Kabanata 10.5

18.8K 214 3
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


HIKARI

"Hello! May nakalimutan ka yata? Akala ko ba gagawa tayo ng project?" sabi ko kay Kleinder sa phone.

Para akong ewan dito sa loob ng 7 eleven dahil mukhang inaaway ko ang kausap ko. Sino ba namang hindi maiinis, e, halos 30 minutes na akong naghihintay sa kanya. Hiyang-hiya naman ako sa 10 AM sharp niya.

"Ngayon ba?" nagatataka pa siya.

"Don't tell me wala kang maalala? Eh kung iumpog ko kaya ulo mo sa pader? Humanda ka lang pag wala ka pa dito afer 10 seconds." Napatingin sa'kin 'yong nasa kabilang mesa na kumakain ng donut. May mga milk powder pa sa labi niya.

"Wag ka ngang naninigaw, okay? Parang ji-no-joke lang e. Papunta na 'ko dyan, na-late lang. Naglinis pa kasi ako ng study room, nakakahiya naman kasi sayo." May halong sarcasm 'yong sinabi niya kaya binaba ko na ang tawag.

Whether he likes it or not-scratch that-whether I like it or not, kailangan naming magsama ni Kleinder nang isang araw para tapusin ang powerpoint presentation na pinagagawa ng teacher namin sa English. Nakakabadtrip lang dahil ginawang by partner ang report at nagkataong katabi ko siya.

Actually, muntik na siyang agawin ng babaeng nakaupo sa kabila niya. Buti na lang at naabutan ko. Hinila ko kasi agad ang kamay ni Kleinder bago pa man siya kausapin ng katabi niya. Inismiran pa ako ng babaeng 'yon nang makita niyang tinaasan ko siya ng kilay.

Siya ang pinili kong partner. Asa namang may interes akong makisama sa isa kong katabi na minu-minutong nangungulangot-mas titiisin ko na lang 'tong si Kleinder.

Tapos na ang 10 seconds pero wala parin kahit kaluluwa lang ng lalaking 'yon. Humigpit na ang hawak ko sa cellphone dahil sa di mapigilang inis.

Makalipas ang dalawang minuto, may lalaking nagbukas ng pinto sa 7 eleven. Nakasuot siya beanie, navy blue V-neck T-shirt at khaki shorts with matching Islander sandals. Pinagtinginan agad siya ng mga babaeng kumakain sa loob pero binaling ko na 'yong atensyon ko sa pagtetext kay Kleinder dahil ano'ng petsa na.

Gigil na gigil ako sa pagtatype sa cellphone nang makita ko sa peripheral vision ko na naglakad 'yong guy papunta sa table ko saka huminto. Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko. Pagtingala ko, napataas 'yong isang kilay ko kasi si Kleinder pala 'tong kaharap ko, nalaman ko lang nang tinitigan ko ang mukha niya.

Hindi ko agad nakilala kasi mukha siyang tao ngayon.

Hindi niya man lang ako pinagsalita. Hinila niya na lang basta ang kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako, pinagtitinginan tayo."

Hindi niya ako binitiwan hanggang sa makalabas kami ng pinto ng convenient store. May kinuha siyang kung ano sa bulsa ng short nya at pinindot ito sa tabi ng isang maroon na Chevrolet. Napataas na lang nang kusa ang isang kilay ko dahil tumunog 'yong kotse at binuksan niya ang pinto.

"Sakay," sabi niya sabay sakay sa driver's seat.

Medyo na-overwhelm ako kaya di ako nakapag-respond agad sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko hindi siya gumagamit ng sasakyan pag pumapasok ng school. Hindi nga siya mukhang may driver's license, e.

Umismid muna ako bago sumakay nang makaramdam ako ng inggit sa kotse niya. Isa pa, hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Napakabait bilang isang lalake. Ang sarap pasabugan ng confetti.

"Kotse mo?" tanong ko pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ng kotse.

Natawa siya sabay iling. "Sa Mama ko 'to. Minor pa lang ako, di pa pwede." Napatango na lang ako at nagtiyagang pakinggan ang 'Mandy' na kanta ni David Pomeranz sa radyo.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon