Bukod sa pagiging food delivery girl ay may isa pa akong tinatagong raket.
Kumakanta din ako paminsan minsan sa mga special event. Gaya na lang ngayon na naimbitahan akong kumanta sa isang Birthday party.Kakaunti lamang ang mga bisita sa party pero halatang mayayaman at may mga sinasabi lahat ng mga taong nanduon. Ngayon ang kaarawan ng Bilyonaryong negosyante ng VILLAREAL GROUP na si Boss GD VILLAREAL."Wooowww! Grabe,Ang laki laki naman ng bahay na to. Parang palasyo na yata sa dami ng mga kwarto. Asan ba ang cr dito at ihing ihi na talaga ko.__AKO.
"Sa right side ka dumiretso. Unang pinto.__Girl from nowhere.
Nagulat ako ng biglang may magsalita mula sa likuran ko. Bahagya akong namula ng makita ko paglingon ko kung sino ang nagsasalita. Si Miss Ganda! Yung magandang babae sa talyer, yung babae sa festival, at yung magandang babaeng nakatira sa pangmayamang PENTHOUSE... SYA na naman???
"Ahhhh, Okey po.Salamat.__AKO. Saka ako mabilis na naglakad para mag banyo.
"Mga Minamahal kong KAPAMILYA at mga KAIBIGAN. Lubos akong nagpapasalamat sa MASAYANG ARAW na ito sa aking buhay.Dahil alam ko na nandito lahat ng PINAKA MAHAHALAGANG TAO sa buhay ko. THANK YOU SO MUCH everyone,Sa PAGMAMAHAL,PAGTITIWALA AT Walang SAWA nyong PAG SUPORTA sa VILLAREAL GROUP.
Mawala man ako sa mundo,Alam kong nandyan kayong lahat para ipagpatuloy ang LEGACY na ipinamana sa akin ng aking INA at AMA. Sa aking mga ANAK na sina MAUI AT ALOHA,APO na sina MJ at ZOIE...Salamat sa inyo.
Sa aking mga APO sa tuhod na sina ZOLENN,ZABRINA,HEAVEN and SUNNY
Sa inyo ko iiwan ang lahat ng aking mga PINAGHIRAPAN. Dugo at pawis ang sya kung ibinuhos para sa inyong maganda at marangyang KINABUKASAN.
Nawa'y pagyamanin nyo pang lalo at ipagpatuloy ang aking IIWANG PAMANA para sa inyo at sa inyong bubuuing PAMILYA.Mahal na Mahal ko kayong lahat!__GD VILLAREAL.
Bahagya akong kinilabutan sa mga huling mensahe ng patriach ng mga VILLAREAL. Lahat din ng mga naruon ay biglang naging emosyunal at may mga nagsisipag iyakan pa ng palihim. Napa dako bigla ang mga mata ko sa gilid kung saan naka upo banda si Miss Pretty girl. Apat silang nag gagandahang mga babae na naka upo sa isang mesa duon.
"Wag kang nerbyusin,Mababait silang lahat kahit mayaman.
Kung magkamali ka sa pagkanta mamaya,Hindi ka naman nila pagagalitan.Hindi ka lang nila bibigyan ng malaking TIP.__Kasambahay. Naka uniporme kasi sya kaya alam agad kung anong work nya dito sa mansyon."Salamat po sa moral support ate.Sobra po talaga akong kinakabahan.Hindi ko naman po kasi alam na mismong patriach ng Villareal group ang kakantahan ko. Ang sabi lang ng kontak ko,Mayamang Pamilya nga daw po. Hindi nya naman sinabi na SOBRANG MAYAMAN pala.__AKO.
"Hahahahha. AKO SI MERRIAM.Okey lang yan,Mukha namang magaling ka eh. Di ka naman ire recommend nung contact mo kung mapapahiya sya sayo.Kaya mo yan,Relax lang at saka do your BEST.Fighting!__Kasambahay.
"Sige po gagawin ko ang BEST ko.Haaaaaaist! Kaya ko to!__AKO.
Hanggang sa tawagin na nga nila ang pangalan ko at naglakad na ako papunta sa maliit na entablado. Humarap ako sa mga tao na naka todo ngiti kahit na deep inside ay kabang kaba na ko at parang hihimatayin na sa sobrang nerbyos.
Ilang sandali pa ay natapos ko din sa wakas ang kantang prinaktis ko pa ng ilang araw habang nag dedeliver ng manok.Kaya nga lang ay humiling pa ang mga tao ng isa pa daw kanta .Wala naman na kong nagawa kundi ang pagbigyan sila. Sa pangalawang pagkanta ko ay hindi sinasadyang napatingin ako kay Miss Pretty.Hindi ko alam pero bakit parang may magnet na humihigop sa akin at sa buong oras ng pagkanta ko ay sa kanya lang ako nakatingin.
"Wow,Ang galing galing mo naman iha. Ang ganda ng vibrato mo.Professional singer kaba,Para kasing ngayon lang kita nakita eh?__ Madame. Maganda syang babae na naka blue na gown.
"That's right.Magaling nga syang kumanta.At ang cute nya pa diba honey?__Isa pang Madame. Mayroon syang katabing maganda ding babae pero naka bihis pang lalaki naman na tinawag nyang honey.
"Maraming Salamat po at nagustuhan nyo ang pag kanta ko. Actually po,Hindi po ako talaga professional singer. Nagkaroon po kasi ng emergency yung totoong kakanta kaya ako ang ipinadala nila.Pasensya na po.__AKO
"Really? Ay grabe,Hindi kapa professional singer nyan ha pero ang galing mo na.Meron ka bang calling card just in case gusto ka naming kunin uli?__Unang madame na kumausap sa akin.
"Naku Ma'am, Sorry po kasi ang card lang na meron ako ay etong food delivery card ko. Dyan po kasi ako nagta trabaho. Pwede nyo po akong tawagan dyan,Ako po mismo ang sasagot sa tawag nyo.__AKO
"FOOD LANDIA Delivery services. Wow,Nakaka amaze ka naman.
Hindi ka lang pala magaling na singer,Magaling na delivery girl kapa! Napaka sipag na bata. Bilib ako sa mga kagaya mo iha. By the way,Just call me TITA MJ,and this is my husband CLOUD.
__Madame MJ."Hello Miss.Just call me Tito Cloud.Alam mo,Nakikita ko ang sarili ko sayo nung kabataan ko eh. Ganyan din ako nuon,Laki ako sa kalsada kaya wag kang mailang sa akin.__Madam Cloud. Na later ko na lang napantanto na mag asawa pala sila kahit pareho silang babae.
"Oo tama yun Miss cutie, Wag kang mailang sa amin.Hindi kami mahirap kausap.Kung si Tito Cloud laking kalsada,Ako naman laking bundok.Dati kasi akong sundalo.And this beautiful lady over here,This is my WIFE. Just call me TITO PERTH and this is your TITA SAINT.__Madam PERTH.
"Hahahahha. Wag nyong masyadong pini pressure si Miss Angelic Voice. For sure gulong gulo na sya sa atin. Wag kang ma confuse iha, Puro kami mga babae dito pero babae din ang mga asawa namin. Masasanay ka din. Ano nga palang name mo miss?__Madam SAINT na dati palang doctor nung dalaga pa sya.
"Pasensya na po,Medyo kinakabahan po kasi ako talaga. Ako nga po pala si ELENA MARASIGAN. Nag stop po ako ng pag aaral para magtrabaho muna.Pasensya na po,Pawis tong mga kamay ko.__AKO. Isa isa ko silang kinamayan kahit kabang kaba ako
"Okey lang yan,Nag stop ka naman dahil may dahilan.Sa nakikita ko naman sayo,Masaya ka sa ginagawa mo kaya ipagpatuloy mo lang. So papano,Tatawagan ka na lang namin kapag need namin ng magaling na singer ha.Wag mo kaming kalimutan. Seeyou next time.__Madame CLOUD.
After akong mabayaran ng secretary ng nila ay nagpaalam na ako para umalis.Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon lang ako umattend ng isang napaka bigating event na hindi ako na BULLY o nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mayayaman. Lahat kasi ng mga naattendan kong mga event nuon ay hindi nawawalan ng mga bruha at mga taong ang tingin yata sa sarili nila ay sila lang ang mga anak na pinagpala.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...