Kabanata 7

21.4K 275 10
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


KLEINDER

That is one of the most embarrassing moments of my life. Sa harap pa talaga nila Gab. Hindi ko alam bakit sa dinami-dami ng oras na pwedeng silang sumulpot, do'n pa kung kailan ang awkward ng posisyon namin ni Hikari. Dapat pala talaga di ko nalang sinalo ang babaeng 'yon e. Pero hindi ko rin naman pwedeng hayaan siyang tumalon dahil baka kumalas ang buto niya sa sahig.

Mabuti na lang talaga at hindi kami nakita ng huling teacher na dumating, kundi yari kaming dalawa.

Tanong ng tanong si Gab hanggang sa byahe pauwi kung bakit daw ang tagal ko. Bakit daw gano'n na lang ang posisyon namin nang naabutan nila kaming dalawa. Ano daw bang nangyari sa'min.

Konti na lang talaga at magdidilim na paningin ko sa katabi ko.

"Wala nga," mariing sagot ko.

"Huuu, wala daw." Halos humaba na 'yong nguso niya sa pang-aasar pagkatapos ay bumulong siya kaso di ko narinig.

Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin na lang sa bintana kaysa pakinggan si Gab. Naalala ko ulit ang nangyari kanina nang natulak ko si Hikari nang mapansin kong nakatayo sina Rex sa di kalayuan. Bago pa niya maidilat ang mga mata niya, naitulak ko siya agad. Pati si Hikari napatakbo na lang sa hiya.

"I swear," sabi ko. "Paglabas ko ng department, tumatakbo siya kaya nagkabunggo kami."

Pero sa tingin ko hindi bebenta ang katwiran ko kay Gab, lalo na't chismoso at mausisa siyang tao. Lahat ng anggulo gusto niyang malaman.

"Kung gano'n... ano'ng ginagawa niya, e, kanina pa tapos ang klase natin? Imposibleng nag-stay siya para sa group report gaya natin. Hindi naman siya kasama sa reporters." Siniko niya ako. "Huh? At tumatakbo pa."

Nagkibit-balikat lang ako.

"Hindi kaya may ginawa siyang masama? Baka may ninakaw siyang property ng school!" Napa-snap pa siya na parang naka-solve siya ng malaking maze. "Namumutla ba siya nang makita mo?"

Napalingon ako do'n sa sinabi niya at agad siyang kinotongan. "Alam mo, napaka-judgmental mong tao. Porke ba nagmamadali siyang tumakbo, may ninakaw agad? Malay mo naman may nakita siyang multo."

Napaisip siya sa sinabi ko. "Oo nga, 'no. Baka nakita niya ang legend na white lady sa corridor na 'yon." Tumawa pa siya.

At least, tumahimik na siya pagkatapos no'n.

Nauna akong bumaba ng bus, at tinapik na lang ni Gab ang likod ko. Pagdating ko ng bahay, may batang humarurot papunta sa'kin para yakapin ako.

"Kuya!" sigaw niya.

"Wow, Drake!" Pagkayakap niya, binuhat ko siya kaagad.

"Kelan pa siya umuwi, ma?" tanong ko kay Mama na nakatanaw lang samin.

"Kani-kanina lang e. Nagulat nga kami ng Papa mo kasi wala man lang pasabi."

Drake is my youngest brother, 10 years old. Two weeks siyang wala sa bahay dahil sinama siya ni Tita Cassandra sa Cebu trip niya kasama ang anak niya. No'ng una, naiinggit ako dahil si Drake lang ang makakapunta. Humadlang kasi ang pag-aaral namin ni Kristina kaya hindi pwedeng umalis.

Pagkabitiw ni Drake sakin, inabutan niya ako ng naka-plastic na T-shirt, may print na I heart Cebu. Nagpasalamat ako at sinukat ko agad ang bigay niya.

"Ang daya mo, Drake. Bakit si kuya meron niyan, ako wala?" pagmamaktol ni Kristina na kalalabas lang galing kusina at ngumunguya ng kung ano.

Dumukot din si Drake sa bag niyang nakapatong sa sofa at inabot kay Kristina ang shirt.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon