang itawag namin sayo? By the way, Ako nga po pala si SUNNY VILLAREAL and this is my co owner REGIE and ofcourse si PRINCE na syang una mong nakausap kanina...
"Villareal ba kamo? Kaya pala familiar ang mukha mo sa akin dahil nakita na kita nuon sa CK mall. Kundi ako nagkakamali, Ikaw ang binansagang "THE PLAYFUL HEIRESS". REGINE "THE GREAT MECHANIC" and "THE PRINCE OF THE SOUTH " naman ang tawag sa dalawa mong kaibigan. Karangalan sa akin na kayo ang maging mga BOSS ko._ATE Norma.
"Awwww, Ate Norma ang galing mo! As in kilala mo pala kami? Hahahahah. Ngayon palang Ate,ramdam ko na na magiging magka vibes tayong dalawa eh. Iba ang dating mo sa akin pagpasok mo pa lang sa pinto eh. Tara dito Ate Norms, Ihahatid na kita sa magiging mesa mo. At eto naman yung mga papers and mga documents nung mga nag apply para maging staff natin, Ikaw na bahala sa kanila.__PRINCE
Bukod kay Ate Norma ay may dalawang office staff din kaming na approved na nakapasa sa interview ngayong araw. Sila ang naka assign para mag assist at tumanggap ng mga magiging clients namin.
Ang susunod na schedule ng interview naman ay para sa models at fashion consultant ang tatanggapin namin na mga applicants. Bukod pa sa mga designer na dapat ay sanay at matagal ng nananahi talaga. Mas matagal ng may experience mas maganda. Para sigurado ang kalidad ng mga gawa nila. Halos buong linggo kaming mag i interview ng mga aplikante para sa ibat ibang posisyon."So guys papano ba yan, Mauuna na ko sa inyo ha. May kailangan pa kasi akong asikasuhin. Tawagan nyo nalang ako kapag may mga tanong kayo. Seeyou tomorrow!__REGIE
"Wow naman brad, Talagang aalis kana kaagad? Hindi manlang ba tayo iinum at magsi celebrate? Gusto din naman namin ni Sunny mag unwind after ng trabaho. Bakit ba palagi ka na lang paalis ha, Tapatin mo nga kami. May nililihim kaba sa amin?__Prince
"Ano ba kayo wala akong nililihim. May kausap lang kasi akong client. Alam nyo na, VVIP kaya hindi pwedeng pag antayin. Hayaan nyo bukas, Magsi celebrate tayo. Sunny, Remind ko lang yung tungkol sa karera sa Linggo. Kita na lang tayo dun ha._Reggie
"Sige brad,Aattend ako sa Sunday. Namimiss ko na din kumarera eh. Ingats na lang and see you later. Ako ng bahala dito kay Prince...
"Pambihira! Ngayon ko pa naman sana gustong uminum eh.
Pero sige, Ako na lang iinum mamaya mag isa. Tatapusin ko na tong ginagawa ko.__Prince"Ano ba kasing problema Prince, Nag away na naman ba kayo ng gf mo? Bakit ba kasi napaka immature mo pa din until now. Pati ba naman anak ng gf mo, pinagseselosan mo pa din. Kaya kayo palaging nag aaway eh...
"Nakakainis lang kasi diba, Alam nya namang pagod ako palagi galing sa work tapos imbis na asikasuhin nya ko pag uwi, Nandun sya nakasiksik sa tabi ng anak nya. Kapag tatabihan nya naman na kong matulog at magri request ako ng "BABE TIME" palagi nyang sasabihin na pagod sya.
Try mo kayang lumagay sa lugar ko kundi ka mainis.__Prince"Hindi kapa ba sanay? Ilang months na kayong magkasama sa iisang bahay ah. At saka sa simula pa lang naman alam mo ng may anak syang mas priority nya kaysa sayo. Kasama yun sa tinanggap mo mula ng piliin mo sya over dun sa isang ex mo. Ganun talaga ang mga nanay, Mas uunahin ang mga anak nila bago ang pansarili nilang kaligayahan...
"Naks naman Sunny, Ikaw ba yan? Ahahahhaa. Iba din ang nagagawa sayo ng pagbi Business ah, Nagkakaroon kana ng pakialam sa society.Kailan kapa natutong mag payo at magseryoso when it comes to relationship ha? Hindi ako sanay. Ang Sunny na kilala ko ay yung mapanakit at mapanglinlang. Walang pakialam sa LOVE at PAKIKIPAG RELASYON ng SERYOSOHAN.__PRINCE
"Loko! Ako pa din to noh. Hindi pa din ako naniniwala sa LOVE at SERYOSONG RELASYON. Sakit lang sa ulo yan.
Ang sinasabi ko lang, Kung sa palagay mo hindi kana masaya at ayaw mo na sa sitwasyong pinasok mo, PWEDE ka namang umayaw.Hindi yung nagkaka ganyan ka!..."Sige lang Sunny, Magpatuloy ka lang sa pagiging Mapaglaro mo. Enjoy it while it last ika nga. Kasi kapag dumating na yung time na nakilala mo na yung "THE ONE" mo, Saka mo lang mari realize kung gano kasarap MAGMAHAL at MAHALIN.Parang kami lang ng Babe ko, Sa simula talaga ng relasyon medyo masalimuot at may mga tampuhan pero alam kong darating din kami sa point na hindi na namin kakayaning mawala ang isa't isa.__Prince.
Nagkibit balikat lang ako at saka nagsimula na ding mag ligpit ng mga gamit ko. Mga ilang sandali pa ay sabay na kaming lumabas ni Prince ng opisina at nag decide ako na samahan na lang din syang uminum ngayong gabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/255971286-288-k184900.jpg)
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...