EDITED (c) Shupershimmer
LAST CHAPTER!!!
***
"Di mo ba dala 'yong sasakyan mo?" tanong ko habang medyo nakayuko para makita ko siya. "Sumabay ka na sa'kin."
"Magtataxi ako."
"Matatagalan pa bago ka makahanap ng taxi na walang sakay. Sige na, ihahatid na lang kita." She remains quiet. "Sha-neh, sumakay ka na."
Inabot ko 'yong pinto sa passenger's seat para buksan. Siguro dahil sa consideration, sumakay siya sa loob bitbit ang laylayan ng gown na suot niya.
Hindi ko mapigilang higpitan ang pagkakahawak sa manibela. Nakakatawa mang isipin pero pakiramdam ko iiyak ako ngayon sa harap niya, luluhod, hihingi ng sorry, at makikiusap na balikan niya ako.
Natatakot kasi ako. Pinakawalan ko siya, baka di na niya gustong bumalik.
"I still cant believe na 'yong loko-loko nating tropa..." Nilingon ko pa siya. "Si Gab, e, kasal na."
"I know." Ngumiti siya. "I'm sure mahal niya si Rachelle para pakasalan siya."
Napalunok lang ako at iniba ang usapan. "K-Kumusta? I mean, ikaw, kumusta ka ngayon? Busy ka ba?"
Nakatingin lang siya sa daan. "Okay naman. Baka madestino ako next month sa Baguio; kailangan ng psychologist."
"Talaga? Good for you."
No, bad for me.
"Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko."
Inapakan ko ang preno pagdating sa stoplight. Pagkarinig ko no'n, di ko pinalampas ang opportunity na tignan ulit siya.
"Bakit?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nagka-dead air na naman. Para kasing nagdadalawang isip siya kung dapat niya bang sabihin ang dahilan niya kung bakit pinag-iisipan niya pa. Pero syempre, sumagi sa isip ko na sana isa ako sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang umalis ng Manila.
"Ikaw? Kamusta?" baling niya.
"Ako? Sakto lang... naghahanap ng bagong trabaho. Ayoko kasi sa present job ko ngayon sa isang college."
Ito, minamahal ka parin, isasagot ko sana
"Are you dating someone?" Napangiti ako tanong niya.
"Wala akong oras," sagot ko. "Tsaka... ayokong humanap ng iba."
Pagkatingin ko sa kanya, halatang namutla siya na parang di siya makapaniwala sa narinig niya. Binalik ko 'yong atensyon ko sa stoplight at inapakan ang accelerator nang mag-green light.
"Alam mo, gusto ko sanang humingi ng sorry sa lahat ng nasabi ko sa'yo. You know, nung... break up. Siguro hindi ko na napigilan 'yong sarili ko pero kung alam mo lang-basta, sising-sisi ako."
Hindi siya sumagot pero alam kong nakikinig siya.
I manage myself to smile. "Ewan ko ba. Sa lahat kasi ng mga desisyon ko, 'yong break up natin ang pinaka-pinagsisisihan ko. Nung una kasi, akala ko okay lang... pero kasi... narealize ko na sobrang mali lahat... I made the stupidest decision."
Naipatong ko na lang ang isang kamay ko sa itaas ng bibig. Hanggang sa naramdaman kong naluha na 'yong isang mata ko kaya pinahid ko agad habang nilingon ko saglit ang ulo ko sa bintana.
"Sorry."
Hindi naman siya nagsalita pero ramdam kong may gusto siyang sabihin. Dapat di ako maiyak. Bakit gano'n?
"Alam mo, kahit paano nakatulog ang break up... nag-calm down tayo pareho, tapos tignan mo ngayon, hindi tayo nagsisigawan, okay na okay lang ang usapan. Everybody needs a break. I took it as a blessing, despite the fact na sobrang masakit ang nangyari. Pero, habang tumatagal kasi, nagiging maayos na uli lahat... See?"
Inapakan ko ang preno. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Nag-usap tayo kanina nang walang galit sa isa't isa, tapos pumayag akong ihatid mo 'ko kasi wala nang sama ng loob. Space lang naman kasi ang kailangan natin noon, KJ... hindi break up." Umiwas na siya ng tingin.
"Sorry... sorry. I'm just hoping na sana tatanggapin mo pa ako. Last chance."
"Hindi ka pa nagsosorry, napatawad na kita." Napahinga ako nang maluwag nang sinabi niya 'yon.
"Pwede ba akong magtanong?" tanong ko. "May space pa ba ako sa'yo?"
Bumulanghit agad siya nang tawa, at napaisip agad ako kung may mali ba akong nasabi. Nahiya tuloy ako bigla, at natawa na rin nang bahagya.
"Seriously? You're asking me after our one-month break?" Hindi ko ma-gets ang meaning niya. "Bilis, ihatid mo na ako pauwi."
Pagdating namin sa bahay nila, bumaba na siya ng kotse nang hindi ako hinihintay na buksan 'yon para sa kanya. Lumabas din naman agad ako at lumapit sa kanya.
"Thanks for the ride," nakangiting sabi niya.
Napakamot ako sa batok ko bago sumagot. "Thanks for this day."
I'm still in admiration as I see her in a gown. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nagsuot ng gown. Nakita ko na lang na tumalikod siya para mag-door bell.
"May lakad ka ba bukas?" Nag-hang sa ibabaw ng door bell ang daliri niya. "May extra ticket kasi ako for a concert, sayang naman kung di magagamit. Hindi kasi makakasama si Kristina sa'kin. Uh, malungkot kasi pag mag-isa sa concert. Di naman kita pinipilit..."
Tinignan ko ang mukha niya for any sign of rejection pero ngumiti lang siya.
"Are you asking me for a date?"
Nabulunan ako kaya napaubo ako bigla. Kinailangan ko pa ngang tumagilid at takpan ang bibig ko. Nang makaraos, humarap ako sa kanya saka ngumiti rin.
"If that's what you think. I am... asking you for a date."
"Ano'ng oras?"
Automatic na kuminang ang mata ko at gusto kong mapasuntok sa hangin. nataranta ako bigla. Tumigil lang ako sa pagngiti nang mahalata ni Hikari ang mukha ko. Nakakahiya.
"7 PM 'yong concert, Araneta. Susunduin na lang kita rito para mas okay," casual na sagot ko.
"Fine, pumunta ka rito ng alas-kwatro."
Nagtaka agad ako. "Ha? Ang aga naman."
"Bakit? Sa concert mo lang ba balak makipag-date?"
May kung ano'ng humampas sa ulo ko-imagination ko lang yata.
"Ah! Syempre, hinde. Sige ako nang bahala. See you at 4 pm." Naglakad na ako papuntang kotse. "Thanks-ouch!"
Napahawak agad ako sa tuhod ko nang bumangga ako sa bumper ng sasakyan. Ang tanga ng kotse, hindi umiwas. Narinig kong natawa si Hikari at sinabing:
"Kalma lang, KJ, baka di ka makauwi niyan."
"Okay lang ako."
"Talaga bang okay ka?" Naglakad siya palapit sa'kin tapos hinawakan ako sa balikat para i-check ako.
Eksakto, pagkatingala ko sa kanya, nagtama na naman ang mga mata namin. Tumayo agad ako nang diretso, at napaiwas.
"Ayos lang. Sige, bye."
"Bye, KJ, see you."
I inwardly gasp the moment she kisses me on my cheek. Hindi pa rin pala nagbabago ang nararamdaman ko kapag malapit siya. Kung di nga siya umurong agad, baka niyakap ko na siya.
Hindi ako nakatiis-hinawakan ko siya sa kamay at nilapit ko ang mukha niya sa'kin. Habang nakapikit, magkadikit ang labi namin, dinig na dinig ko ang heartbeat naming dalawa. Siguro nga imagination ko lang, pero sigurado akong masaya ako sa naramdaman ko.
Nang maramdaman kong humawak siya sa batok ko, hinigpitan ko rin ang yakap ko sa bewang niya.
I knew it. She's the best thing I'll always ever have.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...