Kabanata 20.5

15.9K 202 12
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


"E, paano ba naman, inubos mo 'to." Kinuha ko sa kanya 'yong iniinom niya at tinabi. Nakapikit na siya, but I guess she's not sleeping. "Ayaw mo ba sa taas?"

"Hindi naman sa gano'n."

Hinarap ko siya kahit hindi siya nakalingon sakin. "Tell me."

Hindi siya sumagot agad, na parang pinag-iisipan niya kung sasabihin niya ba ang naiisip niya o hindi. I won't push her but gratefully, she speaks.

"Hindi lang siguro ako okay na nasa iisang lugar lang kami ni Franchezka," plain na sagot niya. "I mean, kesa magkatarayan kami, mas okay na bumaba ako. I have to adjust dahil mas magkakilala naman kayo."

I find her words ridiculous, but I don't dare say.

"Ayaw mo ba talaga sa kanya?" tanong ko. "No'ng pinakilala ko siya sa'yo, ramdam ko nang naiinis ka sa kanya. Bakit?"

"Bukod sa nabasag niya ang cellphone ko,"-she smirks, looking at me-"ayoko ng idea na nakukuha niya ang atensyon mo."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Napalunok na lang ako dahil baka sakaling makatulong, pero wala pa rin. Baka naman mali ang dinig ko?

"Siya 'yong babaeng nakabasag ng cellphone mo?"

"Oo."

"Mali ang iniisip mo." Huminga ako nang malalim at tinignan siya pero kanina pa siya nakatingin sa malayo. "Kung na kay Franchezka lahat ng atensyon ko, wala sana ako ngayon sa tabi mo."

Napansing kong ngumiti siya.

"I didn't expect, though."

"Akala ko nga umuwi ka na. Muntik na akong mainis sa'yo. Ayaw mo nang bumalik sa taas?" Umiling siya. "Gusto mo bang ihatid na kita? Baka hinahanap ka na ng Daddy mo."

Natawa siya nang bahagya. "Ako? Hahanapin no'n? Tsss. Gusto na nga akong palayasin no'n e."

"Ano'ng sinasabi mo?" Umupo ako nang mas malapit sa kanya.

"Nagulat nga ako nung pumunta ka sa bahay e... tapos sinabi niyang natutuwa siya dahil may pinagkakaabalahan ako sa school." She laughs bitterly. "Alam mo bang doon ko lang naramdamang nag-e-exist ako sa paningin ng Dad ko?"

Dumilat siya at tumingin sa'kin. Medyo madilim rito, at tanging ilaw sa kusina lang ang liwanag. Her eyes shine the moment she searches for my gaze.

I didn't see it coming-she cries.

Actually di ako nakapagsalita nung makita ko 'yon. I think unti-unti ko na rin siyang nakikilala. Mahina pala talaga siya sa mga ganyang bagay, pero aakalain mong napakatapang niyang tao. Palagi kasi siyang mukhang galit. Palaging tahimik at hindi siya mahilig mag-share ng tungkol sa buhay niya.

Ang alam ko lang ay wala na siyang biological mother and she has a step sister then 'yong Nylan na stalker niya whose a gang leader and I think that's kind of dangerous.

Tumayo siya at gano'n din ako. "U-Uwi na ako. Happy birthday pala."

"Are you sure?"

"Yes." Umikot pa ang mga mata niya sabay tawa. "Wag kang mag-alala."

"You look drunk."

Natawa siya. "Hindi! Hello, isang lata lang 'yan. Imposibleng makalasing. Saka mababa ang alcohol content n'yan."

Wala na akong maisip na isasagot. Sa totoo lang, hindi naman talaga siyan mukhang lasing, at alam kong hindi talaga. Alibi ko lang 'yon para hindi siya agad umalis.

"Wala pa akong regalo."

Nagkatinginan kami at sabay na tumawa kahit medyo awkward. That is supposed to be a joke, but it doesn't sound like it. Napakamot siya sa ulo niya at may kinuha sa bag na nakasabit sa balikat niya. Inabot niya sa'kin ang isang maliit na blue paper bag, at sinabing mamaya ko na buksan kapag mag-isa.

She smiles again. "Happy birthday."

"Thanks."

Walang gumalaw sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umakyat sa taas, o ihahatid ko ba siya sa gate, o mapapakamot na lang sa batok. Kulang na lang may dumaang anghel sa gitna namin.

She awkwardly scoots towards me and reaches for a slight hug. Nang makita ko ang gesture, hinayaan ko ang kamay ko na dumampi sa buhok niya. I feel her tiny breaths against my neck which sends me chills down my spine. My heart nearly forgot to beat when she tightens the embrace.

Nang bumita siya, parang mag kung ano sa loob ko. Ewan, parang nabitin ako sa yakap na 'yon.

Kalahati lang ng mukha niya ang naliliwanagan, pero maliwanag sa'kin ang mga mata niya na nakatingin din sa'kin. As her hands run down to let go, I barely manage to breathe.

I can kiss her right now. Actually, I want to.

Magbe-bend pa lang sana ako, may umalingawngaw na boses mula sa malayo. "Kuya! Tawag ka ni Mom-oh, sorry...."

Napaatras ako nang marinig ko ang boses ni Kristina na ngayon ay nakatingin sa malayo dahil sa muntik niya nang masaksihan. Lalo akong namutla.

"A-Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Tawag ka ni Mommy," sabi niya sabay tingin kay Hikari. "Hinahanap ka sa taas."

"Bye," bulong ni Hikari.

Naglakad siya palabas, at naiwan ako kasama si Kristina na hindi parin umiimik. Apologetic ang mukha niya, pero hindi ko naman siya sinisisi.

"Sorry, hindi ko naman alam. Malay ko bang nag-uusap pala kayo nang seryoso diyan," paliwanag ni Kristina kahit hindi ko tinatanong. "Better luck next time."

Bumuntong-hininga lang ako. "Pakisabi aakyat ako."

Tumango siya at tumalikod para umalis. Tinignan ko ang paper bag na hawak ko at inangat 'yon. Inalis ko ang light blue ribbon sa taas, at kinuha ang laman sa loob. Muntik na akong matawa nang makita ko ang mini version ni Squidward with its usual indifferent face. Paano niya nalamang favorite cartoon character ko si Squidward?

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon