EDITED (c) Shupershimmer
***
KLEINDER
Sumaglit lang ako sa hospital para bisitahin si Franchezka. Balak ko sanang kausapin si Hikari dahil sa totoo lang, masama ang loob ko sa sinigaw ko. Kaya lang mukhang okay naman siya kasama si Nylan. Napaka-engot kong isipin na kailangan niya akong makausap.
"Finally, nagkita rin tayo."
Napahinto ako sa paglalakad nang may nagsalita sa harap ko. No'ng una akala ko si Nylan pero hindi. Hindi ko mapigilang magsalubong ang kilay ko.
"Sino ka?"
Tinapon niya ang natitirang yosi na hawak niya at tinawanan pa ako. Nagulat na lang ako nang tinulak niya ako na parang naghahamon ng away.
"Di mo ako kilala? Ganyan ka ba ka-gago, ha?"
Kinalma ko 'yong sarili ko dahil alam kong lasing ang kaharap ko, at baka napagtripan lang ako. Amoy alak kasi at kung sino-sinong hinahamon.
"Hindi kita kilala," sabi ko.
Kinuwelyuhan niya na ako. "Ako lang naman ang boyfriend ni Franchezka!"
Hindi talaga ako nakaimik. Walang nabanggit sa'kin si Franchezka tungkol sa sinumang lalaki. Tinanong niya pa nga ako kung pwede kaming mag-date. Naguguluhan ako.
"Ano, alam mo na?" nakangising sabi niya.
Hinawakan ko 'yong kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko. "Pare, umuwi ka na. Amoy alak ka, e."
Then by that, he punches my face hardly and I fall on the ground, face first. Hinugot niya ulit 'yong kwelyo ko. Sinapak niya naman ako at naramdaman kong nagsugat ang labi at pisngi ko. Agad akong tumayo at sinuntok siya bago niya pa ako balikan.
"Ano bang problema mo sa'kin, ha?" singhal ko.
Dumura siya sa gilid at umiling pa. "Dahil sayo, wala na kami. Gago ka ba!? Pumapatol ka sa girlfriend ng may girlfriend!"
Masyado siyang mabilis kaya hindi ako nakaiwas nang sinipa niya ako sa sikmura. Halos bumaligtas ang sikmura ko sa sakit. Nararamdaman ko rin 'yong paghapdi ng mga sugat ko sa braso dahil do'n sa mga gasgas.
"A-anong ibig mong sabihin!?" tanong ko naman. Inangat niya 'yong mukha ko nang mabilis at gigil na gigil siya.
"Baka akala mo, hindi ko alam ang pinaggagagawa ninyo ng pokpok na 'yon?"
Hindi ko alam kung bakit niya ako sinisisi kung totoo mang naghiwalay sila ni Franchezka. Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko rin siya kilala.
"Wala kaming relasyon!" sagot ko. "Kung sino man ang nang-agaw, hindi ako 'yon-"
Nakatikim na naman ako ng isa pang suntok kaya napilitan akong gumanti pero nakailag agad siya. Kahit pala lasing, nakakasuntok at nakakailag pa rin.
"Hindi ko inagaw sayo si Franchezka at hindi ko kasalanan kung bakit siya nakipagbreak sayo. Wala akong pakialam sa relasyon ninyo."
"Sinungaling." Nakuha pa niyang ngumisi. "I guess nararapat lang sa kanya 'yong ginawa ko. Dapat lang siguro 'yong ginawa ko kay Franchezka." Yumuko siya tapos tumatawa pa.
Napaisip ako... nararapat lang ang ginawa niya kay Franchezka? Ang alin?
Something pops out in my mind. "Anong ginawa mo sa kanya?" Lumapit ako at kinuwelyuhan ko siya nang mahigpit. "Ikaw ba ang nanakit sa kanya? Magsalita ka!"
Tinulak ko siya pero mukhang di man lang siya natakot. Nakita ko na lang na may dinudukot siya sa likod niya at nang makita ko ang talim na kuminang nang matamaan ng liwanag street lamp, alam kong delikado na ako. Tumayo lang ako nang diretso, nang di alam ang dapat na gawin.
"So? Ano naman sayo kung ako nga ang may gawa?" Pinaglaruan niya pa ang kutsilyo sa kamay niya. "Sa panloloko ninyo sa'kin, dapat lang siyang masaktan. Kulang pa nga 'yon, e, dahil malandi siya."
With all these information he declares, all I can think of is her. I always knew she can't do that.
Bakit sinabi ni Franchezka sa'kin na may kinalaman si Hikari?
Sa lalim ng pag-iisip ko, nakita ko na lang na lumapit sa'kin 'yong lalaki at tinadyakan ako. Napahiga ako sa semento, at halos bumaluktot sa sakit ng tiyan ko. Naaninag ko ring iaangat niya na ang patalim na hawak niya pero hindi ako makagalaw dahil sa pag-inda ko.
Hindi ko naisip na sa ganito hahantong ang buhay ko. Naisip ko na lang na bukas, mababalitaan ng mga magulang ko na may duguan sa kalsada, at malalaman nilang ako. I almost cry as I think of it.
I expect a deep thrust of dagger but I don't feel pain at all. May mga brasong nakapaikot sa'kin, at hindi ko alam kung sino. Dumilat ako para tignan, at nagulat ako nang makita kong naluluha na siya.
"Hikari?"
Napansin kong nagulat din 'yong lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya sa aming dalawa.
Tinulungan niya akong makaupo, at lumuhod siya sa tabi ko. "Ayos ka lang ba?"
I can't say no, because my body really hurts.
Tumayo si Hikari at matapang na hinarap 'yong lasing na lalaki. "Andrew! Ano ba! Wala siyang kinalaman! Hindi niya inagaw sayo si Franchezka. Itigil mo 'to!"
Magkakilala sila?
"Pinagtatanggol mo ba 'yong gagong 'yan Hikari?" Tinuro niya ang sarili niya. "Ako ang naloko rito. Ako pa ang masama?"
Natigilan ako nang sinampal niya 'yong lalaki. Narinig ko pa ang tunog no'n at sigurado akong masakit 'yon sa pisngi.
"Oo! At wala kang karapatang gawin sakanya 'yon!" Nakayukom na ang mga kamay ni Hikari. "Wala silang relasyon ni Franchezka gaya ng iniisip mo. Matagal na silang hindi nagkikita. At dahil sa asal mo ngayon, nawala ang respeto ko sa'yo, Andrew."
Hindi na lumaban pa sa kanya 'yong lalaki. "Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari pag nalaman ni Nylan na pinagtanggol mo 'yang lalaking 'yan? Sigurado akong makakarating sa kanya na may iniintindi kang ibang lalaki kaysa sa kanya."
Kilala niya rin si Nylan? Teka, naguguluhan na ako.
"Magsumbong ka. Wala akong pakialam!"
Lumingon siya sakin at tinulungan niya akong tumayo. Pinaakbay niya ako sa balikat niya at naglakad. Kita ko 'yong galit sa mga mata niya habang nakatitig do'n sa lalake. Paglagpas namin sakanya, biglang nagsalita si Hikari.
She gives me a dagger look. "Sa oras na sinabi ko kay Nylan na muntik mo na akong masaksak... sigurado akong tapos na ang pagkakaibigan ninyong dalawa."
Pagdating sa bahay, unang nakakita sa amin ay si Kristina. Obviously, nagulat siya sa hitsura kong bugbog sarado. Buti na lang at nasa kwarto si Mama at wala pa si Papa nun. Si Drake, tulog na. Hinatid ako ni Hikari hanggang sa kwarto ko. Pinaupo niya ako sa kama ko at inutusan niya si Kristina na kumuha ng first aid kit.
"Kaya naman siguro ng kapatid mo na gamutin ka." Humakbang siya paatras. "Uuwi na ako."
Habang nakaupo ako no'n sa gilig ng kama ko, at umiinda sa nsobrang sakit ng katawan ko, hinila ko nalang ang kamay niya at niyakap ko siya.
"Sorry..."
Yun na lang ang nasabi ko. Hinayaan niya naman ako pero hindi niya ako niyakap pabalik. Narinig kong nagbukas ang pinto at bumitaw na ako.
"Naku, Kleinder! Anong ginawa mo sa mukha mo?" Si mama, alalang-alala pa. Di na ako sumagot. Tapos, umalis na lang si Hikari at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
His Best Damn Thing [EDITED VERSION]
Teen FictionShe's the best thing that ever happened to my life. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakataon, makikilala ko ang babaeng good-for-nothing-si Hikari. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao, siya pa. He's the best thing that ever happened to...