@SUNNYMayroong isang daang palapag ang THREE STAR AND A SUN.Ang PENTHOUSE na pagmamay ari naming apat na magpipinsan.
Itinayo ito mula pa nuong isinilang si Kuya Zol.At dahil sya ang panganay na APO,Sya ang maituturing na Boss sa aming apat.Pero pagdating sa pagkalkula ng lahat ng asset namin at mga pamanang properties...AKO ANG PINAKA MAYAMAN sa aming lahat.
Kumbinasyong GUILLERMO,MONTENEGRO,PAMINTUAN AT VILLAREAL na dinagdagan pa ang ASSET ni MOMSHIE MARTHA kaya naman mas lumaki pa ng lumaki ang KAYAMANG mapupunta sa akin balang araw."Sunny,You should go there on Sunday.Magtatampo ang Mommy Martha kapag hindi ka nagpunta.Alam mo namang ikaw ang palaging bukambibig nun sa mga kaibigan nya.__Mommy MJ
"Yes Mommy,I will.Hindi ko naman palalampasin ang importanteng event na yun.At saka namimiss ko na ding dalawin ang CLOUD MUSEUM ni Dad. __AKO
"Buti pa yung museum namimiss mo.Pero kami ng Mommy mo,Madalang mo lang dalawin ngayon.Busyng busy ka masyado dyan sa business na itinatayo nyo ah!__Daddy Cloud.
"Daddy talaga,Napaka matampuhin.Syempre naman,Namimiss ko kayo palagi ni Mom.Kaya lang busy lang muna ako dahil nag uumpisa pa lang kami.Kapag okey na at nakapag simula na kami, pwede ng umuwi dito ulit araw araw.__AKO.
"Nagkikita ba kayo duon ni Zolenn? Ang sabi ng Daddy Perth nya,Halos magdadalawang buwan na daw na hindi umuuwi sa kanila ang pinsan mo eh.__Daddy.
"Si kuya Zol,Hindi umuuwi sa mansyon nila? Pero hindi ko din sya napapansin sa PENTHOUSE dad.Baka naman may bago na namang bahay yun kaya dun sya ngayon naglalagi.__AKO
"Siguro nga.Alam mo naman yun,Masyadong creative ang mind.
Baka may bago na namang project na ginagawa kaya ayaw papa istorbo.__Mommy MJ."Speaking of penthouse nga pala Dad.Pwede mo bang kausapin yung friend mong architect.Mayroon lang akong gustong ipabago dun sa design nung hallway ko pa exit.Para kasing nasisikipan ako.Ipapa adjust ko sana.__AKO
"Sure anak,Walang problema.Hayaan mo at bukas na bukas din ay bibisitahin namin yung suite mo.Kaya make sure na walang babaeng nakahiga duon bukas pagdating namin ha.__Daddy
"Daddy naman,As if naman magdadala ako ng babae dun.Wala pang ni isang girl na nakapasok sa loob ng penthouse ko kaya siguradong intact na intact pa din ang pagka Solemn ng unit kong yun.___AKO
"Hahahahhaa. Puro ka talaga kalokohan anak! Ginawa mo pang sanctuary yung penthouse mo.Are you sure na wala akong makikitang di ka nais nais dun sa unit mo?__Daddy
"Hundred precent sure Dad! As in, Its like a virgin forest in the city. Im serious and like I promise to you both na TANGING ANG BABAENG PAKAKASALAN ko lang ang makakapasok at unang makaka tungtong sa Penthouse unit ko.__AKO
"At kelan naman kaya mangyayari yun anak? Alam mo namang gustong gusto ka na naming magka girlfriend at magkaroon ng seryosong ka relasyon ng Daddy mo.Kelan mo ba sa amin ipakikilala yang BABAENG PAKAKASALAN mo?__Mommy
"Mommy naman, Pwedeng maghintay hintay muna kayo ng kaunti pang panahon. Hindi naman kasi basta basta ang magkaroon ng seryosohang karelasyon kaagad agad. Pero dont worry, Open naman ako sa paghahanap ng "THE ONE". Pero sa ngayon, Focus muna sa bago kong pinagkaka abalahan. Medyo excited din kasi ako dito sa bagong business na itinatayo naman eh. Please Mom,Dad... I need your support and understanding.__AKO
"I'ts alright anak, Suportado ka namin dyan sa Business na itinatayo mo. Pero gusto pa din namin ng Daddy mo na makahanap kana ng seryosong relasyon.At tungkol dun sa penthouse renovation mo, Ang Daddy mo na ang bahala sa pagpapa ayos nun. At tawagan mo nga pala muna si Mommy Martha dahil mayroon daw syang mahalagang bagay na sasabihin sayo.__Mommy
"Okey Mom, I'll call her right away. Thank you sa support my dear parents. I love you both and you know that. See you later.__AKO
Matapos kong humalik sa kanilang dalawa ay dumiretso na ako sa room ko para makapag shower. Sa totoo lang, gusto ko na talagang magbabad sa Jakuzzi sa mga oras na yun. Ewan ko ba, Kapag usaping Lovelife na ang topic. Parang sinisindihang kandila ang pakiramdam ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin.Feeling ko kasi, Ako ang unang gusto ng pamilya ko na makapag settle down kahit na ako ang pinaka bunso sa mga batang Villareal.Ang lakas maka PRESSURE ng ganun.Lalo pa't both side ng pamilya ko ay ganun na lang ako i push na makapag asawa na as soon as possible.
" Heaven are you there??? Open the door will you. Gusto kitang makausap.__AKO
"Hey there Bradah... Anong problema? May maipaglilingkod ba ko?__Heaven
" Let's talk. May mga bagay lang na gumugulo sa utak ko. Tungkol sa biglaang pag uwi mo dito.Alam naman nating pareho na hindi ikaw ang klase na uuwi na lang basta ng walang mabigat at importanteng dahilan. So tell me, Whats up with you sis? Handa akong makinig.Come on! __AKO
"AKO? There's nothing going on really. Like I said earlier, Namiss ko lang talaga kayo kaya ako umuwi ng walang pasabi. Theres No big deal. Ikaw lang ang nag iisip ng ganyan. Ohhh and by the way, Congrats and Goodluck nga pala sa bagong Business na itinatayo nyong magkaka ibigan.I really wish na sana ay mag succeed talaga kayo ng bonggang bongga at lumago ng husto yang sinisimulan nyong company.__Heaven
"Wow, At kelan kapa naging concern sa mga nagaganap sa buhay ko at sa mga Kaibigan ko ha? Kasi the last time I checked, Ni wala ka ngang interes na kilalanin sila dahil ang sabi mo, Mga bad Influence sila sa akin kahit na ang totoo naman nyan ay ako talaga ang B.I sa kanila...Hahahaha. Pero sige, Tatanggapin ko yang pagbati mo sa akin. Maybe someday, Makatulong ka din sa Business ko kaya ngayon pa lang sinasabihan na kita ng mas maaga.__AKO
"Dont worry my dear bradah, Iam willing to help. Basta magpasabi ka lang kung kelan at saan para makapag ready ako. So papano, Gusto ko munang matulog.
Seeya later na lang sa dinner. __HeavenBahagyang napa angat ang kilay ko sa sagot ni Heaven sa akin.
Parang hindi kasi ang kapatid ko ang kausap ko ngayon dahil hindi nya ko kinontra at minaliit tungkol sa business na ipinatatayo ko. Kilalang SOSYAL at CLASS sa larangan ng pagmo modelo si Heaven. Mataas din ang standard niya pagdating sa Fashion at hindi sya basta basta mapapa suot ng kung ano anong brand lang ng damit. Bawat endorsement kasi na tinatanggap at mino modelan nya ay yung naaayon lang sa taste at style na gusto nya. Mabibilang din sa daliri ang mga Fashion show events na dinadaluhan nya dito sa Pilipinas dahil mas gusto nyang rumarampa sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...