Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mag Aapat na taon na din sa akin itong motor ko kaya naman iniingatan ko itong masira.Bukod sa palagian ko syang nililinis ay hindi ko din sya nakakaligtaang ipa check sa mekanikong suki ko.Nakasalalay kasi dito ang kabuhayan at ang kaligtasan ko.
"Kuya Joseph,May kailangan na bang palitan sa pyesa nitong motor ko? Yung makina ba ayos pa? Kailangan ko na bang bawasan yung ikinakarga ko?__AKO.
"Easy ka lang,Nasa kundisyon pa naman yang motor mo.Halatang maingat kang gumamit kaya hindi sya ganun ka laspag. Yung makina mo naman,Pupwede pa yan.Basta palagi kong sinasabi sayo na kapag may naramdaman kang kakaiba sa pagtakbo at may nadinig kang kalampag,Ihinto mo kaagad sa isang tabi at tumawag ka kaagad ng tulong.__KUYA JOSEPH.
" Salamat Kuya,Lagi kong tinatandaan yang payo mo na yan sa akin.Sige papano,Trabaho na muna. Kailangang kumita para may pambili ng bigas. Salamat kuya ha.__AKO.
Matagal ko ng kakilala si Kuya Joseph.Hindi sya kagaya ng iba na nananamantala sa costumer nya.Kung ano lang ang sira,Yun lang ang sasabihin nyang bibilhin mo.Mababa din sya sumingil para sa labor nya kaya naman madaming costumer ang nagtitiwala sa kanya.
"Good Morning Boss,Mukhang kundisyon tayo ngayon ah.Ano bang meron?__AKO
"Good Morning din Elena.Tamang tama ang dating mo dahil mayroon agad tayong costumer. Nakikita mo yung Miss na nakaupo dun sa table number 2 diba,Sya yung umuorder ng sampung box ng chicken natin. Diba magandang buena mano yun.__Boss (MRS. PARK)
"Ganun po ba.Naku kailangan ko na palang mag palit ng uniporme para matulungan ko kayo.Teka lang Boss ha,Sasalit lang ako sa locker room para magpalit.__AKO.
"Naku wag ka ng tumulong sa pagluluto,Mag ready ka na lang para sa pagdi deliver mo. Alam mo kasi,Special request ka daw nung boss nya na syang magde deliver nung mga inorder nilang manok kaya sige na,magpalit kana ng uniporme mo.__Boss
SARANG FRIED CHICKEN ang pangalan ng store na pinagta trabahuhan ko. First year college pa lang ako nuon ng una akong mag apply dito bilang crew.Pinay ang babaeng may ari at Koreano naman ang asawa nya. Dahil mabait naman silang amo at hindi mahigpit kaya ako nagtagal dito kahit na madami naman akong pwedeng pasukan.Bukod pa sa malapit lang ito sa bahay namin at pupwede mong lakarin kaya nagustuhan ko na din.
"Ako ho,Special request daw na mag deliver sa kanila? Teka,Ano po bang name nung nag order at saan po ba yung lugar na pagdadalahan ko ng order nila?__AKO
"Tignan mo na lang dun sa calling card na binigay nung babae. Mukha namang mapagkakatiwalaan at maayos kausap kaya hindi na ko nagdalawang isip pa. Bakit,May problema ba?__Boss
"Naku wala naman po Boss,Gusto ko lang malaman kung sino ang umorder at kung kakilala ko ba sila kaya ako ang gusto nilang mag deliver. Para kasing ngayon ko lang nakita yung costumer na yan.__AKO
"Excuse me,Babayaran ko na yung inorder ko and pakihatid na lang dun sa address na sinabi ko.__Miss Costumer.
Agad ko namang binasa yung calling card na ibinigay nya at bahagya akong nagulat sa name nung may ari nung address na pagdedelibiran ko. Tumulong na din ako sa pagpa pack nung fried chieken para mabilis ko ng maihatid yung pagkain.
"Good Morning po,Delivery po from SARANG fried chicken.__AKO
"Sandali lang ha,Iraradyo ko lang sa kasama kong guard para ma assist ka papasok sa mansyon.Bawal kasi sa loob ang motor Miss. __Manong guard.
"Okey po Manong,Mag aantay na lang po ako dito sa gilid.__AKO
"Naku iha,Wag kang pumarada dyan at baka mapagalitan tayo. Itabi mo muna yang motor mo sa gilid at saka ka maupo dito. Sandali na lang at padating na din yung susundo sayo.__Manong guard
"Sobra po palang lawak ng mansyon na yan ano po manong. Mas malawak pa sa unang mansyon nila na napuntahan ko. Ilan po ba ang ganyang bahay nila,Parang tig iisa po yata sila ng mga bahay ano po?__AKO
"Ahh,Baka ang sinasabi mo ay yung mansyon nina BIGBOSS. Halos parehas lang ang laki ng mga mansyon nila,Magkakaiba lang kasi ng disenyo at style kaya akala mo mukhang mas malaki ito. Ayan na pala ang sundo mo,Sumakay kana at kami ng bahala sa mga kahon mo.__Manong guard
"Pasensya na Miss kung natagalan ako. May biglang pinautos pa kasi si Bunso kaya hindi agad ako nakabalik. Hindi pa naman siguro malamig yang fried chicken na dala mo ano?__Kuya guard.
"Don't worry kuya,Selyado naman yang mga dala ko.Hindi basta basta lalamig.Ano nga palang okasyon at madami silang inorder na manok,May magbi birthday na naman ba?__AKO
"Hahahahha.Sampung box lang yan kaya hindi madami yan para sa kanila.Wala namang may birthday.Kaunting salo salo lang dahil dumating yung isa nilang apo from Spain.__Kuya Guard
"Ahhhh,Ganun po pala yun. So kapag umorder ng sampung box na fried chicken, hindi pa panghandaan yun kundi simpleng salo salo lang.Iba din talaga ang mayayaman ano,Yung simple nilang handa sa aming mahihirap pang fiestahan na.__AKO
"Ganun na nga.Masasanay ka din nyan later on.At sigurado ako na madadalas ka dito sa mansyon mula ngayon.By the way,Ako nga pala si Kuya Raffy at yung nasa guard house naman ang tatay Paeng ko. Ang nanay ko naman ay si Aling Rosing na syang taga luto sa mansyon.__Kuya guard.
"Ay nice meeting you kuya Raffy. Ako naman po si ELENA MARASIGAN. Isa akong service crew and at the same time ay delivery girl na din.Salamat sa paghatid sa akin kuya.See you later.__AKO
May dalawang naka unipormeng lalaki naman na sumalubong sa akin sa pintuan ng mansyon at syang nagbitbit ng fried chicken na deniliver ko. Naiwan akong mag isa sa harapan ng pinto dahil sa ibang pintuan pala dadaan yung dalawa.
"Welcome to our home iha. Nami miss na namin ang pagkanta mo kaya ka namin nirequest sa may ari na ikaw mismong mag deliver ng fried chicken na tinda nyo. Kamusta ka naman iha?__Madam.
"Ah eh Magandang Umaga po sa inyong lahat.Pasensya na po kayo at medyo na late na ako sa pagde deliver. Okey naman po ako Madam. Nice to see you all po.__AKO.
Sino ba naman kasi ang di kakabahan at di magkakanda utal utal sa pagsasalita kung pag pasok mo pa lang sa magarang mansyon ay napapalibutan ka ng mga taong tinitingala sa lipunan.Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang interrogation room ako at ini embistagahan ng mga pulis. Lahat kasi sila ay sa akin nakatingin na para bang may kasalanan akong nagawa.