Kabanata 20.5

16.4K 189 14
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


"I don't wanna close my eyes!!! I don't wanna fall asleep cause I miss ya babe, and I don't wanna miss a thiiing!!!"

Napapikit na lang ako habang bumibirit si Rex. Nagvi-videoke kasi kami, at katunog ng boses niya ang mga kukong ini-scratch sa balckboard. Nagtawanan lang kami nang kinalampag ni Gab ang mga kaldero sa lamesa namin-lalong umingay.

We're now celebrating Kleinder's birthday. Actually nabigla pa nga ako nang inimbitahan niya akong pumunta sa bahay nila, kasama ang iba. Um-oo naman agad ako, pero di ko naman in-expect na nandito rin ngayon si Franchezka. Akala ko pa naman huling pagkikita na namin 'yong nakaraan dahil wala na siyang training sa school. Hanggang ngayon, hindi kami nag-uusap na dalawa at wala akong balak.

Nasa attic kami ng bahay nila Kleinder, kaya solong-solo namin. Sigurado rin akong umaalingawngaw ang ingay sa langit at magigising ang mga anghel-kung meron man.

Kanina lang, dumating ang tiyahin ni Kleinder kasama ang anak na Clifford daw ang pangalan. I know Clifford is not purely Filipino because of he's grayish black eyes. Sinabi sa'min ni Kleinder na model daw ang pinsan niya kaya itong mga kasama ko-particularly Rex and Czarina-are obviously energetic. Sandali lang at nagpaalam din ang pinsan niya.

Habang kumakanta si Rex, ako naman ang kinausap ni Czarina. "Grabe talaga Hikari! Ang gwapo ng pinsan niya. Shocks! Kinikilig ako, hahaha!"

Umismid lang ako.

"Ano ba yang reaction na yan?" tanong niya sa akin. "Di ka ba napo-pogian? Wala ka bang taste?"

"Okay lang naman siya," simpleng sagot ko.

Nag-pout si Czarina. "Sayang nga lang at umalis na. Grabe, gusto kong magpa-picture sa kanya kanina; nahihiya lang akong mag-approach. Baka himatayin ako."

Ngumiti lang ako sa sentiment niya at saglit na tinignan ang reaksyon ni Gab na malapit lang dahin sa'min. Malamang narinig niya lahat. Hindi ko napigilang ngumiti nang sumimangot si Gab sabay subo ng barbecue.

We are all interrupted when Franchezka came in with a bowl. Kleinder stood up beside her in amazement.

"Wow, sinigang na hipon!"

I miraculously succeed to hide my rolling eyes.

"Sabi kasi ni tita, favorite mo raw 'yan kaya niluto ko, regalo ko na rin yan sa'yo."

"Wow, thanks a lot!" Kinuha ni Kleinder ang bowl. "Favorite ko talaga 'to!"

Nabigla ako kasi tumalim 'yong tingin ni Franchezka sakin, parang ano-ka-ngayon-look. Nanahimik lang ako magdamag at kahit nagkakasiyahan sila, di ako involve. Isa pa, hindi ako kumakanta. Nagpaalam akong bababa para mag-CR.

Lumabas ako ng pinto nila Kleinder at pumunta sa likod ng bahay, kung saan may nakita akong maliit na fish pond-or something like that-at naupo sa gilid no'n. Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang isang beer-in-can na nasa sling bag ko. Pagkainom ko, dinig na dinig kong kumakanta si Czarina.

Habang nakaupo ako, ininom ko nang paunti-unti 'yong alak. Medyo masakit na nga ulo ko and I feel sleepy. Di ko alam kung anong oras na pero malamang mag-a-alas diyes na, Ayos lang, wala namang tao sa bahay. Magkasama sina Dad at 'yong step mother ko sa Batangas for some reason at si Megumi, bukas pa ang uwi from her trip.

Hindi ko rin alam ang definite reason kung bakit bumukod ako. Pero sure akong part no'n si Franchezka. Hindi talaga ako okay sa babae na 'yon-lalo na ngayon. Isa pa si Kleinder. How can he smile to her that way like what he always does to me? It feels unfair, though, I know it should not.

Na-realize ko na lang na ubos na ang iniinom ko dahil walang pumatak sa dila ko.

"Shit," I murmur.

"Nandito ka lang pala." Nabigla ako sa boses na narinig ko, paglingon ko, nakita ko si Kleinder na nakapamulsa at naglalakad palapit sakin.

I don't actually expect him to come here. Masyado siyang busy kanina sa taas, na hindi nga kami masyadong nag-usap kaya hindi ko inasahang mapapansin niyang wala ako doon.

I faintly smile as he gently steps towards me. Maybe all I want tonight is to see him alone.

KLEINDER

Czarina is definitely a good singer. Kumpara naman sa'ming lahat, siya lang yata ang tumama sa tono. Balak ko sanang hanapan si Hikari ng regalo niya sa birthday ko pero wala siya sa inuupuan niya kanina. May sinasabi sa'kin si Franchezka pero tumayo ako at nilibot ang mata ko.

"Nakita mo si Hikari?" tanong ko kay Gab.

"Uh, sabi niya magbabanyo siya, e." Tumingin din siya sa paligid. "Actually 20 minutes ago pa yata 'yon."

Bumaba ako ng attic at nasalubong ko si Mama na may dalang pagkain paakyat. "Sa'n ka pupunta?" tanong niya.

"Ma, nakita mo si Hikaring bumaba?"

Umiling siya. "No."

Tumagilid ako para makaraan sa hagdan at dumiretso hanggang sa baba. Wala rin kasi siya sa second floor kay malamang nasa labas siya. Medyo na-disappoint ako nang hindi ko siya nakita sa labas ng pinto. Tumayo ako roon at nakaramdam ng inis-kung aalis siya, hindi naman masamang magpaalam sa'kin. Pinuntahan niya na naman ba si Nylan?

"Oh, ano'ng tinatayo-tayo mo diyan, kuya?" Napatingin ako kay Kristina na papasok nan g baha.

I sigh. "Nakita mo si Hikari na lumabas?"

She tilts her head to think. "Nakita ko siyang pumunta sa likod ng bahay. Bakit? Ano'ng nang-"

Tinalikuran ko si Kristina at naglakad-takbo sa likod ng bahay. I know something's wrong with here. Hindi naman siya magsosolo nang walang dahilan. Nakita ko siyang nakaupo sa fish pond ni Mama

"Nandito ka lang pala," sabi ko tapos lumapit ako sa kanya at umupo.

Ngumiti siya sa'kin. "Sorry, nahihilo kasi ako sa taas. Si Rex kasi," natatawang sabi niya.


His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon