SUNNY POV
"BLACK SWAN EXCLUSIVE" : MAKATI CITY
Malalim na ang gabi pero wala pa din ako sa mood lumipat ng ibang lugar. Habang nasa labas ng bar si REGIE na kinakausap sa telepono ng girlfriend nya,Si PRINCE naman ay malamang na nasa isa sa mga cubicle ng cr at may kaulayaw na naman.
"Love,Hindi paba tayo aalis? Ayaw mo bang lumipat tayo sa tahimik na lugar?__Molly. Bago kong nakilala lang kanina dito sa bar.
"Pasensya na pero wala ako sa mood ngayon.Gusto ko lang uminum at makinig ng music.__AKO
"Pero pwede naman nating gawin yan sa pupuntahan natin.
Bakit di moko subukan,Baka mapa bago ko yang mood mo.__MOLLY"Sinabi ko na ngang wala ako sa mood diba? Kung gusto mong umalis,Then go! Hindi kita pipigilan. The hell I care!__AKO
"Love naman,Ang init agad ng ulo.Sorry na. Hindi na kita kukulitin na umalis tayo dito. Gusto mo pa ba ng beer,ikukuha kita.__MOLLY
Naiwan akong mag isa lang sa couch.First time lang nangyari sa akin na hindi ako umalis ng bar na walang kasamang babae at mag isa lang na nakaupo sa isang sulok.Sa aming tatlo kasi,Madalas na si REGIE lang ang huling umuuwi. Tamang inum lang naman kasi sya kapag nasa bar kami at hindi sya mahilig mang hook up ng babae.
"Pre,Bakit nandito kapa? Nasaan na yung chicks na kasama mo kanina?__REGIE
"Umalis na,Wala kasi ako sa mood lumabas. Sabi ko,dito lang ako mag iinum mag isa.Bakit ikaw,Akala ko nakauwi kana eh.__AKO
"Uubusin ko lang sana itong wine na inorder ko tapos uuwi na din.Nasa labas na nga si Miss D,Sabi ko magbabayad lang ako sa ininum natin at babalik na din kaagad. Hindi ko ini expect na madadatnan pa kita dito.__REGIE
"Ibang klase din talaga yang si Miss D ano,Talagang hindi ka pinababayaan. Papalitan ko na din kaya yung mga bodyguards ko ng mga babae? Hahahahha. Pero ayoko sa mga babaeng mas brusko pa sa akin. At lalong ayoko sa mga babaeng pabebe. Gusto ko yung maganda,Sexy at saka magaling sa kama.__AKO
"Pre,Lasing kana. Umuwi na tayong dalawa. Ihahatid na kita.Lets go!__REGIE
Nagising na lang ako kinaumagahan na masakit ang ulo.
At nakapagtatakang hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Napaisip tuloy ako kung may babae ba akong nakasama kagabi."Good Morning pre! Inumin mo na muna itong tea na may honey para gumaan yang pakiramdam mo.__REGIE
"Morning Pre,Salamat. Sobrang sakit nga ng ulo ko eh.__AKO
"Ang dami mo kasing nainum kagabi. Tapos pag dating pa natin dito,Nagpalabas kapa din ng wine. Ano bang nangyari sayo kagabi at parang gusto mo yatang magpakalunod sa alak?__REGIE
"Wala naman,Trip ko lang talagang magpakalasing kagabi. Pero ngayon,Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko.Pambihira, Bakit mo pa ko pinainum ng wine.Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko eh.__AKO
"Pinipigilan na nga kita,Kaya lang sabi mo pagbaba basagin mo lahat yung mga collection ko kapag di kita pinainum kaya binuksan ko yung pinaka mild na wine ko. Trenta Mil lang naman ang halaga ng ininum mong wine kagabi.__REGIE
"Whaaaat? Bakit naman yun pa. Meron ka naman sigurong tig lilimang libo lang dyan. Masyado naman yatang mahal yun para sa pagbabanlaw lang.Haaaist! __AKO
"Come and Look around. This is my sanctuary. Ikaw pa lang ang nadala ko dito at saka yung girlfriend ko. Sa palagay mo,Magdadala ako ng murang klase ng wine dito? Everything here was expensive and precious to me.__REGIE
" Wow naman,Ang special ko pala sayo pre.Salamat! So anong meron dito sa sanctuary mo? Goldbars? Diamonds?__AKO.
"More than just a precious stone and Gold. Nandito lahat ng pinaka mamasayang moment ng buhay ko. Pre, Im so happy right now. Kaya ayoko ng sayangin pa ang panahon ko sa walang kwentang mga bagay. Gusto ko ng maka graduate at makapag start na ng business para naman kahit papano ay may masabi akong talagang sa akin at hindi galing sa perang nagmula sa mga magulang ko.__REGIE.
"Wow! Ako ba yung nalasing kagabi o ikaw? Bakit parang ang lalim yata ng hugot mo Pre. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng LOVE? Parang nakakatakot na talagang mainlove.__AKO
"Sira,Seryoso ako. Ngayon ko lang na feel yung ganitong pakiramdam. Yung parang hindi na lang sarili ko ang inaalala ko sa future kundi pati na sya. Pasensya na pre,Ang aga kong sumi senti. Masaya lang kasi talaga magmahal at mahalin.Maniwala ka,Hindi mo na gugustuhin pang magising kung panaginip lang ang lahat ng ito.__REGIE
Gusto ko man syang tawanan sa ka kornihan nya ay hindi ko magawa. Baka kasi kapag ako naman ang nasa sitwasyon nya ay mas lalo akong kahiya hiya. Ngayon pa nga lang na nasa nakalilitong sitwasyon ako ay halos hindi na ko makauwi sa kalasingan,Papano pa kaya kapag ako na yung nasa sitwasyon ni REGIE?
"Tumawag naba si Prince,Ano na daw bang nagyari sa kanya at bigla na lang syang nawala kagabi?_AKO
"Luko luko din yun eh. Mas pinili nyang mag stay dun sa kolehiyala tapos iiyak iyak naman pala dun sa single mom na iniwanan nya. Nalaman tuloy ng di oras nung nanay ni ate girl na may relasyon sila kaya ayun tuluyan na syang di kinausap.__REGIE
"Gago nga! Hahahaha. Araaay...Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Kinarma tuloy sya sa pagiging two timer nya.__AKO
"Take this med,Hindi na kaya yan ng basta honey lang. Pwede kang mag stay dito anytime. May ka deal kasi ako ngayon kaya maiwan na muna kita. May niluto na din akong pagkain just in case gusto mong kumain. Wag kang mag alala,Safe ka dito at walang papansin sayo. Tawagan na lang tayo pre.Seeyah!__REGIE
Napupuna ko kay Regie na iba ang pag trato nya ngayon sa akin kumpara dati.Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko lang,Mas generous sya at mas pasensyoso ngayon kaysa nung una.
"Anong balita sayo PRINCE,Bakit mo kami biglang iniwan kagabi gago ka! Asan ka ngayon, Kita tayo. Bigyan kita ng bagong chicks, yung walang sabit para naman wala kang problema.__AKO.
"Pasensya na pre,Hindi muna ako makikipagkita sayo ngayon. May kailangan muna akong ayusin. Tawagan kita kapag ayos na ang lahat. Bye na muna.__PRINCE
Dinaan ko na lang sa tulog ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Hindi na muna ako umalis dito sa place ni REGIE since komportable naman ako sa lugar. Bukod sa malinis ay tahimik pa ang buong unit nya.Kaya pala tinawag nya itong sanctuary nya dahil puting puti ang buong paligid pati na ang mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomansaTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...