Kabanata 9

19.3K 231 5
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***


"Saan ka galing?"

"Dad, bukas na to please? I'm tired."

"Amoy alak ka," tugon niya. "Naglasing ka na naman ba?"

I sarcastically smirk. "No dad. I'm physically okay. Look."

Napahilamos lang siya sa mukha niya bago ako umakyat. Pumasok ako ng kwarto ko at nag-shower agad. Naisip ko na naman 'yong sampal niya kanina lang. That is for the nth time. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya—sanay na ako. Kulang na lang magkakalyo ang mukha ko dahil sa mga sampal niya mula pa no'ng bata ako.

Bumaba ulit ako para sa dinner. Masyadong tahimik na halos nakakabingi na ang ingay ng mga kutsara at tinidor. 

"Did you cut your class, again?" Dad asks in the middle of the silence.

"Bakit naman ganyan ang tanong mo sakin?" Di ko maiwasang mainis.

"Hinanap kita sa school ninyo pero wala ka. Umalis ka raw. Sinong kasama mo?" Lumakas ang boses niya. "'Yong childish peers mo na walang ginawa kundi magpariwara ng buhay?"

I groan. "Bahala ka kung ano'ng gusto mong isipin," sabi ko na lang.

"Ugh, dad. I have a good news nga po pala." My Dad changes his mood nang magsalita si Megumi—step sister na mas bata sa'kin ng two years.

"What, iha?"

"I'm chosen as the lead role sa stage play namin Florante at Laura sa school! Isn't that great?" If I know, pasikat na naman tong kapatid ko. Kaya naiinis ako pag kinukumpara sa'kin 'to. Porke mas masipag, mas responsible, mas reliable.

"Really? That's great. I will surely watch that." Silence again. "Buti ka pa may nagagawang matino. Samantalang 'yong iba dyan, walang ginawa kundi magloko."

Hindi ako tanga para isiping hindi ako ang tinutukoy ni Dad. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, umakyat ako ng kwarto at inihagis ang framed painting na nakasabit sa dingding ko.

KLEINDER                

Hindi ko naisip na darating ang araw na maglilinis ako ng comfort room sa school. Oo, kahit paano nalilinis ko ang banyo sa bahay pero ibang usapan kapag Boys' CR na—mas malala naman 'to. Tinali ko na nga ang panyo ko sa likod ng ulo para matakpan ang ilong ko. Ngayon ko lang narealize na kadiri ang CR namin.

"Pre, kadiri naman tong parusa natin. Laslas pulso!" sabi ng kasama ko naka-mask pa. Isa rin siya sa nabigyan ni Mrs. Rios ng punishment.

Natigilan ako sa pagbrush ng wall tiles nang magbukas ang pinto ng CR, pero mas nagulat ako sa nakita ko—si Hikari, may hawak na floor mop.

"Ano ba 'yan!" sigaw ng isa sa mga umiihi at sabay-sabay silang nagsipagsara ng mga zipper.

Isa 'to sa mga moment na gusto kong tawanan pero masyado akong nagulat sa pagsulpot ni Hikari. Naglakad siya palapit saming dalawa ng kasama ko at di man lang pinansin ang mga lalaking halos mataranta sa pagsara ng mga zipper nila.

" Ano bang ginagawa mo? Banyo ng mga lalaki 'to," bulong ko sa kanya.

"Ano naman kung lalaki? Anong masama? Para namang interesado ako sa kikiam nila." Napakurap lang ako sa sinagot niya.

"Anong masama? Syempre... 'lam mo na," sabi nung katabi ko at siniko ko naman agad.

"Ano'ng ginagawa mo rito, kung ngayon?"

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon