Kabanata 14

17.7K 280 18
                                    

EDITED (c) Shupershimmer

***

HIKARI

Ako ang unang nagising sa'min lahat at hindi ko maiwasang matawa habang nakikita ang itsura nila habang tulog. Dalawang kama kasi ang hinigaan namin at pinagdikit lang para malaki. Kaming dalawa ni Czarina sa left side, ang dalawang boys, sa kanan. Si Rex ang gitna para raw neutral.

Kalaunan napilit ako ni Kleinder na sumali sa uno cards na nilalaro nila pagkatapos mag-almusal. Nakakainis lang dahil palagi akong talo, at inuutukan niya ako sa laro.

Somehow, mas masaya ngayon kaysa kahapon. O baka ako lang talaga ang hindi masaya kahapon. Hindi ko rin maiwasang tingnan ang katabi ko, syempre si Kleiner, na palaging nakangiti. Ewan ko lang kung nananadya siya, pero ngumingiti rin naman ako.

Buti nga hindi siya nailang pagkatapos ng mga nasabi ko kagabi. Lalo na nang nagyakap kami; akala ko hindi na ulit kami mag-uusap kinabukasan.

"You do have funny friends," sabi ko sa kanya habang nagbabanayan sina Gab at Czarina kung sino dapat ang panalo. "Napaka-swerte mo."

"Alam ko." Ngumiti pa siya. "Tapos dumagdag ka pa, kaya sobra talagang swerte ko."

Hindi ako naka-react sa sinabi niyang 'yon. Malay ko, ano ba dapat ang sabihin kapag sinabihan ka ng gano'n?

Basta ang alam ko kinilig ako nang marinig ko 'yon.

Pagkatapos ng lunch, nagdecide na kaming umuwi. Nagpaalam kami kay Rex nang ihatid niya kami sa labas ng gate. Naglalakad na kami ni Kleinder sa sidewalk at nasa unahan namin sina Czarina at Gab na kanina pa nag-aaway. Tungkol yata sa Sailormoon ang pinag-aawayan nila.

"Oh, buhatin mo!" pinabuhat ni Czarina 'yong gamit niya kay Gab. Ito namang loko, binuhat naman. Kawawang alipin.

"Wow! Personal alalay pala ang pormahan mo, Gab, e. Kawawa ka naman," pang-aasar ng katabi ko sa kanilang dalawa.

"May something ba sa dalawa na 'yan?" tanong ko.

Natawa siya habang nakatingin sa kanila. "Ewan ko. Ang torpe naman kasi ng kaibigan ko."

Maya-maya lang, nagpaalam narin ang dalawa sa'min dahil iba ang way ng dalawa. At dahil may dare daw sila, obligadong ihatid ni Gab si Czarina pauwi. Sa totoo lang, iba rin ang dadaanan ko kaysa sa lalakarin ni Kleinder pero pareho kaming nag-stay sa kinatatayuan namin nang walang umiimik.

"Ano'ng sasakyan mo pauwi?" tanong niya. "Ihahatid na kita."

"Okay lang, kaya kong umuwi mag-isa. Ikaw, saan?"

Ngumuso siya sa bus na kalalagpas lang. "Dito bumibyahe ang mga bus na dumadaan malapit sa lugar namin. Sigurado kang ayos lang sa'yo mag-isa?"

Tumango ako.

Honestly, I expect him to push it. Pero, mali yata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko dahil sinunod niya naman. Nakita kong magpapara na sana siya sa paparating na isa pang bus kaya nagsalita agad ako.

"Pero pwede ko ring i-consider na ihatid mo 'ko."

Naguluhan siya sa sinabi ko pero binaba niya na ang kamay niyang naka-hang para sana mag-para. Nagkamot siya ng batok at ngumiti.

"Tara."

Siya na ang may bitbit ng backpack ko habang nasa kabilang balikat ang bag niya. Sinabi ko na puntahan namin ang malapit na terminal ng FX, pati kung saang lugar ako nakatira. Panandalian kong tinignan ang cellphone ko na tadtad ng messages galing kay Nylan nang biglang huminto si Kleinder sa paglalakad.

His Best Damn Thing  [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon