@SUNNY POV
Minsan kahit gaano pa ang pag iingat at pagtatago mo ay lalabas at lalabas din ang katotohanan.
Kaya naman laking gulat ko ng pag dating ko sa bahay ay bigla na lang akong sinampal ni Daddy ng di ko inaasahan. Sa kauna unahang pagkakaton, mula pa ng isinilang ako ay never akong nakatikim ng kahit paninigaw lang mula sa kanila ni Mommy MJ, Lalo pang higit kay Daddy Cloud na ubod ng kalmado at pasensyoso pagdating sa amin ni Heaven."Hon, Will you please calm down. Hindi madadaan sa pananakit at paninigaw ang problema. Pag usapan muna natin ang lahat. Mag relax ka lang.__Mommy MJ
"Sinubukan ko namang kumalma lang Honey, Pero hindi lang talaga maatim ng konsensya ko na makitang sa kabila ng nagawang pagkakamali ng anak natin, Nakukuha nya pang mag party party sa gabi at kung sino sinong mga babae ang katabi habang mayroon syang taong inagrabyado.__Daddy
Napakunot ang nuo ko habang hawak ang pisngi ko na siguradong bahagyang namula sa sampal na natamo ko buhat kay Dad. Honestly, hindi naman masakit talaga ung sampal nya. Sadyang sensitive lang talaga itong pisngi ko kaya madali syang namumula kahit kapag nakakainum ako.
"Dad,Mom...Whats happening? As if I did something stupid that i didnt know . Sorry but I dont get it...
"Anak, Maupo ka muna at lalagyan ko ng ice pack yang pisngi mo. Haaaist. Bakit ba kasi kailangan mong gawin yun kay Elena anak. Sa dinami dami ng babae, Sa taong pinagkaka utangan pa ng loob ng Lola Martha mo.__Mommy MJ
"Sinong Elena? And bakit nasali sa isyu ang Lola Martha? I mean, Mom Dad please enlighten me...
Ohhh, That Elena. I remember her now. But let me explain Dad..."Siguraduhin mo lang na maganda yang paliwanag mo at naka handa kang harapin lahat ng mga ibabatong tanong sayo ng mga abuela at abuelo mo. Even Lolo GD was so dissapointed to you. My Gosh Sunny!__Daddy
"Honey please...Pakinggan na muna natin ang paliwanag ng anak natin. Sige anak, Ikwento mo sa amin kung anong nangyari. At bakit mo na lang basta inabandona at binalewala ng ganun si Elena?__Mommy MJ
Napatitig akong bigla sa maamong mukha ni Mommy. So even her were so dissapointed with me? Pero ano bang nagawa kong napakalaking pagkakamali? Just because they know Elena or maybe because she is a poor girl kaya ganun na lang sila ka nag aalala sa kanya.Then How about other girls na mas malala pa kay Elena ang nagawa ko? Haaaist...
"Daddy, Look. Im so sorry for what happened. Pero that was just a ONE NIGHT STAND.I mean, hindi lang naman si Elena ang... Ohhhh, Sorry Mom. I didnt mean that way. Lahat naman po kasi ng nakaka (O.N.S ) ko, may consent nila yun. Hindi ko sila pinilit or hinarass.Never!..
"Sunny, Umayos ka! Hindi ko gusto yang paliwanag mo.
Hindi porke pumayag na sumiping sayo ang isang babae ay ganun ganun na lang yun. Hindi lahat ng babae, pare pareho. Hindi mo alam kung anong klaseng "PAIN " ang nararanasan at pinagdadaanan ng mga babae after doin that kaya ganyan ka ka- insensitive.__Daddy"Sunny Anak,Tama ang Daddy mo.Hindi lahat ng babae kagaya ng iniisip at inaakala mo. Hindi porket hinayaan ka nila na gawin mo sa kanila ang gusto mo ay ganun ganun na lang kadali maayos ang lahat . May mga babaeng hindi man magsalita o magsabi sayo hindi ibig sabihin nun na okey lang sa kanila. __Mommy MJ
"Sorry Mom, I never thought about it. Lahat naman kasi ng mga nakaka share ko sa bed, never kong pwinersa or dinaan sa dahas. Pareho naming pinag usapan yun at ayun sa pareho naming kagustuhan. And speaking about THAT GIRL, Nagsumbong po ba sya sa inyo or kay Mamita ng personal?...
" Sunny, Ayusin mo nga yang mga salitang ginagamit mo pwede ba? May pangalan si ELENA kaya wag mo syang tinatawag lang na THAT GIRL. At hindi nagsumbong si Elena.Nagpa background check ang Lolo GD last night tungkol sa kauna unahang babae na dinala mo sa penthouse. Hindi ba't may usapan na kayo nila Lolo GD at ni Lolo Top na kung sino man ang babaeng dadalhin mo dun ay sya na ang babaeng pakakasalan mo remember?__Daddy
"Pero Dad...Hindi naman ganun ang usapan. I mean, Oo nga at may ipinangako ako sa kanila na ang unang babae na dadalhin ko sa penthouse ay ang babaeng papakasalan ko pero DEFINITELY ITS NOT Elena. Mommy, Please help me. Tulungan mo kong mag explain sa kanila...
" Ikaw ang nakipagkasundo sa mga abuelo mo kaya ikaw din ang dapat na magpaliwanag sa kanila ng lahat. Sa palagay ko, Pati ang Lolo Top ay maghahanda na din para sa kasunduan na yun. At isa pa, Bukod sa pagpapa background check ni GrandPa GD sa pamilya ni Ms. ELENA ay mayroon na din syang inutusan para maka usap ng personal ang mga taong malalapit sa kanya. Hindi ko lang alam kung hanggang saan makakarating ang pag uusap na yun.__Mommy MJ
"Alam mo namang matagal ng gustong gusto talaga ng Lola Sally at Lola Pretty na maipakasal na kayong mga apo nila ng mas maaga. Kaya nung malaman nilang personal na kakilala pala ng Mommy Martha si Elena ay tuwang tuwa sila.Hindi na daw mahirap kilatisin pa ng husto. At kaagad ng ibinida sa mga amiga nila ang tungkol sayo.__Daddy
"Pero bakit ba ako ang kailangang maunang ipakasal. Wala pa sa plano ko ang pag aasawa. At saka isa pa Dad, Mom. Kakaumpisa pa lang naming magkakaibigan sa negosyo namin kaya hindi ko pa mahaharap ang buhay may asawa. Pwede bang mauna na muna si Kuya Zol or sina Heaven at Zabby na muna...
"Gaya nga ng sabi ko kanina pa, Kayo ng mga Lolo at Lola ang mag usap. Kami ng Mommy mo, Nasa gitna lang. This time, Hindi ka namin kukunsintihin sa ginawa mo.Mahirap din namang kontrahin ang mga yun. At isa pa, Ikaw mismo ang nangako sa kanila at nakipagkasundo kaya mahihirapan tayong umatras sa kasunduan basta basta.__Daddy
" Pero Dad, Hindi naman kasi ganun kadali yun. Hindi naman porke sinama ko yung gurl sa pent, Sya na ang babaeng pakakasalan ko. Thats unfair....
" Kaya nga ikaw ang bahalang kumausap sa mga Lolo. Ipaliwanag mo ang side mo. Pero duda ako kung makikinig sila sa mga paliwanag mo. Masyado na silang excited sa mga pangyayari at hindi na ko magtataka kung isang araw na lang ay magplano na kaagad ng pamamanhikan ang mga yun. Sa tono ng pananalita ng Lola Pretty, Parang gusto ng bumalik kaagad dito sa Manila at sya mismo ang mag ayos sa kasal nyo.__Mommy
Napahawak ako sa ulo ng bahagya. Knowing my great grand Lolas na hindi talaga titigil hanggat di nagagawa at nakukuha ang gusto nila. Sigurado akong hindi na nga magtatagal at sila na ang gagawa ng paraan para maikasal ako.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...