@SUNNY
Pag uwi ko sa mansion ay diretso akong nagbabad sa tub para maginhawaan.Kahit naman nakapag shower ako sa unit ni Regie ay iba pa din kapag sa mismong sarili mong room ka magbababad.Mas komportable at panatag kang walang ibang tao.
"Heaven,Where are you? Bakit tinatawagan kita kagabi,Busy magdamag yang fone mo!__AKO.
"Miss Sunny, Wala pong tao dyan sa kwarto ni Miss Heaven. Maaga syang umalis pagka alis na pagka alis nila Madam MJ at Boss Cloud.__Lily. Sya yung all around cleaner ng kwarto naming tatlo.
"Hindi ba sinabi kung saan sya pupunta? Pwede ko bang mahiram yung susi sa room nya?__AKO
Binuksan ko ang room nya at saka nagsimulang mag imbestiga.
Nakakapagtaka kasi na umuwi sya from Madrid na hindi sya nagpasundo manlang. Hindi si Heaven ang tipo na magta travel na dalawa lang ang dalang bagahe. Pinaka maunti na ang limang luggage.Pero bakit wala syang kahit na anong bagahe manlang dito sa room nya?"Sunny apo,What are you doing here? Hindi ba't kwarto ito ng kapatid mong si Heaven?__Momshie Martha.
"Momshie your here! I miss you. Well,Nandito ako para mag imbestiga. Nagtataka lang kasi ako bakit walang pasabi mula kay Heaven na uuwi sya. At naghahanap ako ng luggage nya pero wala kong makita. Hindi lang ako makapaniwala.__AKO
"Hahahahha. Ganun ba? Baka naman hindi talaga sya nagdala ng madaming bagahe since babalik din naman sya after 2 months.
Madami pa din naman syang damit na naiwan dito sa closet nya na di pa naisusuot. Ang mabuti pa,Samahan mo na lang akong mamasyal.__Momshie Martha"San po ba tayo pupunta Momshie? Parang hindi ako pamilyar sa lugar na ito ah.__AKO.
"Don't worry apo,Malapit lapit na tayo sa pupuntahan natin. Ay eto na pala.Mang Lando,Paki baba na lang kami dyan tabi.
Lets go apo!__Momshie Martha" SARANG FRIED CHICKEN "... Momshie,Dont tell me dito tayo magla lunch? Pero madami namang Korean restaurant na pwede nating kainan ah. Bakit dito pa?__AKO
"Masarap kasi ang chicken nila dito.At saka gusto ko ding makita si ELENA. Hindi mo ba sya natatandaan,Sya yung singer na kumanta sa birthday ng Lolo GD mo.__Momshie Martha
"Hello,Welcome to Sarang fried Chicken!__Miss Elena.
"Elena!Its me,Madame Martha.Natatandaan mo ba ko?__Momshie
"Madame! Magandang araw po. Dito po kayo umupo. Kamusta po, Bakit po kayo nandito,May problema po ba?__Miss Elena.
"Wala namang problema iha.Gusto lang talagang kumain ng manok nyo dito. At saka gusto ko ding makilala yung amo mo sana.May sasabihin sana ako eh. Nandyan ba sya?__Momshie.
"Naku Madame,Pasensya na po.Mga 11 am pa po kasi dumarating ang Boss ko. Nag mama aga lang po sya ng dating dito kapag may maramihang order kami. Ano po bang gusto nyong flavor madame?__Miss Elena
"Ayos lang kami dito mag antay hanggang mamaya. Sige lang, unahin mo na muna yung mga ibang costumer mo. Original lang ang gusto namin ng apo ko. Ay syanga pala,Hindi pa siguro kayo nagkakakilala ng pormal nitong gwapo kong apo.Sya si SUNNY, Single pa yang gaya mo.__Momshie
"Momshie talaga, Wag nyo na pong ilakas yung word na single. Baka mamaya magka problema pa tayo nyan eh.__AKO
"Hahahaha. Pasensya na. Proud lang masyado ang momshie mo sayo apo ko. Hindi ko na ipagkakalat na single and available kapa hanggang ngayon.__Momshie
"Nice meeting you po Miss Sunny. Saglit lang po ha at isasalang ko na po kaagad yung order nyo.__Miss Elena.
"Momshie, Ayos ka lang ba? Hindi kaba naiinitan? Gusto mo bang mang hiram ako ng extra fan nila?__AKO
"Ayos lang ako Apo,Hindi ako naiinitan. Sanay akong kumain sa mga ganitong kainan nung kabataan ko. Ang Popshie Skyler mo lang ang sobrang selan sa mga ganun,Pero sya naman itong sakitin. __Momshie Martha.
"Si Daddy naman po ay hindi din maselan na gaya nyo. Mas sa inyo po talaga sya nagmana at hindi kay Popshie Sky. Pati po sa pagiging gifted sa pag guhit ay hindi magkakailang kayo po talaga ang mommy ni Dad.hahahaha.__AKO
"Sinabi mo pa.Sa itsura lang talaga kami nagkatalo. Magkaka mukha kayong apat. Parang younger version ka ng Daddy TOP nung kabataan nya,at pati sa pagiging womanizer ay parehong pareho kayo. Kawawa naman ang magiging asawa mo!__Momshie
"Hahahaha. Grabe ka sa akin Momshie! Bakit naman kawawa?
Maswerte nga sya at sya na ang magri reyna sa CK mall pag pinakasalan ko sya eh. Pero malayo pa namang mangyari yun ngayon,Wala pa sa plano ko ang magseryoso sa pag ibig.__AKO"Ano bang malayo pang mangyari ha. Kailangang pagka graduate mo,May babae ka ng maipapakilala sa amin. Ayoko ng umabot pa kayong magpipinsan sa edad na 25 bago kayo magsipag asawa.
Baka naman hindi na namin maabutan pa ang mga magiging mga anak nyo.Hindi na yun uubra sa mga LOLO at LOLA nyo.__Momshie"Excuse me po Madame,Eto na po yung order nyo. Nagpa dagdag na din po ako ng fan para naman po hindi kayo masyadong mainitan. Pasensya na po kayo kung hindi ko kayo masyado ma entertain. Ako po kasi ang naka duty kapag umaga.__Miss Elena
"It's okey,Wag mo kaming alalahanin.Kasama ko naman ang apo ko at nag eenjoy kami sa pagku kwentuhan. Sige lang, Tuloy mo lang ang ginagawa mo iha.__Momshie
Hindi ko alam kung ano bang gayuma ang pina inum ni Miss Delivery girl sa Momshie ko at giliw na giliw sya dito. Hindi kasi madaling magtiwala ang Momshie sa ibang tao unless nakasama at nakakakausap nya na ito ng madalas.Kaya naman malaking pala isipan sa akin ang ikinikilos nya ngayon.
"Ano kamo Momshie,Ipagpapa alam mo sa Amo nya si Miss Elena na samahan tayo maghapon sa pamamasyal? Pero bakit? Kaya naman kitang samahan kahit saan mo gusto pumunta ah. Bakit kailangan mo pa ng ibang kasama? Gusto mo bang magshopping, I can do that too.__AKO
"Uhmm,Hindi ka marunong kumanta gaya ni Elena. Kaya mo bang kumanta sa harapan ng mga batang cancer patient apo?
Kung kaya mong kantahan sila at pasayahin,Sige hindi ko na isasama si Elena.__Momshie"Haaaaist,Teka lang naman Momshie.Syempre hindi ako marunong kumanta. Hindi mo naman sinabi agad kung saan ba tayo pupunta mamaya eh. Okey na,Ikaw na ang bahala. Isama mo na sya kung isasama.__AKO
Habang nasa counter si Miss Elena ay di sinasadyang napatingin ako sa kabuuan nya. Infairness naman sa mukha nya,Hindi sya ganun ka kaganda pero cute sya lalo na kapag tumatawa. Balingkinitan ang katawan kahit na hindi naman katangkaran. Maputi din naman sya at saka hindi din papa kabog ang matayog nyang hinaharap at may katambukan nyang butt.
Bahagya akong namula ng mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin at tila ba parang "PINAGPAPANTASYAHAN" ko na yata sya sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...