@ELLEN
Halos madilim pa ng lumabas ako ng bahay at ihinanda ko na kagaad ang motor ko para sa pag alis. Mahirap na kasing abutan ng tanghali sa pamimili ng mga tela sa Divisoria.
Kulang isang oras din ang byahe mula dito sa amin papuntang Manila kaya namang sinadya ko talaga umalis ng madaling araw pa lang. Maingat kong hinila muna ang motor ko palabas ng gate bago ako sumakay dito. Ayoko kasing makalikha ng ingay sa loob at baka magising sila Nanay at mga kapatid ko.Masyado pang maaga para bumangon sila.Sayang din ang mga tatlong oras na pagtulog
bago pa sila magsipag handa sa pagpasok sa eskwela."Via! Kanina kapa ba nag aantay sa akin? Ang aga mo ngayon ah.Parang hindi ako makapaniwalang ikaw yan...
"Loka ako talaga toh! Minsan na nga lang mag maaga eh inaasar mo pa.Halika na nga at ng makapamili na tayo ng mga telang pinapa order sa atin.Kabilin bilinan pa naman sa akin nung buyer na dapat daw ay malambot at mukhang mamahalin ang mga telang bibilhin natin. Medyo maselan daw kasi at class yung taste nung mga Boss nya eh._VIA
"Maselan ba kamo at class? Naku wag kang mag alala, Akong bahala maghanap ng mga telang siguradong magugustuhan nila.
May suki kaya ako na mismong sa Vietnam pa galing ung mga tinitinda nyang tela.At kahit mga kilalang designer ay sa kanya mismo bumibili..."Talaga? Naku naman friend, Buti na lang talaga at ikaw yung naisipan kong isama sa raket ko na ito eh. Wag kang mag alala, Ang sabi sa akin nung costumer ko, Kapag daw nagustuhan ng mga bosses nya ung mga pinamili natin, Sa atin na daw sya palage mag oorder. Medyo bago pa lang daw kasi ung negosyo nung mga amo nya kaya paunti unti muna ang bili at hindi bultuhan.__Via
"Oo naiintindihan ko. Ganun naman talaga sa simula ang negosyo,Hinay hinay lang muna sa simula tapos kapag sa tingin mo kaya mo ng makasabay, Saka mo pag igihan ang pagpapatakbo. Ilang maliliit na business na din ba ang napasukan ko nuon tapos ngayon mga asensado na.Kaya nga hindi dapat talaga nawawalan ng pag asa eh...
"Oo nga, May bertud ka yata kasing taglay kaya kahit anong tindahan ang pinagta trabahuhan mo,Umaasenso. Gaya na lang nung Sarang Chicken house diba, Sino bang mag aakala na ang dating maliit na stand lang nuon ay magiging sikat ng Korean Chicken restaurant ngayon. Tapos yung unang pinasukan mong lugawan nuon, Aba sikat na restaurant na din.__VIA
" Ikaw talaga, Nagkataon lang yun. Talagang aasenso ang mga kagaya nila dahil matyaga at masipag kasi talaga ang mga may ari ng mga yun. Naku, Tamang tama pala at nandito na tayo sa stall ng suki ko. Manong Karding Magandang umaga po...
"Aba Helena, Maaga ka yata ngayon ah. Ano bang atin?__ Mang Karding
"May mga tela po kasi kaming hinahanap nitong kaibigan ko. Ang sabi sa amin ng costumer, Yung eleganteng tignan daw po at saka malambot ang tela.Ano po bang mai rerekomenda nyo sa amin?...
"Mukhang elegante ba kamo, Naku madami ako nyan.
Halikayo dito sa loob at kayo na ang bahalang mamili ng kulay at ng klase ng lambot ng tela ang gusto nyo. Mayroon kaming silk, satin at cotton na din na talaga namang siguradong magmumukhang elegante ang magsusuot. Depende na lang yan sa desenyo at style ng gagawa.__Mag Karding"Ang dami palang klase ng magagandang tela dito Mang Karding. Parang ang hirap mamili. Siguradong matutuwa ang costumer namin dito dahil magaganda talaga ang tela nyong tinda.__VIA
"Kaya nga eh, Iba talaga si Mang Karding. Hindi pa yan malakas magtubo. Dating mananahi kasi ang Lola ko nung nabubuhay pa sya at dito sya nuon madalas mamili. Sinasama nya ako dito nung bata pa kaya kilalang kilala na ako ni Mang Karding nuon pa...
"Sinabi mo pa, Kalikot likot na bata nyan nuon. Madalas maghabol at maghanap ang lola nya sa kanya dahil bigla na lang nawawala sa tabi nya. Hanggang sa nag dalaga na yan ay ganun pa din kalikot at kakulit na bata.__Mag Karding
"Mang Karding talaga, Hindi na ako makulit ngayon. Malikot na lang pwede pa. Kasi naman ay kasama na sa trabaho ko ang pagiging mapaghanap. Natutunan ko yun dito sa divisoria eh. Kaya siguro magaling ako sa direksyon dahil nga sa pagiging makulit ko nung bata...
"Ahahahaha. May training ground kana pala bata kapa lang.
O sya eto na yung mga napili kong mga kulay Elle, Ikaw ba anong mga kulay na yang napili mo at baka magkapareho tayo.__Via"Eto naman yung sa akin, Halos puro earth color naman ang napili kong mga kulay. Hindi kasi ako mahilig sa colorful na damit. Yung simple lang at hindi pansinin masyado. Pero infairness dito sa mga napili mo ha, Ang gaganda din at saka di naman masyadong masakit sa mata...
"Oo naman, BASIC lang din naman kasi ang feels ko lalo na pagdating sa damit. Mas mukhang elegante at classy naman kasi talaga tignan kapag ganung mga kulay ang suot hindi ba. O papano, ipa kwenta na natin lahat ng mga ito at ng maka kain na tayo. Nakaka gutom na no, mag aalas dose na kaya.__VIA
"Sige ako ng bahala magbit bit nito sa counter at ikaw na ang mag abang dun sa cashier. May mga costumer pa din kasing kausap si Mang Karding kaya mas okey kung tulungan ko na syang mag ayos nung mga tela nya...
"Ikaw talaga, Napaka matulungin mo masyado. May mga assistant at helper naman syang kasama oh. Pabayaan mo na silang gumawa nyan. Nakakapagod kayang mamili, Ang sakit sa braso at binti.__Via
"Sige na, pumila kana sa cashier at ako ng bahala dito. Nakakahiya naman na iiwanan natin itong magulo.
Susunod na ko sayo kaagad pagtapos kung isalansan ang mga ito.Wag ka na lang ding iimik kay Mang Karding ng discount at tyak naman na bibigyan nya tayo kahit di ka magsabi..."Pambihira, Sa lahat naman ng costumer ikaw lang ang hindi pala tawad.Joke! hahahahha. Pero tama ka naman, Mukhang kahit di ka magsalita ay malaking discount talaga ang ibibigay sa atin ni Mang Karding. Sige na Elle, Intayin na lang kita dun sa labas ha.__Via
Bukod sa napakalaking discount ay may ini abot pa sa aking dalawang box ng hopia si Mang Karding bago umalis. Alam nya kasing yun ang favorite kong kinakain habang nag aantay ako kay Lola Elsa nuong bata pa ako. Nakasanayan nya na tuloy na nag aabot sa mga bata ng libreng hopia para hindi mainip at di na maglikot habang nag aantay sa kani kanilang mga Lola at Nanay habang namimili ng mga tela. Bigla ko tuloy naaalala at namiss ang Lola Elsa ko.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...