Kabanata 18

16.8K 242 8
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

No'ng Thursday, nag-ditch ako sa klase. Hindi ko intensyong mag-cutting class pero kasi, si Nylan, papasok pa lang ako nang gate, nakaharang na siya. Naimagine ko pang natulog siya sa harap ng gate hanggang inumaga na lang. I even wonder kung nag-aaral pa ba siya. Sakto ring nakalayo na ang driver na naghatid sa'kin kaya walang-kawala  talaga ako.

Lalagpasan ko na sana siya nang humarang sa daanan ko. "Baka naman gusto mong mag-hello?" sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Get lost."

"Sumama ka sa'kin."

"Ayoko."

"Ano ba? Ngayon nga lang ulit tayo magde-date, e."

"Mandiri ka nga, Nylan. Date? Asa ka." Lumakad ako palayo ng school pero lumakad din siya nang mabilis.

Hinabol niya ako kahit sobrang layo ko na sa gate ng school. Pero sa huli, natalo pa rin ako. Sinabi niya kasi sa'kin na may mga nakarating daw na balita sa kanya na may iba raw akong ka-date or kasama sa mall no'ng isang araw. Kumakain pa raw kami sa restaurant.

I'm sure he's talking about Kleinder. Syempre, dineny ko 'yong inakusa niya.

"I never thought na naniniwala ka sa chismis," sagot ko. "It's not you, Nylan."

"Really?" May yabang sa tono niya. "Siguraduhin mo lang na chismis 'yon. Hahanapin ko 'yang lalaki na 'yan para manahimik na at para ipaalam ang lugar niya."

Hinarap ko siya. "Pwede bang tigil-tigilan mo ko sa mga childish tricks mo?!"

Nagpamulsa siya habang nakangisi sa'kin. Nakakalokong ngisi.

"Ano'ng tingin mo sa'kin, tanga? Syempre alam kong kasama mo sa restaurant 'yong kaibigan mong nakita ko na kasama mo noong nakaraan."

Hindi ako nakaimik lalo na nang inangat niya ang cellphone niya. Nandoon ang isang stolen picture naming dalawa ni Kleinder habang nag-uusap sa Japanese Restaurant na kinainan namin. Halatang nakatago ang camera. Aagawin ko sana ang cellphone niya pero tinaas niya ang kamay niya.

"Ano? Sasaktan mo rin siya gaya ng ginawa mo sa iba?" galit na tanong ko.

Bago siya sumagot, nginitian niya muna ako. Hinawakan niya pa nga ang pisngi ko at dinampi ang daliri sa labi ko. Tinapik ko ang kamay niya dahil tinitindigan ako ng balahibo sa ginagawa niya—hindi ako natutuwa.

"If it means you're affected by him, masasaktan talaga siya," bulong niya.

Na-blanko ang utak ko. Gusto kong tumakbo, at tumakas. Gusto kong maiyak, pero wala namang lumalabas na luha. Na-interrupt lang ako nang marinig ko ulit si Nylan.

"I won't," sabi niya. "Basta sumama ka sa'kin ngayon sa birthday ng barkada ko. Clubhouse."

If that's the only way of not involving Kleinder, then I better follow him.

"Hi, Hikari!"

"Hello dear!"

"Yo."

Sunod-sunod ang mga bati ng mga tao sa loob ng clubhouse. May iba na sa mukha ko lang kilala, pero dahil kasabay kong pumasok si Nylan, na-obliga silang batiin ako kahit di ko naman tinitignan.

Lahat sila may kanya-kanyang ginagawa. May umiinom, may naglalaro ng billiard, may nagmemake-out sa sulok, may naglalaro ng dartboard, at may naninigarilyo. Nakakasakit din sa ulo ang full bass na tugtog sa loob kaya naka-wince ang mukha ko habang naglalakad.

"Sino ba may birthday sa kanila?" pasigaw na tanong ko kay Nylan nang hindi nakatingin.

"Halika."

Umakbay siya sa'kin at hinigit ako sa isang pwesto kung saan may mga nakaupong college guys and girls na kumakain. Agad ko namang inalis ang kamay niya pero binabalik niya rin.

"Guys! Si Hikari nga pala. Hikari, sila 'yong mga bagong tropa."

Binati naman ako ng iba sa kanila pero wala akong paki kung member o outsider sila dahil unang-una, ako ang umayaw sa childish frat na 'to. At pinagsisisihan kong na-involve ako sa mga 'to. Gusto ko silang pagsabihan na mali ang desisyon nilang pumasok dito.

"Nylan! Nandito na pala kayo," sabi ng isang boses sa likuran ko, at pagharap ko, alam kong siya ang celebrant.

Humarap si Nylan at saglit na bumitaw. Naghawak-kamay kasi sila at pinagbunggo ang mga balikat sabay tapik sa likod. I wonder why boys have that kind of greeting. I mean, di pa pwedeng apir, o tango na lang?

"Yeah, kararating lang namin. Happy birthday nga pala."

"Salamat." Tumingin sa'kin ang celebrant. "Hi, Hikari, buti okay na kayo? Alam mo bang sobrang nanggagalaiti yan nung may balitang may kasama ka raw sa mall?"

Hindi ako makasagot sa kanya dahil iniisip ko kung ano bang pangalan niya. Ilang beses ko na siyang nakita rito at sa ibang club, pero hindi ko nakakausap. Naalala ko na lang kung sino siya nang sumagi sa isip ko ang tumatawag sa cellphone ni Franchezka kahapon.

"Kumusta na nga pala kayo ng girlfriend mo, Andrew? 'yong high school chick?" tanong ni Nylan.

"You mean, Chezka?" he grimaces as he says her name. "Tss, 'wag mo nang hanapin 'yong babae na 'yon. Ni hindi nga sinasagot mga tawag ko, e, samantalang dati siya pa unang tumatawag." Kwento niya habang nagsasalin ng wine sa basong hawak niya.

"Baka naman may pamalit na? Na-hit and run ka, 'dre," asar ni Nylan sa kanya.

Bago sumagot ay inabot sa'kin ni Andrew 'yong wine glass at dahan-dahan ko namang ininom. "Psh, bago? Subukan niya. Baka malintikan 'yong babaeng 'yon sakin."

I know Andrew can be as harmful as Nylan is. Magkakadugtong lang naman ang mga bituka nila pagdating sa kaaway. I expect that the Chezka he just mentioned is the same as Franchezka. Kung tama ako, siya ang kahalikan ng babaeng 'yon sa napuntahan ko noong nakaraan.

"Call ako d'yan. Pag kailangan mo ng resbak, isang tawag lang sa'kin," sagot ni Nylan.

Gabi na pero hindi pa tapos ang party dito. Umub-ob na nga lang ako sa mesa dahil sa sobrang antok kaya nakatulog ako kahit maingay. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na hawak ko. Hindi ko pa nga naaangat ang ulo ko, inagaw agad 'yon ni Nylan sa kamay ko.

"Hello?" sagot niya.

Inangat ko agad 'yong ulo ko at mabilis na inagaw sa tenga niya 'yong cellphone. Pagtingin ko, si Kleinder pala ang nasa kabilang linya.

"Hikari?"

"Oh? Ano? 'yong project sa Physics?" Pagkukunwari ko. Nilakasan ko pa para marinig ni Nylan. "Tanga, 'wag ako ang tanungin mo!"

Sumulyap ako kay Nylan para tignan ang mukha niya. Sana lang maniwala siya sa naimbento kong conversation kay Kleinder.

"Teka... anong sinasabi mo? Hindi naman 'yon ang—" nalilitong tanong ni Kleinder sa kabilang linya.

"Ah sige, bukas na lang." Binaba ko agad at tumingin ako kay Nylan. "Pwede ba, wag kang sasagot ng tawag kung 'di para sayo?"

Pinatong niya ang isang kamay niya sa sandalan ng couch. "Boses lalaki 'yan, ah. Siya ba 'yong kasama mo sa picture?"

"Hindi siya 'yon, okay? Wag ka ngang nosy," sagot ko.

Laking pasalamat ko nang nawala siya sa tabi ko dahil may pinakita yata si Andrew sa kanya. Dali-dali kong binitbit ang gamit ko at tumakbo palabas. Malalagot na naman ako panigurado sa bahay dahil wala na namang naabutan ang driver namin. Madalian kong tinext si Kleinder na kinaladkad na naman ako ni Nylan kaya hindi ako nakapasok. I'm thankful the traffic is light kaya isang oras lang nasa bahay na ako.

Isang made ang nagbukas ng gate sa'kin, which is weird. Usually kapag ginagabi ako, si Daddy o kaya ang step mother ko ang nagbubukas ng gate.

Wala pa ako sa pinto, narinig ko nang may nagtatawanan. Dad isn't the kind of person who laughs, actually, kaya pagpasok ko, tinignan ko kung sino kausap niya.

"Oh, ayan na pala siya, e. It's good that you are here, your classmate has been waiting for you."

"Kleinder?"

What the hell is he doing here?

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon