EP22__HARD TO SAY IM SORRY

54 6 2
                                    


@ELLEN

Kapag naaalala ko talaga ang babaeng yun ay kumukulo ang dugo ko. Napaka ipokrita nya. Mapagpanggap na nilalang!
Kapag kaharap nya yung mga kaibigan nya at yung pamilya nya, Akala mo ay napaka bait nya.Pero kapag ako na ang kaharap nya, npaka sama ng ugali nya. Grrrrrrr!

"Oi Ellen,Sinong kausap mo dyan? Bakit nagsasalita kang mag isa? __BING.

"Oi Bing ikaw pala. Sarili ko ang kausap ko. May naaalala kasi akong taong hunyango eh. Pero hayaan mo na yun,Hindi sya worth it pag usapan. So, kamusta na nga pala yung raket na sinasabi mo. Sure deal ba yan?__AKO

"UU naman, Legit ito noh. Papahiyain ba naman kita. Yung asawa ko ang leader ng team kaya siguradong pasok sa banga!__Bing

"Ayos! Need ko lang kasi ng extra raket ngayon. Alam mo na, Malapit na naman ang pasukan.Kailangan ko ng mag ipon na naman ng pambayad ng tution fee ni brother.__AKO

"Alam mo napaka swerte ng mga kapatid mo sayo.Talagang ginagawa mo ang lahat para sa kanila. Baka naman kaka suporta mo sa kanila nyan,Makalimutan mo na ang sarili mo. Dapat kahit papano naman,Magka time ka din lumablayp.Iba din naman ang may inspirasyon ka__BING

"Naku saka na yang lablayp.Dagdag sakit ulo lang yan. Lalo pa kung mapunta kapa sa maling tao. Speaking of maling tao nga nga,Hindi lang pala mga lalaki ang two timer ano.Kahit pala mga lesbian na kagaya mo may mapanakit din. Pero di ko naman sinasabing lahat ah.__AKO

"Hahahaha. Kumporme naman yan sa tao. Hindi naman lahat.
Kahit na anong gender pa yan,Kapag lolokohin ka. Lolokohin ka!
Pero kung ako ang tatanungin mo,Hindi ko magagawa yun. Naniniwala kasi ako sa KARMA. Na kung ano ang ginawa mo sa kapwa,yun din ang babalik sayo.__Bing

"Haaaaay,Sana lang ganyan lahat ng mga tao.Bakit kaya may mga tao talagang sadyang manloloko ano? Hindi magkasya sa iisa.
Gusto pa ng ibang putahe at gusto ng paiba iba.__AKO

"Well,May iba't ibang dahilan naman kaya ganun.At tanging sila lang ang makakasagot dun. Bakit,May kilala ka bang nang two time at parang apektadong apektado ka dyan?__BING

"Yung friend ko sa College kasi nagka problema sa lovelife nya.
Hindi ko nga alam kung okey na ba sya eh. Naaawa kasi ako sa kanya dahil sila lang ng anak at ng nanay nya ang magkakasama. Siguro kapag tapos na ko sa raket na binigay mo, papasyalan ko sila. Ayoko din namang pumunta dun na wala man lang akong bitbit na kahit ano.__AKO

"Kaya nga eto na ang sulusyon dyan sa problema mo. Eto yung address at contact number. Mga 6pm daw ang start nung event kaya dapat bago mag 6pm nandun kana.Basta sa sabado,Okey na tayo ha.Tawag ka na lang kapag may tanong ka.Sige alis na ko.__BING

"Sige,Salamat! Tawagan na lang tayo.__AKO

Iniwan ko sa store ang motor ko kaya naisipan kong maglakad na lang pauwi sa amin. Dahan dahan lang ang lakad ko ng biglang pumatak ang ulan kaya agad akong naghanap ng masisilungan.

"Miss Cutie??? Sabi ko na nga at ikaw yan eh. Nag aabang kaba ang masasakyan,Halika na at ihahatid kana namin sa bahay mo.__Yung may ari ng TALYER ni REGIE.

"Misss Cutiee! Sumakay kana. Wag ka ng mahiya sa amin. Kilala mo naman kami diba? Ihahatid kana namin.__Prince.

Gustuhin ko mang makisakay ay hindi ko talaga yun gagawin kahit na anong pilit pa ang gawin nila. Hindi naman sa wala akong tiwala pero ayoko lang mainvolve sa kanilang mga anak mayaman. Lalo pa at kaibigan nila si hunyango na kasama pa nila mismo dun sa kotse.Never talaga kong sasakay dun kahit na hindi na ko makauwi agad.

"Miss Ganda, Pasensya kana kung na late ako ng sundo. Isuot mo na tong helmet mo para makauwi na tayo.__Lalaking naka motor na tumapat mismo sa harapan ko.

"Miss Cutie,Kilala mo ba yan? Dito ka na sa amin sumakay. Mas safe kapag sa kotse ka sumakay kaysa sa motor.Tara na,Ihahatid kana namin.__Prince.

"Wag nyo na kasing pilitin kung ayaw.May sundo naman pala eh.Lets go na guys,Naaabala lang tayo sa pupuntahan natin.__Sunny.

"Pasensya na sa abala ha.May sundo kasi talaga ako. Salamat sa inyong dalawa.Ingat na lang.__AKO

"Sure ka? Okey sige mauna na kami ha. Ingat ka din,Medyo delikado ang motor kapag maulan. Bye Miss Cutie!__REGIE

"Napaka antipatiko talaga! Haaaaist! Nakaka sira ng gabi.
Ikaw naman,Kaninong motor ba itong dala mo ha?__AKO

"Araay ko! Ate naman.Sinusundo na nga kita eh. Wag kang mag alala,Hindi ko to ninakaw no.Pinahiram sa akin ni Miss Castro.
Sa Daddy nya daw na nasa Italy.Sayang naman daw kasi dahil wala ng gumagamit at baka masira lang sa kanila kaya naisip nya daw na sa akin na lang ipahiram.__ELVIS

"Ayun,At sinamantala mo naman.Iba ka din eh.Hindi ka ba marunong tumanggi ha? Nakakahiya naman sa kanya.Baka naman isipin nya na pera nya lang ang habol mo sa kanya.__AKO

"Ate! Alam mong hindi totoo yan. Nakaka inis ka. Wag kang mag alala.Bukas na bukas din ay ibabalik ko na ito sa kanya.__ELVIS

Nakarating na kami sa bahay ay hindi pa din ako muling kinausap ni Elvis. Bakit ba naman kasi napaka daldal nitong bibig ko. Nagsasalita na naman ako ng hindi muna nag iisip kung makakasakit ba ko.Pambihira.Wala na kong pinag iba kay hunyango sa mga pinagsasabi ko sa kapatid ko.

"Elena anak,Ano na naman yung pinagkagalitan nyong magkapatid? Tungkol ba yun sa motor? Wag kang mag alala, Sinabihan ko na sya na isoli iyun sa may ari. Sinabi naman nya na hiniram nya lang yun at isosoli din naman nya agad.Pagpasensyahan mo na ang mga kapatid mo,Medyo excited lang sila sa mga bagay bagay na wala sila.Pero hindi naman ibig sabihin nun ay magkaka interes na sila sa di  nila pag aari.__NANAY

"Alam ko naman po yun Nay.Mababait silang tatlo at hindi sila materialistic na tao.Pasensya na po.Bukas na bukas din ay kakausapin ko si Elvis at magso sorry ako sa kanya sa mga nasabi ko. Matulog na po tayo Nay.Goodnight po.__AKO

"Goodnight din anak.__Nanay.

Maya maya pa ay nadidinig ko na ang mahinang paghilik ni Nanay.Habang hindi pa ako agad makatulog.Naaalala ko na naman yung eksena kanina sa bus stop.Yung napaka LAMIG na expression ni SUNNY kahit na nakita nyang nabasa ako ng bahagya sa ulanan.Wala man lang syang katinag tinag at ni hindi manlang ako pag aksyahang tingnan man lang habang nagsasalita.

BAKIT BA SUNNY ANG PANGALAN NYA KUNG MAS MALAMIG PA SYA SA YELO KUNG UMASTA.


(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon