EP13__FAMILY TIME

70 6 1
                                    


@Elena

Dahil sa nangyaring kumosyon kanina,Bahagyang naantala ang mga deliveries ko at muntikan na kong di makapag hatid sa tamang oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil sa nangyaring kumosyon kanina,Bahagyang naantala ang mga deliveries ko at muntikan na kong di makapag hatid sa tamang oras.

Hindi ko lang kasi lubos maisip kung bakit naging ganun ang nangyari kanina

"Naku Inday,Ang haba ng hair mo sa part na yun ha. Pinag awayan ka ng dalawang gwapong babae.hahahhaa.__Bing.

"Luka luka,Pinag awayan ka dyan.Hindi nga kasi sabi ganun.
Bakit mo ba pinipilit na mga lesbian yung mga yun eh ang ganda ganda nung isa sa kanila.__AKO

"Ano kaba,Exclusive school for girls yun noh.Normal na sa mga magagandang babae dun na mag away away kapag may nakikita silang babaeng type nila. Ikaw na din ang nagsabi,Na handa kang bayaran nung girl na humila sayo para lang makasama ka.__Bing

"As if naman madadaan nya ko sa pera nya.Kahit naman hindi dumating si pretty girl,Hindi din naman ako papayag na basta nalang sumama sa kanya noh. Anong akala nya sa akin,Madadaan nya sa pera porke delievery girl lang ako. Over my dead body!__AKO

"Mabuti na lang kamo dumating yung magandang tomboy na sinasabi mo,Kundi baka hanggang ngayon nandun kapa din sa loob ng room na yun.Puro anak mayaman lang ang mga nag aaral dun eh,Bilang ang mga estudyante sa bawat room at saka milyon ang bayad sa tuition fee. Sa palagay mo,Makakalabas kaba ng virgin pa dun?__BING

Kagaya kong delivery girl din si BING. Pero iba ang kumpanyang may hawak sa kanya. Exclusive lang kasi ako sa store na pinapasukan ko. Madalas ko din syang nakaka kwentuhan sa free time namin kaya alam kong may experience na sya sa usaping pang girl to girl.(Lesbian kasi si BING pero hindi halata)

"Papano ba malalaman kung babae din ang hanap nung babae na mas maganda at mas sexy pa sayo?__AKO

"Well depende yan sa tao.Kasi minsan,Kapag alam mong pareho kayong babae din ang hanap,madali mong maaamoy eh. Pero sa kagaya mong straight, Medyo mahirap mahalata yan unless sya mismo ang magsabi sayo na gusto ka nya.__BING

"Pero hindi ko talaga maamoy na lesbian yung girl na yun eh.
Parang imposible kasi sobra talagang ganda nya. Yun kasing nag order ng chicken sa akin,Halata mong lesbian kasi brusko kumilos at magsalita eh.__AKO

"Hahahahha. Ewan ko lang ha,Pero base dun sa kwento mo at sa way ng pagtatanggol nya sayo kanina...Parang may kumpetisyong nagaganap sa pagitan nila.__BING

"Ahhhh, Baka nga may rivalry sa pagitan nila.Baka may girl silang pinag awayan kaya ganun na lang sila ka galit sa isat isa.
Haaay naku,Ewan ko. Hayaan na nga natin yun. Basta mula ngayon,Hindi na ko talaga papasok sa room o bahay nung mga nagpapa deliver sa akin para sure. Kahit pa sabihin nilang nagpapatulong lang. Bahala sila!__AKO

"Hahahaha. Oo naman,Dapat talaga mag ingat tayo palagi at wag basta kaagad magtitiwala.
So papano,Mauna na kong umuwi sayo ha. Bukas na lang ulit tayo mag chikahan.
Sana wag umulan para hindi mahirap sa byahe!__BING

"OO nga eh.Sana nga wag umulan. Sige,Ingat ka ha. Salamat sa explanation mo,medyo naliwanagan ako ng kaunti! Hahahaha__AKO. Ilang saglit pa ay nagpaalam na din ako sa Boss ko na uuwi na dahil tapos na ang duty ko.

Mabuti na lang at malapit na ko sa bahay ng bumuhos ang malakas na ulan. Napangiti naman ako ng makita kong wala na sa samapayan yung mga pinatuyo kong damit kaninang umaga.
Napaka responsable talaga ng mga kapatid ko.Hindi sila kagaya ng ibang kabataan na kailangan mo pang sabihan bago kumilos.

"Ate,Buti naman at nakauwi kana. Susunduin na sana kita sa labasan eh!__ELMO.

"Oo nga eh,Saktong nasa may kanto na ko ng bumuhos yung ulan kaya hindi ako nabasa. Kumain naba kayo? Si nanay,Nakainum naba ng gamot?__AKO

"Tapos na ate.Wala ka ng gagawin kundi kumain at mag beauty rest after mong mag shower. At meron pa kong isang surpresa sayo.__Elliot. Iniabot nya sa akin ang isang papel na may naka sulat na Congratulation.

"Wow naman bunso,Congrats! Yung recipe mo ba ang napili ng mga judges para sa darating nyong anniversary ha?__AKO

"Tama ka dyan ate. Apat ang thumbs up na nakuha ko at isa yung average lang mula sa mga judges kaya ako ang nakakuha ng may pinaka mataas na puntos. Sarap na sarap kaya sila sa inimbento kong "HELEN PASTA" .__ELLIOT

"Hindi naman obvious kung kanino inspired yang new recipe mo bunso. Congrats sayo,Talagang gifted ka sa pagiging magaling na chef. Hindi na ko magtataka kung after mong grumaduate, makapag trabaho ka kaagad.__ELMO

"Congrats Elliot anak.Im so proud of you. Actually,Lahat naman kayo sobrang proud ako. Lahat kayong magkakapatid lumaking mababait at responsableng mga anak.Kaya naman siguradong kung nasaan man ang tatay nyo ngayon ay proud na proud din sya sa inyong apat._NANAY.

"Wag kang mag alala Nay,Kapag sumikat na ko sa pagmo model at kumikita na ko...Ipapagamot kita. Kahit saang bansa pa yan.Kaya magpalakas ka ng husto at saka wag kang magkakasakit dapat okey? We love you Nay.__ELVIS. Gaya ng nakasanayan na nya ay nakayakap syang palagi kay nanay kapag nagkukwentuhan kaming gaya nito.

"Ang mabuti pa ay pagpahingahin nyo na si Nanay.Lumalalim na ang gabi. Kayo ding dalawa,Magsitulog na para hindi kayo mahirap gisingin sa umaga. Kaya palagi akong nali late dahil sa kabagalan nyo kumilos eh.__ELMO

"Okey po LOLO ELMO. Hmmmp, Ang KJ talaga. Nay,Ate goodnight na. Sweetdreams. Una na nako sa kwarto.__ELVIS.

"Kuya Elvis,Pahiram muna nung rubber shoes mo bukas ha.
PE class namin bukas eh.Alam mo na,May pinu pormahan akong chicks na taga Tourism department eh. Wag kang mag alala, Lilinisin ko kaagad pag uwi ko.__ELLIOT

"Elliot,Hindi ba't may rubber shoes ka din naman? Bakit ka manghihiram sa kuya mo,Sira naba yung ginagamit mo?__AKO

"Hindi ate,Ayos na ayos pa yung rubber shoes ko. Kaya lang mas maporma kasi tignan kapag yung shoes ni Kuya Elvis yung isusuot ko eh. Isang beses ko lang naman gagamitin.__ELLIOT

"Nagbibinata na kasi yang bunso natin ate kaya lumi level up na yung taste nya.hahahaha. Yung rubber shoes ko bunso,Ayaw mong hiramin?__ELMO

"Hahahaha. Hindi naman pang porma yung sapatos mo Kuya Elmo eh.Ang plain lang ng design at saka old style na.Sige lang bunso,Hiramin mo lang yung shoes ko basta linisin mo lang kaagad pagka gamit mo ha.__ELVIS

"OO na,Ikaw na yung maporma at stylish sa ating tatlo. Pasensya na ha,Old school lang ang datingan ko eh.Pero tignan na lang natin kung sino ang unang magkaka girlfriend sa atin. Hahahaha.__ELMO

"Sige ba,Okey ako dyan! Pero hindi counted yung fling lang ha, Dapat yung seryoso talaga. Dapat ipakikilala sa lahat para sigurado.Baka mamaya,May magpanggap lang na jowa tapos hindi naman pala.__ELLIOT

"Naku naku,Dapat kikilatisin ko muna ha.Baka mamaya nyan, hindi pala seryoso yung girl at saktan lang ang puso nyo. Malalagot sila sa akin kapag ginawa nila yun.__AKO

Tuwang tuwa lang na nakikinig sa amin si Nanay.At bago pa lumalim ang gabi ay kanya kanya na kami ng pasok sa mga kwarto namin. Magkatabi kami ni Nanay sa isang kama habang sa kabilang kwarto naman ay may tag iisang kama yung tatlo.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon