EDITED (c) Shupershimmer
***
Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakadukmo at humarap kila Gab. "Guys, sa tingin niyo ba may boyfriend ba si Hikari?"
Lahat ng reaksyon nila, halos magulantang. Tipong parang di sila makapaniwala sa tinanong ko. Kung sabagay, nakakagulat naman talaga kung bigla akong magtatanong ng gano'ng bagay sa kanila.
Tinaasan pa ako ni Czarina ng kilay. "I don't know? But I think she has," sagot niya. "One time kasi, ring ng ring ang phone niya and I saw a guy's name on screen."
Tinanong ni Gab kung ano ang pangalan ng lalaki kaya lang nakalimutan na raw ni Czarina dahil noong nakaraan pa raw 'yon.
"Bakit mo naman natanong bigla pare? May crush ka ba kay Hikari?" matuksong tanong ni Gab.
"Asa ka naman," sagot ko. "Di ba pwedeng nagtatanong lang? Judgmental kang tunay, e, 'no?"
Umalis na ako sa harap nilang dalawa dahil na-sense kong aasarin at aasarin ako ng mga 'yan kay Hikari. No thanks.
Out of habit, napatingin ako sa wristwatch ko at ilang minuto na lang, first period na. Hanggang ngayon wala pa rin ang seatmate ko-absent na naman yata.
Kagabi, pinaglalaruan ko ang cellphone ko sa kamay ko habang nakahiga, at iniisip kung dapat ba akong mag-sorry dahil sa nangyari kahapon. Matapos ang ilang minutong pag-iisip, tinulog ko na lang. Saka, ano bang pakialam ko kung sino 'yong umakbay sa kanya?
Lumipas ang first at second period nang bakante ang katabing arm chair ko. Hindi ko na lang pinansin total ang mismong nakaupo sa pwestong 'yon, mukhang walang paki sa school. Kaya lang, pagdating ng third subject, nakita ko siyang pumasok sa room at umupo sa tabi ko. Saglit ko lang siyang tinignan saka bumalik sa paglalaro ko sa cellphone.
"Fuck the alarm clock."
Hindi ko alam kung sinabi niya 'yon sakin o sa sarili niya, kaya hindi ako lumingon.
Ilang minutong katahimikan ang pumagitna samin kaya nawala ako sa concentration sa paglalaro. Maya-maya pa, ako na ang nagsalita nang di nakatingin sa kanya.
"Sorry nga pala kahapon," bulong ko at tumingin siya. "Hindi ko na dapat tinanong. Nagkamali lang siguro ako ng hinala."
"You think so?"
Tumango ako. "Wag kang mag-alala. Hindi na ako magtatanong unless related sa school."
Hindi siya umimik agad, pero sigurado akong narinig ko siyang natawa.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko.
"Ang baduy mo." Do'n ko lang nilingon si Hikari. "Napaka."
Di ko mapigilang mainis. Ang seryo-seryoso ko tapos pagtatawanan ako. Nakakainis lang. Tinabi ko ang cellphone sa bag at umayos ng pagkakaupo bago siya hinarap.
"Hindi ko alam na baduy na pala ngayon ang maging concern sa classmate, magtanong, at mag-sorry."
Inabot niya ang ulo ko at binatukan. Hindi 'yon ang inasahan kong response niya. Akala ko sasagot siya para ipagtanggol ang sarili niya, pero isang malakas na batok ang napala ko matapos kong sabihin 'yon. Bagong strategy.
"Wag mo nga akong dramahan!"
Ngumiti siya-isa sa mga bihirang bagay na ginagawa niya. Sa sobrang tsinita niya, muntik nang mawala ang mata niya dahil sa pagngiti. Tama si Czarina dati: may dating si Hikari sa mga lalaki. Siya 'yong tipo na mapapa-second look ka kapag nasalubong mo. At 'yong natural blush ng pisngi niya, dala siguro ng pagkakaroon ng dugong hapon.
D-in-ismiss ko agad ang naisip ko bago pa kung saan mapadpad ang utak ko.
"Nag-review ka na ba sa quarter exam?" Iniba ko ang topic.
Nginitian ako ni Hikari at umiling. "What do you expect?"
Ako na lang tuloy ang napailing.
HIKARI
Katatapos lang ng examinations namin para sa first quarter ng school year. Aminado naman akong hindi ako sigurado sa mga pinagsasagot ko dahil may kahirapan ang mga tanong. Si Kleinder, parang minani lang ang test-pasipol-sipol pa nga siya kanina na medyo nagpairita sa'kin.
Pagkatapos ng exam, lumapit si Czarina sa'kin. Niyaya niya ako na sumama sa overnight nila ng barkada mamayang gabi. No'ng una tumanggi ako dahil baka makagulo lang ako sa plano nila. Isa pa, si Kleinder lang naman talaga ang nakakausap ko sa kanila. Kaya lang, pati si Rex hinikayat akong sumama total Friday ngayon. 'Member' na raw nila ako simula ngayon.
Inisip ko na baka pwede kong i-open ang sarili ko sa ibang tao kaya um-oo ako. Fifty percent oo, dahil in-invite nila ako at fifty percent oo, dahil alam kong kasama si Kleinder.
Wait, wala naman akong gustong iparating sa part na 'yan. Naisip ko lang na kapag nando'n siya, may makakausap ako. May maasar ako, at makakaaway kaya pwede na rin.
Hindi ito first time sa'kin dahil nakailang overnight na rin ako. Bumalik lang ako sa bahay, kumuha ng ilang damit at ibang gamit. Nagpaalam ako sa maid na matutulog ako sa bahay ng classmate ko for a project-gagana naman siguro 'yon kay Dad.
Pagdating namin sa bahay ni Rex-kung saan kami makikitulog-kami lang ang tao. Kaya naman pala nang-invite dito dahil wala ang parents niya.
Nagluto sina Gab at Kleinder ng barbecue, at si Czarina, abala sa pag-ikot sa bahay. Ako naman 'tong nakaupo lang sa sala at pinapanuod silang magpalakad-lakad sa area. Kundi pa ako niyaya ni Kleinder na maghugas ng kakainan, baka nanigas na ako sa upuan.
After that, they decide to play scrabble and I find it... extremely boring. Hindi nila ako mapapalaro ng bagay na kailangang pigain ang utak. Pumunta na lang ako sa balkonahe sa taas at nag-stay doon. Kinuha ko sa bag 'yong beer-in-can na binili ko sa may 7-eleven kanina, at inunti-unti.
Inabot ako ng halos sampung minuto bago nangalahati sa iniinom ko nang may narinig akong boses sa likod ko.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...