Kabanata 2

26.9K 329 27
                                    

EDITED

***


"Oo na. Eto na nga, nagmamadali na nga diba," tugon ko English group leader namin na kausap ko sa cellphone.

"Loko ka. Pag ikaw di nakapasok ng English, makikita mo talaga. Isi-70 ka namin sa group grade!" pananakot pa niya.

Di ko napigilang mainis dahil una, alanganin ang grades ko; pangalawa, late na ako nagising at wala akong matinong breakfast; at pangatlo, nahihirapan ako sa pagsintas ng sapatos dahil sa kamamadali ko.

"Edi i-75 mo," matapang na sagot ko sabay ngisi habang nakapipit sa tenga at balikat ko ang phone. "Nasa akin naman visual niyo."

"Humanda ka talaga."

Bigla ba naman akong binabaan ng tawag. Nagmadali akong bumalik sa kusina para kumuha sa refrigerator ng biscuit. Sumigaw si Mama na magmadali na raw ako dahil late na late na ako sa school. Kanina pa nga umalis 'yong kapatid kong si Kristina, e. Kumaripas naman ako palabas ng bahay, bitbit ang gamit.

I hate the idea of not having a car. Not that I take it as my parent's responsibility, though. But Dad promised me to buy one when I get into college.

Pagpasok ko sa school grounds, narinig ko agad ang mahiwagang bell. Hudyat na time na for the second subject-English. Which also means, kailangan ko nang lumipad. Tinakbo ko ang third floor gamit lang ang hagdan at pagdating ko sa room, tinulak ko ang. First time ko yatang tinakbo ang third floor nang ganun kabilis.

"Late... na ba ako?" tanong ko sa classmates ko habang hinihingal.

"Relax," sabi ng nakaupo sa unahan. "Absent teacher natin sa English."

Halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko and at the same time, nakahinga ako nang maluwag kahit hinihingal pa ako.

"Uy, aminin. Kinabahan!" Tinawanan pa ako ni Czarina.

Siya lang naman ang kausap ko kanina, at nagbanta sa'kin na ibabagsak ako sa group activity. Umismid lang ako saka pumasok , at umupo sa bangko. Nagsuot na lang ako ng headset sa tenga total wala rin naman na akong gagawin.

"Hoy!" Nakaramdam ako ng malakas na tapik sa balikat ko. Baluga talaga tong si Gab.

"Ano?" sigaw ko sabay tanggal ng headset.

"Anyare?"

"Saan?"

"Kagabi."

"Anong kagabi?"

"Yong nahimatay kamo." Umupo siya sa tabi ko.

Naalala ko bigla kung sino ang tinutukoy niya, at bumalik ang alaala ko sa nangyari kagabi. I shudder at the mere thought.

"Ah, wala." Kinabit ko ulit sa tenga ko pero mabilisang inalis ni Gab. "Ano ba. Masira naman 'yong headset," suway ko sa kanya.

"Ang hina mo naman, Klein. Weak," pang-aasar niya.

Umayos ako ng pagkakaupo at hinarap siya. "Gab, wag mo ko itulad sayo, okay? Hindi ako nagte-take advantage sa weakness ng tao."

Naligaw ang usapan namin sa napanuod niyang NBA play-offs at kahit papaano, naaliw ako sa usapan dahil nakalimutan ko ang nangyari kagabi. Though, sumagi sa isip ko kung kumusta na kaya ang babaeng 'yon-kung okay na ba siya.

"Si sir!"

Sigaw ng classmate namin na galing sa labas. Dali-dali silang bumalik sa mga kinauupuan nila at inayos ang arrangement ng upuan. Nakakatawa sila panoorin. Kala mo mga santo pag may teacher. Muntik pa ngang madapa sa sahig si Gab habang pabalik siya sa upuan niya. Sayang, muntik na.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon